Patuloy po tayo sa ating pag-aaral ng aklat ng mga Awit.
Sa mga Awit na matagal na nga nating pinag-aaralan, nakikita natin ang iba't ibang aspeto at iba't ibang paraan ng pagsamba sa ating Panginoon. Kaya nga napakaganda ng aklat na ito na nagtuturo sa atin mula mismo sa inspirasyon ng Espiritu ng Diyos kung paano ang tama at banal na pagsamba sa Kanya.
Sa pagkakadescribe nga ni John Calvin ay sa pamamagitan ng mga Awit, “it is as if God Himself sings through our hearts.” Kasi itong mga salitang ito na Kanyang sinulat sa pamamagitan ng iba't ibang mga manunulat ay nagmumula mismo sa Espiritu ng Diyos, at kaya itong mga natututunan natin na mga salita para Siya bigyan ng kapurihan ay nagmula sa Diyos mismo na ating sasambahin.
Kaya nga ngayon, sa umagang ito sa ating pag-aaral ng aklat na ito, ngayon tayo ay nasa Psalm 132. Ito ang ating maunawaan: itong mga salitang ating natutunan ay mga salitang mula sa Diyos na nagtuturo sa atin paano ang tamang pagtawag sa Kanya at pagbigay luwalhati sa Kanyang pangalan.
[Scripture Reading & Opening Prayer]
Kanina nagkaroon tayo ng isang mahabang Scripture reading, at sabi ni Deacon ay ito ang tingin niyang pinakamahaba. Tingin ko mas mahaba actually yung isang nauna, Genesis 24; ay parang mas marami siyang salita. In any case, sa lahat ng mga Awit na aking na-cover mula nang nagsimula ako sa patapos ng Psalm 119, ito ang pinakamahaba sa mga Awit na aking na-preach. Mayroon pang parating na mas mahaba sa kanya pero so far ito ang pinakamahaba—maikli-ikli pa rin.
Ngunit dahil nga sa kanyang haba at sa dami ng salita, maaari na nababaon yung punto sa isang madaliang pagbasa; hindi natin mabilis na maunawaan. Isang susi na maunawaan ang mga Awit ay ating tandaan na ito ay isang panalangin. At kung gusto natin mahanap ang pinakapuso ng isang panalangin, hahanapin lang natin kung ano ang kanyang petisyon.
So kung maunawaan natin at makita natin alin dito ang kanyang petisyon, madaling lumiwanag na maintindihan natin ang buong sinasabi niya sa Awit na ito. Dito sa Psalm 132, ang masasabi nating buod ng kanyang petisyon, at dito na ikumpol lahat ng kanyang hinihiling mula sa Diyos, ay yung mga salita sa talatang walo hanggang sampu. Ang kanyang hinihingi ay:
“Arise, O Lord, and go to Your resting place,
You and the ark of Your might.
Let Your priests be clothed with righteousness,
and let Your saints shout for joy.
For the sake of Your servant David,
do not turn away the face of Your Anointed One.”
Ang mga salitang ito actually ay makikita din natin sa 2 Chronicles 6:41–42 bilang bahagi ng panalangin ni Solomon sa kanyang mahabang prayer of dedication for the temple. Alam natin yung nangyari: si David ay naghangad na magtayo ng isang templo para sa Diyos kung saan ilalagay ang Ark of the Covenant. Ngunit hindi ito natupad sa kanyang panahon. Ito ay sinabi sa kanya ng Diyos na ang gagawa nito ay ang kanyang anak na si Solomon.
At nang si Solomon ay natapos na nga ang paggawa ng templo, ito ang kanyang panapos doon sa kanyang prayer of dedication. Sabi niya, “Arise, O Lord, and go to Your resting place.” Na ito yung hinangad ng aking ama—yun yung mahabang sinasabi niya doon sa unang bahagi ng kanyang panalangin. Ito yung hinangad ng aking ama na mangyari. At ngayon, nagawa ko na yung templo: “Arise, O Lord, and go to Your resting place, You and the ark of Your might.”
At ito ay kanyang hinihiling na ang Diyos ay manahan sa kanilang kalagitnaan at magkaroon ngayon ng pagpapala ng Kanyang pag-iingat at Kanyang kalakasan. Siyempre, ang Diyos naman ay hindi nakukulong sa isang kahon o maging sa isang magarbong templo; hindi pa rin natin masasabi na ang Diyos ay physically nandoon. At dahil nga ang Diyos ay, sabi sa Hebrews 1, “by the word of His power He holds the universe,” yung buong kalawakan ay hawak ng Diyos. So hindi Siya nalilimita sa isang lugar, dito sa isang ibabaw ng bundok.
Ngunit ang kanyang hinihingi ay magkaroon ng espesyal na presensya ang Diyos doon sa lugar na iyon, doon sa templo, at hinihingi nila na doon ay magkaroon ng pagpapala ang Diyos—bigyan sila ng pabor, ng pag-iingat, ng Kanyang kalakasan. So iyon ang ibig nilang sabihin: “Arise, O Lord, and go to Your resting place, You and the ark of Your might.”
At sa pamamagitan nga ng panahanan ng Diyos sa kanila, ay bigyan sila ng Diyos ng mga pari na mangunguna sa kanila sa pagsamba nang may katuwiran. At dito tinukoy niya yung “The Anointed One,” at ang ibig sabihin diyan ay ang hari. Kung sino man yung hari—at siya iyon noong nanalangin—siya ang hari na binuhusan ng langis, siya ang Anointed One.
At ang pinapanalangin niya ay na sa pagbibigay ng pagpapala ng Diyos sa bayan ng Israel, sa Kanyang panahanan sa templo, ay pagpalain sila ng mga tagapanguna—yung mga pari at yung hari—upang ang buong bayan ay, sabi sa talatang siyam, “Let Your saints shout for joy.” Dahil nangunguna ang mga pari nang may katuwiran at ang hari ay ginagabayan ng Diyos, ang buong bayan—the saints—ay “they will shout for joy.”
At ito ang dalangin ni Solomon noong una, at ngayon na itinuturo ito sa bayan ng Israel at nagkaroon nga ng mga henerasyon na ito ang inaawit, ibig sabihin, hindi lamang ang hari, hindi lamang si Solomon, kundi lahat ng mga sumunod na henerasyon, ito ang nagiging dalangin na tinuturo sa kanila: na hilingin ang pagpapala ng Diyos, na sila ay samahan at ingatan—ingatan ng kanilang mga pari at ang kanilang hari—upang sila nga ay magumapaw sa kagalakan.
Itong panalangin na ito ay, hindi man natin ngayon sinasabi sa ganitong mga salita na hinihiling natin na ang Diyos ay manahan sa templo at tinitingnan natin ang Kanyang Kaban—hindi na natin ito alam kung nasaan, probably wala na; kung nasaan man ang Ark of the Covenant—hindi na natin nililimita doon ang ating pag-unawa sa presensya ng Diyos.
Ngunit tayo pa rin ay naghahangad at dalangin ng ating puso na samahan tayo ng Diyos sa ating mga ginagawa, sa ating gawain bilang iglesya, o maging sa atin individually sa mga ginagawa para sa Panginoon. Ay hinihiling natin ang Kanyang pagsama at pagpapala dahil alam natin na ang Diyos lamang ang magbibigay sa atin ng katagumpayan.
Kaya’t itong tinuturo na Awit sa atin ay isang Awit na hindi na nga ganito pa mismo ang ating mga salita—na humihiling tayo ng presensya ng Diyos sa Zion. Tayo din ay humihingi ng pagpapala sa Diyos, at itong tinuturo na Awit ay maaari din nating pagkuhanan ng mga aral. Katulad ng ibinigay sa kanila, ang mga Awit na ito—ang lahat ng ibang bahagi ng Awit na ito—ay nagbibigay ng pundasyon para sa bayan ng Israel na umasa na ang kanilang hinihinging pagpapala, na yaman ng pagpapala ng presensya ng Diyos na magdudulot ng kanilang pag-uumapaw sa kagalakan, ay ipagkakaloob ng Diyos sa kanila sa Kanyang awa.
So dito, itong talata 8 to 10 yung main petition, pero yung the rest of the psalm ay tumutulong sa bayan ng Israel na maunawaan ano ang kanilang inaasahan, ano ang kanilang kinakapitan tungkol sa Diyos—bakit sila makasasampalataya na itong mayamang pagpapala na kanilang hinihingi ay ipagkakaloob ng Diyos sa kanila.
So dito ay natuturuan tayo ng pundasyon ng pag-asa para sa ating pananalangin. At ang unang tinuturo sa Awit na ito ay na ang Diyos ay may awa sa mga nahihirapan.
Dahil tayo ay naniniwala na ang Diyos ay may awa sa mga naghihirap, nasa lugmok na kalagayan, tayo ay may pananampalataya na kung tatawag tayo maging sa ating pagkalugmok, tayo ay kaaawaan ng Diyos. Ito ang nakikita natin sa talatang una. Bago sila dalhin doon sa paghingi sa Diyos ng mayamang pagpapala na magdudulot ng pag-uumapaw ng kagalakan, ay ginagabayan silang lumapit sa Diyos at ipaalala sa Diyos ang paghihirap daw ni David.
Ito ang sinasabi sa verse 1: “Remember, O Lord, in David’s favor all the hardships he endured.” So, sa kanilang paghingi sa Diyos, ang kanilang unang kinakapitan at inaasahan ay na papakinggan sila ng Diyos kung maalala ng Diyos ang paghihirap na pinagdaanan ni David.
At iyong unang binabanggit na paghihirap ay kung paanong si David ay nanais na magawa ito to the point na, sabi, hindi siya makatulog nang mahimbing—hindi literal siyempre na hindi siya natulog ever hangga’t hindi nagagawa yung templo—kundi na hindi niya kahahayaan ang kanyang sarili na makatulog nang mahimbing na walang aalala tungkol dito, dahil nga ito ay kanyang ninanais talaga para sa kaluwalhatian ng Diyos, sa presensya ng Diyos na nandoon sa Kaban ng Tipan.
At dahil hindi ito nangyari sa panahon ni David, ito ay isang hardship na tinatawag (or affliction doon sa mga lumang translation). At sinasabi: alalahanin mo si David, kung paanong siya ay naghirap. At iyong kanyang paghihirap na si David ay nagnanais na bigyan ng resting place ang Diyos, at kung paanong hindi ito natupad, kaya ang bayan ng Israel ay tinuturuan ngayon na ipaalala iyon sa Diyos: iyong lingkod Mo na si David ay naghirap at hindi natupad yung kanyang kagustuhan. Alalahanin Mo yung kanyang paghihirap, at ipagkaloob Mo sa kanya ngayon itong kanyang hinahangad na hindi natupad.
So ang logic na itinuturo sa bayan ng Israel kapag sila’y dadalangin, ay umasa sila sa awa ng Diyos sa mga naghirap, sa mga nasa hapis.
At ang tinuro sa kanila ay na ito ang kanilang kapitan: hindi nila pinaaalala sa Diyos na “alalahanin Mo si David kung paanong siya ay mabuting hari, mabuting tagapaglingkod, kaya ipagkaloob Mo na sa kanya yung hinihiling niya,” kundi “alalahanin Mo ang kanyang paghihirap—at sa Iyong awa ipagkaloob Mo na yung hindi niya nakamit.”
So ito ang tinuturo sa bayan ng Israel na kanilang kapitan: na ang Diyos ay may awa sa mga nahihirapan.
Si David mismo ay ganito manalangin at ganito lumapit sa Diyos. Ito ang kanyang kinakapitan maging sa paghingi niya ng pabor sa Diyos para sa kanyang sarili.
Makikita natin sa Awit 6 na kapag siya ay humihingi ng pagpapala mula sa Diyos, ang kanyang pinagkakatiwalaan ay hindi na siya ay may karapat-dapat na makatanggap ng kabutihan mula sa Diyos, kundi siya ay umaasa na dahil sa kanyang pagkalugmok ay kaaawaan siya ng Diyos.
Sa Awit 6, makikita natin na nang hihingi siya ng pabor mula sa Diyos, sabi niya sa verse 2: “Be gracious to me, O Lord.” At ang kanyang dahilan kung bakit siya nagtitiwala na ang Diyos ay makikinig sa kanya: “for I am languishing.” Sabi niya, “Heal me, O Lord,” at ang dahilan: “for my bones are troubled; my soul also is greatly troubled.” Sabi niya sa verse 4: “Turn, O Lord, deliver my life; save me for the sake of Your steadfast love. For in death there is no remembrance of You; in Sheol who will give You praise?”
“I am weary with my moaning; every night I flood my bed with tears; I drench my couch with my weeping. My eye wastes away because of grief; it grows weak because of all my foes.”
So dito nakikita natin: ang apila ni David ay hindi dahil siya ay mabuti o karapat-dapat, kundi pinapakita niya at inilalantad niya sa harap ng Diyos ang kanyang kaawa-awang kalagayan. At inaasahan niya na ang maawain na Diyos ay maaawa sa kanyang pagkalugmok—hindi dahil siya ay mabuti, kundi dahil ang Diyos ay mahabagin.
Kaya dito, tinuturo sa atin ng Awit (Psalm 132) na kung tayo ay aasa sa pagpapala ng Diyos, ang ating kapitan ay ang awa ng Diyos sa ating pagkalugmok, at hindi ang ating pagiging “worthy” para makatanggap ng Kanyang pagpapala.
Merong isang talata sa Lukas na nagpapakita nito: na si Hesus ay ganito rin. Ang mas nagpapakilos sa Kanya ay ang awa sa mga nahihirapan, hindi ang mga nag-aangkin ng kanilang worthiness sa harap Niya.
Sa Lukas 17:7–10, sinabi ni Kristo at ginamit Niya yung ilustrasyon: na kung kayo ay may mga alipin, at ginawa nila ang kanilang tungkulin, pagkatapos ba noon sasabihin mo, “ang galing nang ginawa mo, kumain ka na kasama ko”? Sabi ni Hesus, hindi. Ang sasabihin mo: “maghintay ka diyan at paglingkuran mo ako habang ako’y kumakain; kakain ka pagkatapos kong kumain.” Dahil may pagkakaiba ang master at alipin; at ang nagawa lang ng alipin ay ang tungkulin niya.
Kaya sabi ni Kristo: kayo din, kapag nagawa ninyo ang inyong tungkulin, sabihin ninyo, “We are unworthy servants; we have done only our duty.” Na hindi dapat magmataas ang sinuman kung nagawa man nila ang kanilang tungkulin. At probably hindi pa nga ito perfect, hindi umabot sa sukat na hinihingi ng Diyos.
Right after that, ang kinuwento ni Lukas ay kung paanong may tumatawag sa Panginoon—mga ketongin—“tulungan Mo kami, tulungan Mo kami,” at agad silang tinulungan ni Hesus. Pinansin dito ng mangangaral na si Bryan Chappell na ang pagtatabi ng dalawang salaysay ay nagpapakita na kung ano ang mas nagpapakilos kay Hesus: hindi ang ating kagalingan, kundi ang ating kaawa-awang kalagayan.
At kaya nga, ito ang ipinapakita sa atin ng Psalm 132: na kung tayo ay aasa sa Diyos na Siya ay magbuhos ng pagpapala—na “our priests be clothed with righteousness” at “do not turn away the face of His Anointed One,” at na tayo ay madala “to the point that the saints shout for joy”—kung ito ang ating inaasahan, ang ating kapitan ay ang awa ng Diyos sa ating pangangailangan dahil ang Diyos ay mahabagin.
Ngunit ang kakaiba dito sa Awit na ito, ang Kanyang tinuturo particularly na gawin daw ng bayan ng Diyos sa kanilang panalangin ay hindi lamang na ilantad sa Diyos ang kanilang pangangailangan, kundi—in this particular psalm—ay umasa sila sa pagpapala ng Diyos para kay David.
So itong bayan ng Diyos ay sinasabi na tinuturuan sila na kung sila ay hihiling ng pagpapala sa Diyos, ang kanilang maging apila ay, tandaan mo ang kahirapan na pinagdaanan ni David.
So sila ay parang sumisilong o nakikisawsaw doon sa awa ng Diyos para kay David. At ang ganitong pag-iisip ay siguro hindi familiar sa atin, lalo na medyo naiiba sa ating panahon at sa ating pagkakaroon ng identity bilang church, bayan, o kung anuman.
Sila, as the people of God, ay may strong identity with Israel and also with the King, at kaya sa kanilang panalangin ay kumakapit: kung ang Diyos ay may awa kay David, itong awa na Kanyang ibubuo sa kanya ay umapaw lang sa akin, mabuhusan lang akong unti—sapat na sa akin iyon dahil alam kong napakayaman ng awa at pagpapala ng Diyos.
Sa Matthew chapter 15, meron doon may kwento na may sumusunod kay Hesus: isang Canaanite woman na nanghihingi ng tulong para sa kanyang anak. At sa kanyang paghingi ng tulong ay sumisigaw siya at naguluhan ang mga disciples. Sinabi nila, “Patigilin mo na siya; sinusundan tayo sa lahat.”
At ang sagot ni Hesus ay pinansin nga ang sumusunod sa Kanya na Canaanite woman at sinabi sa kanya, “It is not right to get the bread of the children and throw it to the dogs,” dahil ako’y tinawag lamang para sa Israel.
So yung tinutukoy dito ni Kristo ay kung paano yung mission Niya at the time na nandito Siya ay para sa Israel. So itong sumusunod sa Kanya na nasa labas ng Israel, isang Canaanite woman, ay inaintulad Niya sa isang aso. Hindi dapat yung aso ang pakainin mo kung meron kang tinapay na nakalaan dapat para sa iyong anak.
Pero ang sagot nga nung Canaanite woman, sa verse 27, Matthew 15:27, ay, “Yes, Lord, but even the dogs eat the crumbs that fall from the master’s table.” At ito ay ang naging tugon ni Hesus: “O great is your faith,” at pinagkaloob sa kanya yung hinihiling niya na pagpapagaling.
At ito ay nagpapakita ng isang ugali: una, tinanggap niya yung paghahamak sa kanya na isa lamang siyang aso, na hindi siya kasama doon sa original mission, at tinanggap niya na hindi siya kasama doon, ngunit siya ay nakuntento na makakuha man lamang ng crumbs na mahuhulog. At dahil ito ay nagpapakita ng una pagpapakababa pero mayroon din siyang tiwala, na yung munting nakatiting na mahulog mula sa lamesa ng kanyang Panginoon ay sapat na mayaman ng pagpapala para sa kanya.
At yung bayan ng Israel ay hindi, masasabing katulad ng Canaanite woman na ito; sila ay nasa mas mapalad na kalagayan. Sila ay ang bayan na hinirang ng Diyos na nakapaloob doon sa tipan ng Diyos at sa Kanyang pagpapala. Kaya’t sila ay makaaangkin ng paulan ng pagpapala ng Diyos para kay David.
At itong tinuturo sa kanila ngayon ay: kung ang Diyos ay maaawa kay David, sila ay magkaroon din ng tiwala na sila man ay hindi tulad ni David o hindi si David, dahil sa yaman ng pagpapala ng Diyos, sa yaman ng Kanyang awa, ay mabubuhusan man lamang sila ng kaunting awa na umapaw sa pagpapala ng Diyos kay David. Ito’y sapat na para sa kanila. Ito’y magdadala sa kanila to the point of the saints shouting for joy.
So, itong tinuturo sa kanila ay magkaroon ng pananampalataya na ganoon kayaman ang awa at pag-ibig ng Diyos, na kahit ang umapaw lang na pagpapala doon sa Kanyang pinaboran na si David ay magiging sapat na para sa kanila. At itong pagtuturo sa kanila ngayon na manalangin, na alalahanin si David, ay na iyong pagpapala ay aapaw.
Kaya nga, maliban doon sa pagpapala na ang Diyos ay mananahan doon sa templo at may pagpapala ng Kanyang kapangyarihan, ay lahat ng mga pari also will be clothed with righteousness, the Anointed One or the king will be guided by His power, upang sila ay ayuon lahat, yung saints, at hindi lang si David, ay magkakaroon ng pagpapala.
Tayo nga ngayon sa ating panahon ay may mas siguradong makakapitan, at hindi lamang ang pagpapala o pabor ng Diyos kay David. Ito namang mga bayan ng Israel ay sumisilong sa pagpapala ng Diyos kay David, hindi dahil si David ay isang kahanga-hangang tagasunod ng Diyos. Alam nilang lahat, at nakalantad sa kanilang lahat ang salaysay ng buhay ni David. Si David pa mismo ang nag-record ng Awit ng kanyang confession of his sin, at nilagay pa mismo doon sa title na ito ay mula noong nagkasala si David kay Bathsheba.
So ito ay inilantad at alam ng bayan ng Israel kung anong klase ng tao si David: na siya ay makasalanan din, at nakatala din sa Aklat ng mga Hari at dun sa Chronicles kung ano ang kanyang iba pang mga ginawa.
So sa kanilang pagsilong dito sa pag-ibig ng Diyos kay David ay hindi dahil meron silang paghanga kay David sa kanyang kabutihan, kundi nakikita rin natin na ang kanilang kinakapitan ay ang katapatan ng Diyos sa Kanyang tipan, na pinaboran Niya itong si David sa kabila ng kanyang pagiging makasalanan.
Kaya nga, doon sa talatang 11 at sa talatang 13, makikita natin na ang kanilang pundasyon ng pananampalataya sa Diyos ay hindi si David kundi ang Panginoon. Kung paanong ang Panginoon ay sumumpa: “He swore to David a sure oath from which He will not turn back.” Yung pinagmumulan ng kanilang pagkapit sa Diyos na Siya ay magbigay ng pagpapala ay dahil ang Panginoon mismo ang sumumpa kay David.
At dito rin sa talatang 13: “For the Lord has chosen Zion; He has desired it for His dwelling place.” So ang pinagmumulan at pinag-uugatan ng kanilang pananampalataya at pag-asa sa pagpapala ng Diyos ay dahil ang Diyos mismo ang nagpasya na itong Zion ay Kanyang magiging dwelling place. At kung ito ay pinili na ng Diyos sa kabila ng kanilang mga kahinaan at yung pagiging maliit ng bayan ng Israel, kung ang Diyos na ang nagpasya na Siya ay mananahan doon, ay meron silang kinakapitan—yung pagpapasya ng Diyos at hindi dahil sa worthiness ni David o ng Zion.
Kaya nga tayo sa ating panahon ngayon, kung ito ang kinakapitan ng bayan ng Israel, yung lumang Tipan kay David, itong isang shadow of the covenant that is given to us, ngayon tayo ay merong isang mas matibay na makakapitan sa mayamang pagpapala ng Diyos.
Kaya tayo ay mas may kasiguraduhan kaysa sa bayan ng Israel sa pagkapit sa Diyos, na tayo ay pagpapalain, tayo ay Kanyang sasamahan, tayo ay Kanyang iingatan hanggang sa ating katagumpayan na makaabot sa buhay na walang hanggan. Ito ang Kanyang tipan ng pangako sa pamamagitan ni HesuKristo, at dahil ito ay sa pundasyon ng dugo ni Hesukristo at hindi sa makasalanang buhay ni David, meron tayong mas siguradong pundasyon ng ating pag-asa sa Kanyang pagpapala.
Sa Matthew 1 ay kinikilala nga at ini-emphasize ni Matthew na si Hesus ay anak ni David. Ito ay isang pagkilala ng Bagong Tipan kay Hesus na Siya nga yung tinutukoy na ipinangako sa verse 11: “One of the sons of your body I will set on your throne,” na magkakaroon ng anak si David na ilalagay doon sa trono na siyang maghahari sa Kanyang bayan.
Sa Matthew 1, kinilalang si Hesus itong anak na ito. Ito ay ginwari ni Pablo sa Romans 1. At sa Hebrews 1 ay inapply ng manunulat kay Hesus yung sinasabi sa Psalm 2: “Your throne, O God, is forever.”
So itong katuparan ng mga sinasabi dito sa Psalm 132, kung paanong ang Diyos ay may pag-ibig kay David, merong mas mayamang katapatan ang Diyos para sa Kanyang anak na si Hesukristo. At kung tayo ngayon ay dadaing sa Diyos at aasa sa Kanyang awa at pagpapala sa atin, sa ating pag-hiling sa Kanyang may kaliwanagan ng Bagong Tipan, hindi na tayo sumisilong sa pag-ibig ng Diyos doon sa hari na si David, kundi tayo ay sumisilong sa pag-ibig ng Diyos sa Kanyang anak na si Hesukristo.
Ang tinuturo sa atin ay kapag tayo ay dadalangin, ay dadalangin tayo in the name of the Son. Sa paglapit natin sa Diyos, lumalapit tayong sumisilong sa pag-ibig ng Diyos para kay Hesukristo sapagkat si Hesukristo ang tunay na kinulugdan ng Diyos. Ito ang pinaka nagbibigay at nagturo kay Solomon, kaya binabanggit niya ang Kanyang ama, dahil alam niya na ang Kanyang ama ay kinulugdan ng Diyos. Kaya hinihiling niya, “Remember your steadfast love to my father David.” Yun yung kanyang paulit-ulit na dinalangin doon sa 2 Chronicles 6.
At kung tayo ngayon ay lalapit sa Diyos, ang ating apila ay: “Remember your steadfast love to your Son, to the Son of David who You set on his throne.” Ito ang hari na siyang maghahari magpakailanman, ang anak ni David na si Hesukristo, na pinakilala mismo ng Diyos Ama mula sa langit sa Matthew 3:17. Nung Siya ay binautismuhan, pinakilala ng Diyos: “This is My Son, with whom I am well pleased.”
At kung ang bayan ng Israel ay umaasa sa pabor ng Diyos kay David, tulad ng ginawa ni Solomon, tayo ay aasa doon sa pabor ng Diyos kay Hesukristo, na Siya ay sinabi nga, with Him God the Father is well pleased. At kung sila ay kumakapit doon sa pagpapalala sa Diyos ng affliction ni David, at inaasahan nila na alalahanin Mo ang affliction ni David at ipagkaloob Mo sa kanya yung kanyang pinaghirapan na magkaroon ng pagpapalang presensya doon sa bayan ng Zion, eh ang ating Panginoon ay dumaan din sa affliction na sinabi Niya; pinagdaanan Niya ang lahat upang ang sabi Niya sa John 6 ay wala, kahit sino sa ipinagkaloob ng Ama ay mawawala, at ang lahat ay bubuhayin Niya sa huling araw at dadalhin sa kalangitan.
At kung ito ang pinaghirapan ng Diyos—pinaghirapan ni Hesukristo na dalhin sa Ama sa Kanyang buong buhay dito at sa Kanyang kamatayan sa krus—ay sinabing ito ay ginawa Niya para sa Iglesia. Ito ang basihan natin ng pagtawag sa Diyos at pag-asa sa Kanya na tayo ay kaawaan Niya at Kanyang iligtas mula sa ating kasalanan, dahil nga itong si Kristo, ito ang Kanyang pinaghirapan.
Kaya tayo ay lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo, because in His affliction ay meron tayong kasiguraduhan. Ito’y tinitignan ng Diyos at Kanyang kaawaan—itong affliction na pinagdaanan ng Kanyang Most Beloved Son. At lalo na kung ang bayan ng Israel, sa kanilang pagsilong sa ilalim ng pag-ibig ng Diyos kay David, ay umaasa na yung umaapaw na pagpapala kay David ay sapat na para sa kanila, ay mas lalo nang sa atin.
Ang pag-ibig ng Diyos Ama kay Hesukristo, lahat ng pagpapala na ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo ay napapa sa atin kung tayo ay sumampalataya sa Kanya. As sabi sa Ephesians 1, “He blessed us with all the spiritual blessings in Jesus Christ.” Yung pagkakasabi sa I Corinthians 1:29 ay kung paanong si Kristo has become our righteousness, sanctification, and redemption, na sa Kanya ang lahat ng ating pangangailangan. All His benefits become ours when we believe in Him, when we rest in Him alone, by grace alone, through faith alone.
So ito ang yaman nga ng tinuturo sa atin sa pagpapala na kung tayo ay sumilong kay Hesukristo at humingi sa Kanya, umaasa sa awa ng Diyos, sa kaawaan ng ating kalagayan, tayo ay makakatiyak na tayo ay tutugunan ng Diyos at pagpapalain, dahil nga ito ay pinaghirapan ni Hesukristo para sa atin. Tinupad Ni Kristo ang buong batas para sa atin, at ito’y hindi kailanman mangyayari na tatalikuran ng Diyos Ama ang Kanyang Anak. At kung ang Anak mismo ang sinasabing nananalangin para sa atin, ang Anak mismo ang tumatayo para sa atin kapag tayo ay nagkakasala, ay nakakatiyak tayo na ang Diyos Ama ay handang patawarin tayo, buhusan tayo ng pagpapala, dahil ang Anak mismo ang humihingi para sa atin.
Nagtatapos ang awit na ito sa talatang 13 hanggang 18:
For the Lord has chosen Zion; He has desired it for His dwelling place.
This is my resting place forever; here I will dwell, for I have desired it.
I will abundantly bless her provisions; I will satisfy her poor with bread.
Her priests I will clothe with salvation, and her saints will shout for joy.
There I will make a horn to sprout for David; I have prepared a lamp for my anointed.
His enemies I will clothe with shame, but on him his crown will shine.
Mapapansin natin na ilan sa mga katagang ito ay sumasalamin doon sa mga naunang kanyang petisyon sa verses 8 to 10, at ito yung katuparan ng kanyang hinihingi. Kanyang hinihiling na the priests be clothed with righteousness, let the saints shout for joy, at dito sa verses 15 to 16 ay sinasabi ng Diyos na ito nga ay Kanyang gagawin. Ito ay Kanyang ipinangako na gagawin Niya sa pamamagitan ng Anointed One, the horn that will sprout for David, dahil ito ay tumutukoy sa kumpanong sa kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos: Kanyang pangyayarihin na si Hesukristo ay manggagaling sa binhi ni David at siyang magiging maghahari sa lahat ng Kanyang bayan at dito ay ang spiritual na Israel kasama ang lahat ng mga mananampalataya.
At ito na nga ang ating ngayong dalangin na tinuturo sa atin: kung tayo ngayon ay susunod sa hulma ng awit na ito na itinuturo sa atin kung paano tayo aasa sa pagpapala ng Diyos, asahan natin ang pagpapala ng Diyos na ibubuhos kay Hesukristo; ang lahat ng pagpapala ay ipinagkaloob kay Hesukristo at tayo ngayon ay kukunin lang ito mula sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. At tayo nawa ay magkaroon ng ganitong kaligayahan na sa pamamagitan ni Hesukristo, tayong mga makasalanan ay mapagkakalooban ng awa at pagpapala ng Diyos sa pananampalataya lamang.
[Closing Prayer]
This transcript was created using AI tools. Please report issues or corrections to webadmin@rgbc1689.org.