Para po sa ating pangangaral sa umagang ito, buksan niyo po ang inyong mga Biblia sa Aklat ng Mga Awit.
Tayo ay patuloy sa ating pag-aaral ng aklat na ito. At tayo ngayon ay nadako na sa huli sa mga Awit ng Pag-akyat, Awit 134. Ang awit na ito ay isa sa pinakamaikli sa mga awit, at ito ang pinakamaikli sa lahat ng mga Songs of Ascents na ating nakita. Ngunit tulad nga ng sinasabi ni Pablo, ang lahat ng salita ng Diyos ay Kanyang ihininga, at ito rin, na maikli man, ay naglalaman ng mga malalim na katotohanan na mapapakinabangan natin para sa ating paglago at pagsunod sa Kanya.
[Scripture Reading & Opening Prayer]
Kung ating babasahin ang salitang ito at titingnan lamang ang mga salita, maaari tayong mapunta sa pag-iisip na ito ay isa lamang pangkaraniwang call to worship. Doon sa salitang “Come, bless the Lord,” ito nga ay kamukha ng maraming mga panawagan sa pagsamba dahil literal naman na ang ginagawa sa mga salitang ito ay tumatawag ang tagapagsalita na magdala ang mga tao ng papuri sa Kanya. At ’yon nga naman ang ibig sabihin ng salitang “Come, bless the Lord.”
Ngunit kung ating uunawain ang mga salitang ito, ating titingnan nang mas malapit, ay ating makikita na ito ay hindi pangkaraniwang pagtawag sa pagsamba sa Diyos. Hindi halata sa wikang Ingles sa ating binasa dahil sa wikang Ingles ang salitang “you” ay maaaring maging singular o plural. Sa atin, alam natin iyon na in English, ’yong “you” na salita pwedeng tumukoy sa iisang tao o sa marami.
Kapag ito’y binasa sa orihinal na Hebreo ay makikita na itong unang dalawang talata ay iba ang nagsasalita kaysa sa ikatlong talata. Ito ay halata kapag binasa, kaya sa pag-unawa ng maraming mga dalubhasa, mauunawaan agad na itong unang dalawang talata ay may ibang nagsasabi at ’yong talatang tatlo ay ’yong sagot doon sa unang nagsalita. Kumbaga, parang sa liturgical worship ay merong unang tatawag, siyang nagsabi ng “Come, bless the Lord,” at ’yong talatang tatlo ay sagot sa Kanya doon sa nagsalita sa unang talata.
At sa Tagalog nakakatulong sa atin ang wika dahil may dalawang magkaibang salita para sa singular at plural. Kaya makikita natin sa wikang Tagalog na ’yong panawagan sa una ay plural, may kausap na marami, at ’yong talatang tatlo ay may kausap na nag-iisa. Siya ’yong sinasabihan, nag-iisa, na sinasabihang “May the Lord bless you.” Mayroong mag-isang tao na sinasabihan na siya ay pagpalain mula sa Zion. At ’yong nag-iisang tao na iyon ang nagsasabi na maglingkod o magdala ng papuri ang mga lingkod ng Panginoon.
At itong mga kausap niya, kung ating titingnan, ang Kanyang partikular na tinutukoy ay ang tinatawag niyang “servants of the Lord.” Ito ay maaaring i-interpret lamang na tumutukoy sa lahat ng mga naglilingkod sa Diyos o sa lahat ng mga mananampalataya. Ngunit kung titingnan natin ang buong pahayag — “servants of the Lord, who stand by night in the house of the Lord, lift up your hands to the holy place and bless the Lord” — itong pagsasama-sama ng mga salitang ito ay nagpapakita na ang tinutukoy ng tagapagsalita ay ang mga pari.
’Yong mga pari ang itinalaga na maglingkod sa templo, at sila ang tinatawagan ng tagapagsalita na sila daw ay magpuri sa Panginoon. At sinabi ang pagkakakilanlan sa kanila: sila ang mga lingkod ng Panginoon at sila ay nakatayo doon sa bahay ng Panginoon. At ang maaari lamang tukuyin nito ay mga pari na itinalaga na tumayo doon sa bahay ng Panginoon. At lalo na sa talatang dalawa na sila ay inutusan na itaas ang kanilang mga kamay doon sa holy place. Ito nga ay isang lugar na minarka para lamang sa mga pari na naglilingkod para sa pagsamba sa Diyos.
Ito ay makikita natin simula sa Exodo 28, na may paghihiwalay ng mga lugar: may holy place at may Most Holy Place kung saan inilagay ang Kaban ng Tipan. At habang papalapit doon, ang ibang mga tao ay hindi maaaring lumapit. Ang maaaring makalapit hanggang doon sa holy place ay ang mga pari.
So itong awit na ito, talatang isa hanggang dalawa, ay isang panawagan sa mga pari. At tandaan natin, ang Awit ay hindi lamang binabasa upang sabihin, “Ito sinasabi sa akin, tinatawag ako na magpuri sa Panginoon.” Hindi ganoon ang pag-unawa sa Mga Awit. Ang Mga Awit ay isinulat upang ikaw ay magkaroon ng ganitong awit din. So ito ay inilalagay sa iyong puso upang magkaroon ka ng ganitong awit.
Kung ating uunawain, ang nais ng Banal na Espiritu sa awit na ito ay mapaalala sa bayan ng Israel na sa kanilang pagsamba kailangan nilang dumaan sa pamamagitan ng mga pari. Sa Songs of Ascents, ating tatandaan, ito ang kanilang pag-akyat sa bundok papuntang Jerusalem kung saan ginugunita ang mga pista ng mga Hudyo. Mayroon tayong tatlong pista sa Lumang Tipan na kailangan puntahan ng mga Hudyo sa isang taon at sila’y aakyat doon sa bundok, kaya ito tinatawag na Songs of Ascents — Awit 120–134.
At pagdating sa Awit 134 ay makikita natin na maaaring tingnan ito bilang dumating na sila doon sa templo at ito ang pagsisimula ng kanilang pagsamba, o maaari rin namang ito ang kanilang inaawit bago sila umalis. Kung second interpretation, maaari itong ituring na awit ng pagbaba. Pero anumang kaso, bahagi ito ng kanilang pag-akyat at ito ay kabilang sa kanilang mga awit. At ang pinapaalala sa kanila, matapos ang kanilang mahabang paglalakbay papunta sa bundok ng Jerusalem at nandoon na sila sa harapan ng templo, sila’y hindi makalalapit sa holy place at kailangan nila ngayon na tumawag sa mga pari. Sila ang unang paraan upang makapag-alay ng papuri sa Panginoon.
Sila’y tatawag sa mga pari: “Bless the Lord, you servants of the Lord, who stand by night in the house of the Lord. Lift up your hands to the holy place and bless the Lord.” Kaya nakikita natin, ang awit na ito ay may layuning maitanim sa puso ng bayan ng Israel ang realidad tungkol sa kanilang katayuan sa harap ng Diyos — na liban sa pamamagitan ng mga pari, hindi sila makakapagpuri o makapag-alay ng katanggap-tanggap na pagsamba sa kabanalan ng Diyos.
Bakit mahalaga ang katotohanan na ito?
Kung titignan natin sa reliyon ng Judaismo, ito ay isa sa mga pinakamahalagang prinsipyo na dapat nilang matutunan. Merong pag-iiba tungkol sa mga banal, merong mga consecrated things, merong mga consecrated persons, at kailangan nilang mapag-iba ang mga bagay na iyon.
Hindi maaari na yung hindi itinalaga para sa gawain ay siya ang mag-alay ng sarili niya, kahit siya pa may mataas na antas sa lipunan. Halimbawa, si Saul sa 1 Samuel 15, nagbigay siya ng pag-alay, ngunit ito ay hindi tinanggap ng Diyos. Kahit siya ay hari ng bayan, hindi maaaring siya ang mag-alay.
Alam din natin ang kwento ni Uzzah. Ang Ark of the Covenant ay dinadala, at dahil sa mabuting intensyon na baka mahulog ang Ark, siya ay inalalayan ito. Ngunit hindi siya maaaring humawak sa Ark, at kung ginawa niya, siya ay namatay doon din.
Sa mga Hudyo, mahalaga na maitanim sa kanilang puso ang katotohanang may pag-iba sa banal at sa mga hindi consecrated. Merong mga bagay na banal, itinalaga para doon, at hindi maaaring basta-basta lumapit o maglingkod, anumang mabuti ang intensyon ng tao sa kanyang puso.
Maging sa awit na ito, isang napakaikling awit, matapos ang kanilang pag-akyat sa bundok, pinapaalala sa kanila ang mga realidad na mahalaga sa kanilang relihiyon: sa harap ng kabanalan ng Diyos, hindi sila makalalapit at hindi sila makapag-aalay ng pagsamba liba na lamang sa pamamagitan ng mga pari.
Maaaring himayin ang ilang katotohanan na napapaalala sa mga Judyo sa pamamagitan ng awit na ito. Lahat ng ito ay tumutukoy sa katotohanan na ang pagsamba sa Diyos ay kailangang dumaan sa isang tagapamagitan.
Ang awit ay nagpapaalala ng ilang realidad. Una, pinapaalala sa mga Judyo na sila ay kulang sa kakayanan na magbigay ng narapat na pagsamba. They are unable to give the Jew worship to God. Pinapaalala sa kanila ang kanilang kakulangan sa kakayanan na magbigay ng sapat na pagsamba.
Isang masasabing chorus o refrain sa buong awit ay: “Great is the Lord, and greatly to be praised.” Kung ipapaliwanag natin, dahil dakila ang Diyos, ang papuri sa Kanya ay dapat correspondingly great. Because God is great, the praise for Him should be correspondingly great.
Kung ang Diyos ay walang patid sa Kanyang kabutihan sa atin, sa Kanyang pagpapatawad ng ating mga kasalanan, dapat ang papuri at pasasalamat sa Kanya ay walang tigil. Sa pagkilala na sa bawat araw at umaga ay may bagong awa mula sa Diyos, dapat may bagong pasasalamat na magmumula sa ating puso.
Ngunit kahit makilala natin ang katotohanan at ang tamang pagsamba na dapat maibigay sa Diyos, hindi natin ito kayang gawin nang sapat. Kung makita natin kung gaano kadakila ang Diyos, dapat makita rin natin na sa sariling kakayanan ay hindi natin kayang magbigay ng sapat na papuri sa Kanya.
Kaya tinatanim ng Banal na Espiritu sa bayan ng Israel na paulit-ulit silang hihingi ng tulong ng mga kasama na papurihan ang Diyos. Marami sa mga awit ay panawagan sa pagsamba ng Diyos. Ang espiritu ng lahat ng ito, maging sa Psalm 134, ay nagmumula sa pagkilala na: “Great is the Lord, and greatly to be praised.”
Kung ako lang ang nagpupuri at sa akin lang manggagaling ang pasasalamat, hindi ito tama. Kung may makikitang mga hindi sumasamba at sila ay dapat sumamba, kailangan silang tawagin. Sa pag-uumapaw ng pagkamangha sa kadakilaan ng Diyos, tinuturo sa atin ng Banal na Espiritu na tawagin ang lahat—tawagin ang bundok, tawagin ang dagat.
Sabi ni Jesus, kung manahimik ang mga taong dapat nagpupuri sa Kanya, ang mga bato mismo ay aangal. Ganito kadakila ang Diyos na dapat siyang pinupuri. Sa Psalm 134, tinuturuan silang tawagin, partikular ang mga lingkod ng Panginoon: “They stand by night in the house of the Lord.”
Ito ay tumutukoy sa night shift priests. Mababasa natin sa 1 Chronicles 9:33 na sa lahi ni Aaron, may mga inihiwalay na maglilingkod ng gabi, upang hindi mapatid ang patuloy na pagsamba sa Panginoon. Sinigurado nila na bawat oras sa buong araw ay may nag-aalay at nagbabantay sa templo.
Kaya ang eksena sa awit ay nagpapakita na pagdating nila at gabi na sa kanilang pagsamba, tatawagin ang mga maglilingkod ng gabi. Marami sa kanila ay pagod sa pag-akyat, gabi na, at hindi naman tungkulin nilang maglingkod magdamag sa templo. Tama lang sa kanila na magpahinga, kaya may itinakda para sa pagsamba.
Dahil kulang sila, kailangan nila ng tulong ng mga lingkod na magbibigay ng papuri sa gabi. Isa iyon sa pagkakalarawan ng tao sa eksena ng awit. Maaari din, isang interpretasyon, ay pa-uwi yung mga tao. Pagkatapos ng pagsamba at sa bukang liwayway, ang nandiyan ay yung night shift. Bago sila umalis, papaalalahanan ang mga nasa templo: “You servants of the Lord who stand by night in the house of the Lord.”
Sa mga salitang ito, ginagabayan sila ng Banal na Espiritu. Pinapaalala na sa sariling kakayanan, kulang sila. Kailangan nila ng tulong ng mga pari. They are unable to give the perpetual worship that is due to God’s faithfulness.
Dito pa lamang, sapat na itong paalala: kailangan nila ng tulong ng mga pari. Ngunit kung iniisip nila na dahil may kakulangan sila, maaari silang mag-ipon ng maraming tao at baka sapat na maibigay ang pagsamba, pinapaalala ng awit na hindi lamang sila unable to give perpetual worship, they are also unworthy to stand in the holiness of God.
So not only are they unable to give the perpetual worship that is due to His name, pinapaalala sa kanila na they are unworthy to stand in the holiness of God.
Sa talatang dalawa, sila'y tinuturuan na humingi ng tulong doon sa mga pare: “Bless the Lord, all you servants of the Lord, who stand by night in the house of the Lord.”
At kanila ngayong hinihiling itong particular na ministeryo na hindi nila maaaring gampanan ang pagdulog doon sa holy place. Kaya’t silang tinatawag niya, ang mga pare: “Lift up your hands to the holy place and bless the Lord.”
Mababasa natin ang tungkol sa holy place. Una itong binabanggit sa Exodus, pagkatapos magbigay ng demarcation kung alin ang most holy place at alin ang holy place. Yung most holy place ay ang paglalagyan ng Ark of the Covenant, at yung holy place ay nasa labas, may pagitan lang na veil. Doon sa holy place, palaging pupunta ang mga pare.
Sabi, “the sons of Aaron shall go there.” Meron silang mahabang mga detalye kung anong isusuot na mga garbong jewels. Lahat nito ay sumisimbolo sa bayan ng Israel. Binigay sa kanila na the sons of Aaron, o ang sinabi ay Aaron shall stand in the holy place to bear the judgment of God for the people.
Kailangan niyang humarap doon sa holy place para harapin ang paghukom ng Diyos para sa mga tao. Siya ang magbubuhat nito bilang pare, bilang tagapamagitan, at siya ang tatayo at magiging representative ng Israel doon sa holy place. Ito’y gagawin upang laging maalala ang Israel sa holy place.
Ito ay napapaalala sa kanila, at isang very real na principle sa mga Hudyo, dahil bawal silang lumapit doon. Maging ang mga pare ay kailangang sumunod sa meticulous instructions at dumaan sa maraming ritual para hindi mamatay sa holy place.
Meron silang mga paghuhugas at damit na kailangang isuot. Ang mga pare na pupunta doon ay lalagyan ng tali dahil kapag mangyari na may mamatay, ang iba na hindi pwedeng lumapit ay kailangang makuha mula sa presensya na iyon. Lahat ng pupunta sa holy place ay may ganoong tali.
Ito ay isang unforgettable principle sa harap ng mga Hudyo, dahil life and death ang usapan. Sa pamamagitang ng awit na ito at reference sa holy place, pinapaalala na sila mismo ay hindi maaaring lumapit doon. Kailangan nilang dumaan sa mga pare at hingin ang kanilang panalangin: “Lift up your hands to the holy place.”
Sa ganitong paalala, nakikita nila na kailangan nila ang ministeryo ng mga tagapamagitan. Dahil kulang sila sa kanilang kakayanan at hindi karapat-dapat dahil sa kasalanan, nakadepende sila sa tulong ng mga tagapamagitan, mga pare na itinalaga ng Diyos.
Sa pag-alala ng kanilang inability at unworthiness, hindi ito nagdi-discourage sa kanila na humarap sa Diyos. Ang provision ng Diyos na magbigay ng pare ay nagbibigay daan upang makalapit sila. Ito ay ipinagdiriwang.
Sa Psalm 132:9: “…let your priests be clothed with righteousness, and let your saints shout for joy.” Hindi lamang takot ang naramdaman ng mga tao sa harap ng kabanalan ng Diyos, kundi may malalim na pasasalamat sa awa at biyaya ng Diyos na magbigay ng pare upang makasamba pa rin.
Ang awit ay nagpapakita ng kagalakan sa harap ng kabanalan ng Diyos. Sila ay tumatawag sa mga pare at naniniwala na ang Panginoon ay malulugod sa kanilang pagsamba. May pananampalataya sila sa yaman ng biyaya ng Diyos na sa pamamagitan ng mga pare ay makapagdadala ng katanggap-tanggap na pagsamba sa Kabanalan ng Diyos.
Bagamat maikli ang awit, makikita natin ang aral na naipapaalala sa bayan ng Israel. At bagamat literal, para lamang sa mga Hudyo ang aplikasyon, sa atin bilang mga Kristiyano, may aral tayong makukuha.
Kung paano ang awit ay nagtuturo sa mga Hudyo ng pagiging mapagpakumbaba sa harap ng kabanalan at pasasalamat sa biyaya na makalapit sa Diyos sa kabila ng kasalanan, tayo ngayon ay may ganitong aral din.
Sa awit, binanggit ang templo, ang pare, at zayon. Kung literal lamang, ito’y para sa mga Hudyo, ngunit ang espiritual na realidad ay natupad kay Hesukristo. Ang awit ay dapat pahalagahan higit pa sa mga Hudyo sa Lumang Tipan.
Ngayon, tayo ay may akses sa espiritual na realidad sa pamamagitan ni Hesukristo sa mas banal na lugar, hindi lamang doon sa holy place ng Lumang Tipan. Sa Hebrews 7-12, ipinapakita kung paano ang ating Punong Paring Hesukristo ay dinala sa heavenly holy place. Sa pamamagitan Niya, tayo rin ay makakalapit sa makalangit na kabanalan.
Katulad ng itinuturo sa mga Hudyo, na sila ay unable to give perpetual worship, tayo rin ay dapat maalaala na hindi natin kayang ibigay sa Diyos ang papuring nararapat sa Kanya. Linggo-linggo, marami sa atin ay faithful in attendance, buong araw sa iglesia, nakikinig ng salita ng Diyos, at isinasantabi ang araw para sa pagsamba sa Kanya.
Ngunit dapat nating maunawaan na hindi pa rin ito naaabot ang dapat na pagsamba na maibigay sa Diyos. Kaya hinihingi sa atin ang buong buhay natin sa paglakad bilang spiritual worship para sa Diyos. Kahit na maabot natin ang ilang antas ng mabuting gawa araw-araw, dapat maging mas mataas pa ang tingin natin sa kabanalan ng Diyos.
Kailangan nating makilala na kahit ang ating pinakamahusay, even our best, ay hindi pa rin naaabot ang foot ng Kanyang kabanalan.
Kaya tulad ng napapaalala sa Bayan ng Israel, na sila'y tatawag sa mga pari dahil hindi nila kayang sa kanilang sarili maialay ang papuri sa Diyos, tayo rin ay napapaalalahanan at dapat maunawaan ang katotohanang ito sa ating sarili: hindi natin mabibigay ang karapat-dapat na pagsamba sa ating Panginoon.
At tulad ng mga Hudyo na laging napapaalalahanan na sila'y hindi karapat-dapat humarap sa kabanalan ng Diyos, tayo rin ay dapat magkaroon ng ganitong pag-unawa: sa kabanalan ng Diyos, tayo ay hindi makatatayo kung sa ating sarili.
Siguro, sa kanila, psychologically, mas totoo ang karanasang ito. Dahil nai-experience nila ng harapan, kapag lalapit sila sa isang holy place, may mamamatay. O kung magkakasala ayon sa panahon na iyon, sa ilalim ng pamahalaan ng Israel, ang kasalanan gaya ng breaking the Sabbath o dishonoring their parents ay deserving ng capital punishment.
Sa kanilang pananaw, mas malinaw ang sense of the holiness of God at kung paanong napakataas ng requirements of holiness para sa lahat ng tao.
Sa atin ngayon, dahil wala na ang templo at hindi natin nakikita ang mga ganitong pangyayari, baka nawawala sa ating sensibility na sa kabanalan ng Diyos, tayo sa ating sarili ay hindi makalalapit.
Ngunit ang katotohanang ito ay dapat nating maunawaan: tayo ay tinuturuan na laging tatawag sa tagapamagitan at manalangin: “Lift up your hands to the holy place and bless the Lord, because kami, hindi kami pwedeng dyan.”
Dito sa Psalm 24, makakonekta natin ito sa Song of Ascents. Tinanong ni King David: “Who shall ascend to the holy hill?” Maaaring ito ang pumapasok sa isip ng mga tao pagkatapos umakyat sa Jerusalem. May holy hill, ngunit hindi sila pwedeng lumapit. At ang sagot: “He who has clean hands and a pure heart.” Wala silang ganun, kaya kailangan ng mamagitan para mag-alay sa holy place.
Tayo rin, sa espiritual na realidad, ay dapat maunawaan: sa harap ng kabanalan ng Diyos sa kalangitan, kung haharap tayo sa Ama, tayo ay mga makasalanan at hindi makakapagbigay ng katanggap-tanggap na papuri sa Kanya, maliban na lamang sa pamamagitan ng Kanyang itinalagang tagapamagitan.
Sa panahon natin ngayon, malinaw na noong Lumang Tipan, ang mga tagapamagitan ay ang mga pare, lahi ni Aaron. Ang mga pare at buong Lumang Tipan ay mga anino ng espiritual na realidad. Ang function ng Old Testament priesthood ay shadows of heavenly realities.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagdaan sa mga pare, natututo ang Israel: hindi sila maaaring lumapit sa Diyos sa sarili nila.
Ngayon, sa Bagong Tipan, ang tunay na realidad: sa ating sarili, hindi tayo makalalapit, at hindi rin tayo makakakuha ng tulong mula sa kahit sino, hindi sa anghel, hindi kay Maria, hindi sa ibang santo. Ang tanging paraan ay sa pamamagitan ni Hesukristo.
Si Hesukristo ang tanging tagapamagitan na ating lapitan. Siya ang magbibigay ng papuri sa Panginoon at magbibigay kaluguran sa Kanya. Sinabi ng Diyos tungkol kay Hesukristo: “This is my Son with whom I am well pleased.” Ang tanging paraan para makalapit sa Ama ay sa pamamagitan Niya.
Kaya noong Lumang Tipan, ang mga tao ay dumadaan sa mga pare, ngunit hindi ang mga pare ang tagapagligtas. Maging sa Lumang Tipan, makikita natin sa Hebrews 7:26, kailangan ng mga pare na mag-alay araw-araw bago pumunta sa templo. Sila mismo ay kailangan magbigay ng sacrifice for their sins, kaya hindi sila ang tagapagligtas.
Ngayon, may mas maluwalhating kahulugan ang awit na ito dahil meron tayong mas mataas na tagapamagitan: si Hesukristo. Noong panahon na iyon, ang mga pare ay mga tao rin, namamatay, kailangan matulog, kaya may night shift at iba't ibang assignment. Maraming pare at henerasyon ang kailangan.
Si Hesukristo, ayon sa Hebrews 7:24-25, ay hindi namamatay. “He ever lives to make intercession for his people so that he can save to the uttermost.” Siya ay patuloy sa Kanyang pagmiministeryo, tinitiyak ang kaligtasan ng lahat ng Kanyang mga hinirang.
Sa Hebrews 7:27, malinaw ang inferiority ng Old Testament priesthood: sila rin ay makasalanan, kailangan mag-alay every day bago makapag-intercede for the people. Samantalang si Hesukristo, ayon sa verse 26, ay innocent at blameless, at sa one sacrifice of Himself, nabayaran na Niya for all time ang kasalanan ng mundo.
Kaya sa pamamagitan ni Hesukristo bilang ating Punong Pare, meron tayong mas maluwalhating kaligtasan at mas malalim na katiyakan na ang ating pagsamba ay katanggap-tanggap sa harap ng Panginoon.
Bagamat hindi binanggit si Hesukristo sa awit, ang espiritwal na realidad ay itinuturo nito: tayo ay dapat magtiwala kay Hesukristo lamang upang makalapit sa kabanalan ng Diyos nang may katiyakan na tayo'y tatanggapin.
Sa pamamagitan Niya, ang ating mga kasalanan ay nahuhugasan, at kahit ang ating paglilingkod na may bahid ng kasalanan ay kanyang tinatakpan at naipresenta sa harap ng Diyos bilang katanggap-tanggap.
Para sa mga nakapakikinig ngayon, kung hindi pa kayo sumasampalataya sa Panginoong Hesukristo, isang malinaw na summary ng Gospel: John 14:6, sinabi ni Hesus, “I am the way, the truth, and the life. No one comes to the Father except through me.”
Ito ay paalala at panawagan sa sangkatauhan: ang tanging daan para makalapit sa Ama ay sa pamamagitan ni Hesukristo. Walang ibang makakapagbigay ng sapat na intercession para sa makasalanang tao. Ang kailangan mo ay ang pamamagitan ni Hesukristo, Anak ng Diyos na Kanyang kinalulugdan.
Ngunit ito'y isang mensahe at paalala rin sa atin, mga mananampalataya, na tayo na lumapit sa ating Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo at kumilala sa ating pagkamakasalanan, ay dapat palaging mapaalalahanan: anumang antas ng ating kabanalan o anumang ating naabot, tayo ay palaging nakadepende sa pamamagitan ni Hesukristo. Anumang ating gagawin o iaalay sa Panginoon, ito'y hindi katanggap-tanggap kung hindi sa pamamagitan Niya.
At sa kabila nito, kahit maliit ang ating maibigay, at kahit ang ating pinakamainam na gawa ay may bahid ng kasalanan, tayo sa pamamagitan ni Hesukristo ay tiyak na ang lahat ay katanggap-tanggap. Ang mediation ng ating Panginoong Hesukristo ay tiyak na epektibo, dahil Siya ang Anak ng Diyos na Kanyang kinalulugdan.
Natatapos ang awit na ito sa benediction na ibinibigay sa mga tumawag sa pari. Maaaring ang verse 1 at 2 ay panawagan sa mga pari, at ang verse 3 naman ay ang sagot ng mga pari sa kanila. Ito ay isang benediction bago bumaba ang mga pilgrim:
"May the Lord bless you from Zion, He who made heaven and earth."
Muli, pinapaalala sa kanila na bagamat uuwi sila sa kanilang mga bayan at lalayo mula sa Zion, ang kanilang pagpapala ay magmumula lamang sa Zion—mula sa templo, mula sa pamamagitan para sa kanilang kasalanan, mula sa mga pag-aalay na ginagawa. Doon lamang ang daan para sila ay mapagpala.
Sa panahon natin ngayon, sa Bagong Tipan, ipinahayag sa atin sa Ephesians 1:3 na tayo ay pinagpala ng lahat ng espiritwal at makalangit na pagpapala sa pamamagitan ni Hesukristo. Hindi na tayo tinitingnan pa sa Zion para tanggapin ang lahat ng pagpapala, kundi kay Hesukristo.
Kaya, tulad ng paalala ng awit na ito, tayo ay dapat sanay tumingin kay Hesukristo lamang. Sa pamamagitan Niya at sa pananampalataya sa Kanya, ang lahat ng pagpapala ay mapapasaatin natin.
Ang pagpapalang ito ay hindi lamang material na bagay, kundi mga mas maluwalhating pagpapala: pagpapalago sa kabanalan, paglilinis ng ating kasalanan, at pagdadala sa atin sa kaluwalhatian upang tayo ay mamuhay na walang kasalanan, buong-buong kabanalan, sa harap ng Diyos, sa pagpupuri, sa walang hanggang pag-ibig sa Diyos at sa ating mga kapatid.
Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo lamang, mapapasaatin natin ang lahat ng ito, at ang buong kalangitan ay pinapangako sa atin upang makasama natin ang Diyos magpakailanman.
[Closing Prayer]
This transcript was created using AI tools. Please report issues or corrections to webadmin@rgbc1689.org.