Para po sa ating mensahe, buksan niyo po ang inyong mga Biblia sa aklat ng Mga Awit. Patuloy tayo sa ating pag-aaral ng aklat na ito. At sa umagang ito, tayo ngayon ay nasa Kabanatang 131, Psalm 131.
Ang Mga Awit ay isang malaking tulong para sa atin na maturuan ang ating mga puso na magkaroon ng iba't ibang mukha ang ating pag-ibig para sa Kanya.
Kung tayo ay umiibig sa Diyos, nais natin na maipahayag sa Kanya ang iba't ibang mga damdamin saloobin na lahat ay nakaluluwalhati sa Kanya.
At ang awit ang nagtuturo sa atin ng iba't ibang mga damdamin, maging sa kababaan o sa pagkamangha sa Kanyang kadakilaan, ito ay tumutulong sa atin na bigyan tayo ng salita na maihatid sa ating Diyos, maihandog sa Kanya ang ating pagpupuri.
At kaya, pagdating natin ngayon sa Psalm 131 sa ating pag-aaral, nawa nga ito ang ating kasabikan na tayo ay maturuan muli ng isang panibagong mukha ng pag-ibig na ating maihahandog sa ating Panginoon.
[Scripture Reading & Opening Prayer]
Ang awit na ito ay maikli lamang.
At ito nga ay isang awit ng pag-akyat o Song of Ascents, na mga awit na naghahanda sa bayan ng Israel para sila ay sumamba sa Diyos.
At ang awit na ito ay nagbibigay ng isa pang variation ng pagpupuri sa Diyos sa mga naunang awit na nakita natin, na tinutuon ng mga manunulat ang bayan ng Israel na alalahanin ang iba't ibang mga pagpapala ng Diyos.
Inaalala nila ang kapangyarihan ng Diyos. Inaalala nila ang pag-iingat ng Diyos sa kanilang bayan. Kung paanong ang kapangyarihan ng Diyos ay nagdulot sa kanila na maging isang mayamang bansa. At hindi mayaman necessarily in terms of material wealth kundi mayaman sa espiritual na pagpapala. At kaya ito ang mga tinuturo sa mga naunang awit na kanilang alalahanin at ipagdiwa.
Nakita natin sa Psalm 130, ito ay nakatuon particular sa kanilang pag-alala na sila ay iniligtas mula sa kanilang mga kasalanan. At ito namang Psalm 131 ay nagtuturo sa kanila ng pagkakaroon ng pananampalataya na ang kanyang pagkakadescribe ay "to have calmed and quieted his soul." Ito ay pinatahimik niya ang kanyang kaluluwa.
Nagsisimula ito sa unang talata na pinapaliwanag kung paanong meron siyang mga hindi ginagawa. Sabi niya, "O Lord, my heart is not lifted up; my eyes are not raised too high; I do not occupy myself with things too great and too marvelous for me."
Itong tatlong kanyang mga itinatanggi ay iba't ibang expressions na parang sinasabi lang ay hindi siya nagmamataas. Yun ang pinaka ibig sabihin ng tatlong expression na ito: hindi siya mayabang. Sa mga Tagalog na translation, ginamit mismo ang salitang iyon na siya ay hindi nagpapakahambog, hindi mayabang, hindi nagmamataas. Iba-iba ang kanyang ginamit na hindi daw tumitingala.
Sabi niya, ang kanyang puso ay hindi nagmamataas, ang kanyang mata ay hindi masyadong mataas ang tingin. Parang kanyang iniisa-isa talaga na ang kanyang puso, ang kanyang mata, at sa kanyang mga gawa ay hindi siya nagmamayabang.
So ang pinaka gusto niyang ilarawan dito ay kung hindi siya nagmamayabang, hindi siya nagmamataas; siya ay nagpapakababa sa harap ng Diyos. At sa kanyang pagpapakababa ay inaamin niya ang kanyang mga kahinaan.
Sabi niya, "I do not occupy myself with things too great and too marvelous for me."
So kung merong mga bagay na beyond his capacity, beyond his station in life, ay hindi niya na yun papasanin pa sa kanyang sarili dahil ito nga ay higit sa kanya.
At sinabi niya sa talatang dalawa kung ano ang ginagawa niya. Kung sa verse 1, sinabi niya kung ano ang hindi niya ginagawa, sa verse 2, sinasabi naman niya kung ano ang ginagawa niya. "I have calmed and quieted my soul."
Ito ay sa halip na siya ay maging abala doon sa mga bagay na hindi naman niya kayang pasanin, na masyadong malaki para sa kanya, ay nagiging tahimik na lamang siya. Siya ay nagiging kontento, yun ang gustong sabihin. At ito ay kanyang nilarawan sa pagiging parang isang bata, like a weaned child. Ibig sabihin ay natapos na siyang dumede. At yung weaned child ay kaya ng humiwalay sa kanyang ina nang hindi na umiiyak. So yun yung ibig sabihin ng kanyang inihalintulad na ito: siya ay isang tahimik. Siya ay kaya ng maging contento kahit na meron siyang hindi na iniisip na gusto niya.
So yung mga bata na hindi pa weaned, hindi pa natuturuan, hindi pa nagma-mature enough to be separated from its mother, ay mag-iiyak, magpupumiglas, aangal kapag siya ay inihiwalay sa kanyang ina.
Pero itong weaned child ay kaya nang maging contento at meron siyang kumpiyansa na hindi porket siya iniwalay sa kanyang ina ay hindi siya mahal ng kanyang ina. Marahil iyon ang iniiyak ng bata: bakit ako pinapabayaan, bakit ako iniiwan? Pero yung weaned child ay natutunan na hindi dahil siya ay iniwalay, siya ay hindi iniibig; siya ay kaya nang maging contento, maging quiet in his soul kahit siya ay iniwalay sa kanyang ina. Ito ay nagpapakita ng pagkakontento sa kasapatan na alam niya na ang kanyang ina ay nag-aaruga pa rin sa kanya.
Kaya ang summary nito ay nasa verse 3: "O Israel, hope in the Lord", na umasa sa Panginoon.
So maaari nating makita na itong kanyang nilarawan ay isang pagtuturo kung ano ang itsura ng pag-asa, pagkapit sa Diyos na nakaluluwalhati sa Kanya.
Kung tayo ay kakapit sa Diyos, tayo ay sasampalataya sa Kanya, magtitiwala sa Kanyang kasapatan, merong itinuro sa atin na magandang maging saloobin natin.
Sinabi sa iyo (yung) dalawa na nakita natin ay na magkaroon ng pagpapakumbaba, ng mababang pag-amin na tayo ay mahihina at may kakulangan.
So kung ating kilalanin ang ating kahinaan, ito ay nakakalugod sa Diyos.
At siyempre, dapat hindi lamang tingnan lang natin yung ating kahinaan. Kung ikabit natin yung ating pagpapakumbaba sa harap ng Diyos at ito ay samahan ng pagkakontento at pagkapit sa kasapatan na meron tayo sa Diyos, ito ang nakaluluwalhati sa Kanya.
Ito ang pag-asa na tinuturo sa atin ng awit na ito na makakapagbigay ng papuri at luwalhati sa Diyos.
At kung ganito ang ating mga saloobin, nakikita natin sa harap ng Diyos na tayo ay mahina at maraming ibang bagay na pinapaubaya lang natin sa Diyos. At sa ating pagpapaubaya ng mga pasanin natin sa Diyos at pagtitiwala na Siya ang mag-aalaga sa atin, ito ang nagbibigay sa atin ng karagdagang pang-init ng ating pag-ibig at pasasalamat na nakikita natin na yung mga hindi natin kayang gawin sa ating sarili ay inaako ng Diyos para sa atin.
Itong tinuturo sa atin sa Psalm 131 ay itong ganitong mukha ng pagbibigay luwalhati sa Diyos: ang pananampalataya na nagpapakababa, kinikilala ang ating kahinaan at kakulangan, at umaasa lamang sa kasapatan na meron tayo sa ating Panginoon.
Ang ganitong klaseng pananampalataya, ang ganitong klaseng pagkapit sa Diyos, ay may malawak na aplikasyon sa ating buhay at makakakita tayo actually sa Biblia ng maraming ibang mukha ng ganitong klaseng pagkapit sa Diyos.
Nais ko sa umagang ito na magbigay ng tatlong paraan na ginagawa natin ito sa iba’t ibang larangan, iba’t ibang sphere of life.
Una, meron tayong ganitong pagkapit sa Diyos sa ating earthly vocation. Sa ating earthly vocation, sa ating pamumuhay dito sa lupa, ay maaaring mapakita natin yung ganitong pagkapit sa Diyos na kilalanin natin na maraming mga bagay sa ating pamumuhay dito, maging sa ating hanapbuhay, sa ating station sa buhay na iba’t ibang vocation, tulad ng pagiging anak, pagiging magulang—marami sa iniatas sa atin ng Diyos sa ating buhay dito sa lupa ay hindi natin kaya sa ating sarili.
At sa ganito ay ating ipagpapaubaya ito sa Diyos at tayo ay aasa na lamang sa Kanya.
Ito ay makikita natin sa 1 Thessalonians 4. Sinasabi ni Pablo sa verse 11: “…aspire to live quietly, and to mind your own affairs, and to work with your hands, as we instructed you.”
Makita natin na itong pagtuturo na ito ay tinuturo niya mismo doon sa iglesia sa Thessalonica, na sila daw ay hangarin na mamuhay ng tahimik. Sila ay to aspire to live quietly, to mind your own affairs.
Puwede nating isipin na yung sinasabi sa kanila na mind your own affairs, to put it negatively, ay huwag n’yong alalahanin pa yung hindi n’yo naman tungkulin, yung hindi para sa inyo.
So kung i-phrase natin ito negatively, kamukha nung sinasabi sa Psalm 131: you should not occupy yourself doon sa mga bagay na nakahihigit para sa iyo, na hindi naman para sa iyong sariling responsibilidad. Mind your own affairs, not the affairs of other people.
Maaari natin itong ikabit sa salita ni Kristo sa Matthew 6. Yung sinasabi Niya na dapat ang mga mana ng palataya ay hindi magkaroon ng pag-aalala.
Matthew 6. Sinasabi sa verse 34: “Do not be anxious about tomorrow, for tomorrow will be anxious for itself. Sufficient for the day is its own trouble.”
So dito, sinabi ni Kristo na sa ating pag-aalala, huwag na natin dagdagan pa at alalahanin pati yung mga susunod na araw. Kung tayo ay mayroong sa atin ay isipin ang araw na ito na pinagkaloob sa atin, hindi naman natin alam kung anong mangyayari bukas, hindi natin tiyak kung ano ang ating hinaharap, at meron tayong mga ibinigay na sa atin sa araw na ito at maaaring ituon na lang natin doon ang ating pansin. Yung sa araw na ito ang ating pasanin, at ito ay sufficient na. Huwag mo nang dagdagan pa.
Kung tayo ay pumapasan pa ng higit doon, ay lumalampas tayo sa ating sariling kakayanan. At tulad ng sinasabi sa Psalm 131, para tayong nagmamalaki ng higit sa kakayanan natin: our heart is lifted up, our eyes are raised too high, and we occupy ourselves with things too great and too marvelous for us. Masyadong malaki ito para sa atin. Kaya’t hindi na natin dadagdagan pa. Our own affairs and the troubles of the day ay maaaring sapat na para sa atin.
At sinasabi sa 1 Thessalonians 4 na mamuhay na lang tayo ng tahimik, mind your own affairs, at ang konteksto nito is that this is the life that pleases God. Kung tayo ay nagnanais na mamuhay na makapagbigay-kaluguran sa Diyos, ay ganitong simpleng pamumuhay—na gawin natin yung iniatas sa atin sa ating sariling station at huwag na tayong mag-alala pa tungkol sa ibang bagay na hindi naman natin pasanin.
Ito’y makapagbibigay ng kaluguran sa Diyos at dapat hindi tayo magkaroon ng matinding pangamba.
So dito nakikita natin na in our earthly lives, sa ating pamumuhay dito sa mundo, sa konteksto ng ating mga vocation, mga tungkulin, ang ganitong klaseng pagpapaubaya sa Diyos ng mga hindi natin pasanin, ng mga higit sa ating kakayanan, ay makapagbibigay luwalhati sa Kanya at nakatutulong rin sa atin na hindi tayo masyadong mabigatan at tayo ay mamuhay ng nakalulugod sa Kanya.
Hindi ko alam kung ganito pa rin ang marami sa mga estudyante ngayon. Noong panahon ko, at maging ako nung kami ay nasa kolehiyo, marami sa amin ay dumadaan sa isang maagang midlife Krisis. Sa gitna ng kolehiyo, mapapaisip sila: Ano nga ba talaga ang direksyon ng aking buhay? Saan kami pupunta?
At iniisip nila yung lahat ng kanilang gagawin pa sa hinaharap. Kung totoo ba na itong course nila ay para sa kanila. At ako nga ay talagang nabigatan dito sa tanong na ito at ako ay nag-shift mula sa aking unang course.
So, marami kami na ganito.
At ang nangyayari dito, ang mga bata—tulad ko noong panahon na iyon—ay pinapasan ang masyadong maraming mga alalahanin, maraming ibang bagay. At ang nangyayari ay hindi na nga nila nabibigyang pansin yung kanilang mga kailangang gawin.
Nang ako ay dumaan sa ganitong phase of my life, ay napabayaan ko nga yung mga tungkulin ko, yung aking pag-aaral, yung iba kong mga subjects at that time. Ito ay hindi ko napagbutihan.
So ang nangyayari noon, merong naka-atas sa akin pero iyon ay pinabayaan ko, and I occupied myself with things too great for myself. Masyado silang malaki para sa akin. At ito actually ay pinagmumulan ng kabigatan sa pamumuhay natin dito sa mundo. Ito ay isang napaka-praktikal na itinuturo sa atin na iasa na lang natin sa Diyos.
At maaari nating makita na ang ganitong klaseng pagpapaubaya sa Diyos at ang paghayag na yung mga bagay na hindi naman iniatas sa atin ay dapat nating ipaubaya, ay magbibigay ng kaayusan at napapanatili ang kaayusan sa maraming ibang bagay.
Halimbawa, marami ngayon ang naghahangad na ang mga babae ay maging pastor. Ito ay isang mainit na debate at nais nilang ipag-isipan ito at binabaluktot nila kung ano-anong sinasabi sa Biblia para lang maipilit na ang mga babae ay maaaring maging pastor sa iglesia.
Pero ito ay isang paghahangad beyond what is their station in life. Ito ay hindi ibinibigay sa mga babae. Mayroong maraming ibang tungkulin na magagampanan ang babae sa lipunan, sa iglesia, sa tahanan, at ito ay makapagbibigay sa kanila ng kaluguran sa Diyos. Ngunit ang nangyayari, dahil sila ay naghahangad nitong isang partikular na istasyon na pagiging pastor, ay napapabayaan ang kanilang mga sariling tungkulin na ibinigay sa kanila at nadadala ang kaguluhan sa iglesia. May tinuro ang Diyos na dapat kasama sa kaayusan na panatilihin sa iglesia.
Ito ay pagsalungat sa pagtitiwala na ang Diyos ang nagsasaayos ng lahat ng bagay. Hindi nila kinakapitan ang paglagay sa kanila ng Diyos sa kanilang istasyon. Kung sila ay babae, tinatawag sila na maging babae at gampanan ang tungkulin ng mga babae.
At ganoon din naman, hindi lang ito tungkol sa mga babae. May mga lalaki na hindi qualified magturo, hindi qualified maging pastor, ay kanilang tinatanggap at inaako para sa kanilang sarili ang pagiging pastor o pagiging mangangaral. At ito ay hinangad nila ang isang bagay: their eyes were lifted up and they occupied themselves with things too great and too marvelous for them. At ang nangyari, sila ay nagdala ng kaguluhan sa iglesia at nagdulot ng kapahamakan sa kanilang mga pinastor at pinangaralan.
Makikita natin na maraming aplikasyon ito sa ating buhay: dapat tayong magpaubaya, ipaubaya sa Diyos ang mga bagay na higit sa atin, higit sa ating kakayanan. Kung ito ay hindi bahagi ng tungkulin na iniatas sa atin, huwag nating itaas pa ang ating pagtingin, ang ating puso, at isipin na kaya nating pasanin ang isang bagay na hindi naman iniatas sa atin.
Isang nakakatulong sa mga mangangaral para makatulog ay ang kanilang pagtanggap na ang kanilang bahagi sa pangangaral ay ang paghahasik ng katotohanan; na sila ay maglalabas at magpapaliwanag ng katotohanan at hindi nila tungkulin na baguhin ang puso ng mga tao. Kung itataas nila ang kanilang puso at isipin na sa pagmamayabang ito ay bahagi ng kanilang tungkulin at they occupy themselves with this great and marvelous thing na baguhin ang puso ng mga tao, ay gumagawa sila ng paraan upang i-manipulate emotionally ang kanilang paraan ng pagsasalita, o minsan babaluktutin ang katotohanan para mas makiliti ang damdamin ng mga tao.
O kaya naman, kung hindi nila gawin iyon, ang mangyayari ay nangangamba sila palagi kung walang tumutugon sa kanilang pangangaral. Pero ang kanilang tungkulin na dapat nilang tanggapin ay ito lamang: ihasik ang binhi ng katotohanan mula sa salita ng Diyos, at ang pagpapatubo at pagpapalago nito ay ipapaubaya nila sa Panginoon.
Kaya nga, iyon ang tinuturo ni Hesus na ginagawa ng maghahasik. Siya’y lalabas, maghahasik, at siya’y matutulog. At habang siya’y natutulog, iyon ay palalaguin ng Diyos dahil iyon ay ang pagkilos ng Diyos na gumagawa ng mga bagay na higit sa kanyang kakayanan.
Kung tayo ay may ganitong pananampalataya na tinuturo ng Psalm 131—itong pagtatahimik ng ating puso na ipaubaya sa Diyos ang higit sa ating kakayanan—ito ay nakaluluwalhati sa Kanya at nakapagbibigay kaluguran sa Kanya. Napapagaan ang ating pamumuhay at tayo ay nakakapanatili sa ating mga tungkulin. Doon sa paggampan ng mga ibinigay na tungkulin, doon tayo mas nakapamuhay ng nakalulugod sa Kanya.
Ito ang unang paraan kung paanong ang ganitong klaseng pananampalataya sa Psalm 131, na pinapatahimik ang ating puso, ay maaari nating magawa sa ating earthly vocation.
Ang pangalawang paraan kung paanong meron tayong ganitong saloobin, at ito ang madalas naiisip kapag naririnig ang salitang too great and too marvelous for me, ay tungkol sa divine revelation.
Sa ating pagninilay tungkol sa pahayag ng Diyos, tungkol sa kung sino Siya, ay may mga bagay na hindi abot ng ating karunungan, hindi abot ng kaalaman ng tao, at dapat nating iwan ito sa Kanya. Tulad ng nangyari kay Job sa Job 42, sinabi niya na siya ay mananahimik na lamang. Dapat niyang kilalanin na mas mataas ang Diyos sa kanya, mas makapangyarihan ang Diyos sa kanya, at hindi sa kanya ang pamamalakad ng mundo; kaya siya ay nanahimik na lamang.
Ang tamang pag-unawa sa ganitong application ay tinuturo sa atin sa Deuteronomy 29:29. Sinasabi doon: "The secret things belong to the Lord our God, but the things that are revealed belong to us and to our children forever, that we may do all the words of this law".
Dito may dalawang kategorya: secret at revealed. Yung secret things ay sa Panginoon. Ang mga inihayag sa atin, they were revealed to us, ibinunyag sa atin, at iyon ang para sa atin. The things that are revealed belong to us.
Kapag tayo ay nagmamataas—when we occupy ourselves with things too great and too marvelous for us—tayo ay nagpapakaabala sa pag-iisip tungkol sa mga secret things, mga bagay na hindi inihayag sa atin ng Diyos.
Isang halimbawa ay makikita sa Luke 13. May mga nagbulungan sa tabi ni Hesus at pinagbulungan nila ang isang trahedya na nangyari. Sabi sa Luke 13: "There were some present at that very time who told Him about the Galileans whose blood Pilate had mingled with their sacrifices".
May nangyaring malagim na kamatayan ng maraming tao. May mga Galileans na isinama ang dugo nila sa sacrifices na ginawa ni Pilate, probably in some cultic ritual. Binanggit din ni Kristo ang eighteen on whom the tower in Siloam fell. May tower na gumuho at may nadaganan na labing-walo.
Ito minsan ay nangyayari sa atin. Kapag nagkakaroon ng mga trahedya sa mundo, ang ginagawa ng mga tao ay itanong: Ano ang kalooban ng Diyos diyan? Babasahin nila ito at pag-iisipan kung ano ang sinasabi nito tungkol sa Diyos.
Pero ito ay mga bagay na hindi tinuro sa atin, hindi inihayag sa atin kung ano ang dahilan ng Diyos. Ito ay kabilang sa secret things.
At sinabi ni Kristo kung ano ang dapat para sa atin. Hindi Niya ipinaliwanag kung bakit hinayaan ng Diyos na si Pilate ay magsacrifice ng mga Galileans, o bakit hinayaan ng Diyos na may madaganan ng tower. Ang sinabi Niya ay: "Unless you repent, you will all likewise perish".
Ito ang para sa inyo. Ang para sa inyo ay ang inyong sariling pagsisisi at sumampalataya sa Panginoon para sa kaligtasan. Hindi Niya binigyan ng paliwanag ang secret things, kasi "the secret things belong to the Lord". Ang mga inihayag sa atin—kung ano ang sinabi na ating tungkulin—doon dapat tayong maabala.
Ang madalas na katanungan ng halos lahat ng mananampalataya ay: What is the will of God? Ano ang kalooban ng Diyos?
Ayon sa Deuteronomy 29:29, may tinatawag na secret will at revealed will. Ang secret will ay yung purposes of God na Kanyang pinangyayari na hindi natin nauunawaan. Sa God's sovereignty, lahat ng bagay ay nasa Kanyang control.
Kahit ang kamatayan ni Kristo, ayon sa Acts, happened by the hand and plan of God. Ang mga malagim na krimen at kasamaan ng mga tao na naghatid sa Kanya sa krus ay naisagawa by the hand and plan of God. At lahat ng nangyayari sa mundo ay masasabi ring brought about by the hand and plan of God. Pero ang mga ito ay kabilang sa secret will of God—hindi ipinagkaloob sa atin.
Ang revealed will ay yung mga iniutos sa atin. Merong verse na nagsasabi directly what is the will of God: 1 Thessalonians 4:3. Sinasabi: This is the will of God, your sanctification.
Ito ang kalooban ng Diyos: tayo ay lumago sa kabanalan.
Sa Westminster Shorter Catechism, Question 39, ginamit ang language of the revealed: What has God revealed to be the sum of our duty? Ang sagot: the moral law. Ang tanong: What is the moral law? Where is the moral law summarily comprehended?The moral law is summarily comprehended in the Ten Commandments.
So itong revealed will ay tumutukoy sa mga kautosan ng Diyos. At tulad nga na sinasabi sa Deuteronomio 29:29, ay the things which are revealed, His commands, kung ano ang mga dapat nating gawin, ano ang ating mga tungkulin, yun ang dapat nating pinagkakaabalahan, at hindi yung secret will of God.
Isang minsang pinupuntahan ng ganitong klaseng pag-iisip o kalituhan between the secret will and the revealed will of God ay kapag natututunan ng isang Calvinist ang katuruan ng predestination.
Pag siya ay naturuan ng predestination at siya ay nagkakaroon ng kalituhan, bakit pa kong mga ngaral? Hindi ba kung ang kaligtasan pala ay by the efficacious working of God, irresistible grace, siya ay kikilos kahit wala ako.
At in God's sovereignty, from before the foundations of the world, ay pinili na niya nang hindi ko alam kung sino ang kanyang mga elect.
E paano yan? Paano ko malalaman ngayon kung sino ang mga elect para sila ay pangaralan ko at sila ay maligtas?
Ito nga ay naunawaan ng mga Reformed. It is in the 39 Articles of the Church of England na ginamit nila yung language, again, na yung hindi natin dapat pagkaabalahan ay ipag-isipan sino ang predestined unto eternal life.
Ang tungkulin na ibinigay sa atin ay mga ngaral. So dahil sinabi sa atin tayo, mga ngaral, ito ang kasangkapan ng Diyos para magligtas ng mga elect. Gagawin lang natin kung ano yung ibinigay sa atin.
Hindi natin kailangang magpakaabala na pag-isipan yung secret will of God. At tayo ay mamumuhay lang doon sa revealed will of God.
At kung sinabi sa atin na tayo ay mga ngaral, mga ngaral tayo. At kikilos ang Diyos secretly behind yung ating actions at pagsunod sa kanyang revealed will.
So ganito nga sa ating pamumuhay. Minsan ay ganito tayo mag-isip tungkol sa will of God. Tinitingnan natin ang ating sirkumstansya. Anong mga nangyayari sa ating buhay. Tinry natin na kilatisin ang probidensya ng Diyos.
Kung saan niya tayo dinila, anong binigay niya sa ating kakayanan. Mag-reflect tayo sa ating buhay at yung mga taong dinala niya sa atin.
Ang ginagawa natin sa ganito ay iniisip natin ano kaya ang kalooban ng Diyos base dito sa mga pinangyayari niya sa aking paligid. Pero ito nga ay isang hindi magandang paraan para maunawaan ang kalooban ng Diyos.
Ang isang tinuro sa atin ay mag-focus na lang tayo doon sa kanyang ihinayag sa atin, the revealed will.
At kung sinabi sa atin na the will of God is our sanctification, malinaw na kung sa choices mo ng trabaho halimbawa, yung isa ay hindi makakatulong sa iyong sanctification, mawawalan ka ng pagkakataon na sumamba, malalayo ka sa iglesia.
O yung madaming, yung mismong hanapbuhay na ino-offer sa iyo ay hindi maihiwalay sa kasalanan. Halimbawa, ikaw ay maging isang bartender sa isang club. Hindi naman masama maging bartender sa isang not necessarily worldly establishment. Pero kung yun lang ang nakikita mong trabaho, tapos mapapaligiran ka ng gumagawa ng kasamaan, hindi ito maganda for your sanctification.
Malinaw na dapat hindi mo ganitong alisin sa iyong isipan. Isang simpleng pamamaraan at nakakatulong sa atin ay manatili tayo to quiet our soul at kumapit lamang tayo na makontento tayo sa kung ano ang ibinunyag sa atin, yun ay the revealed will ng Diyos.
At sa ganitong paraan ay maifocus natin ang ating energies na gampanan, itong mga tinuro sa atin at diretsong sinabi sa atin na ating mga tungkulin. At hindi tayo mabigatan na pasanin pa yung mga things too great and too marvelous for us, itong mga secret things.
So yun yung pangalawa na application nito tungkol sa divine revelation. Yung una ay sa earthly vocation.
At itong pangatlo, syempre ang tingin kong pinakamahalaga na application natin ito, patungkol sa ating kaligtasan.
Sa ating kaligtasan, itong ganitong klaseng pala ng pananampalataya ang tanging makapagliligtas kapag tayo ay may pagkilala na sa ating sarili hindi natin kaya. Tingnan natin kung tayo ay titingin na tayo ay hahatulan ng Diyos sa katuwiran, na tayo ay kikilatisin niya sa ating mga kasalanan, that should be things na ma-recognize natin are things too great and too marvelous for us.
Masyadong malaki ito, masyadong mataas ang hinihingi ng batas para itong matupad sa ating sarili kaya tayo nga ay magpapaubaya na we calm and quieted our soul na tayo kakapit lamang kay Hesukristo na siyang tanging magagampan ng hinihiling ng batas at tayo ay magtitiwala lamang sa kanyang kaligtasan, tatanggapin lamang ang kanyang katwiran at hindi na idadagdag pa natin ang ating sariling kabutihan.
Kapag nga meron tayong pag-iisip, nahahaluan natin sa ating puso ng pag-iisip na kaya natin sa ating sarili na mailigtas tayo mula sa kapahamakan o sa puot ng Diyos, ito ay nag-aalis sa atin sa biyaya, naglalayo sa atin kay Hesukristo.
Kaya nga ito ay sa verse 3, sinasabi na, Hope in the Lord, ito ang ginamit mismong salita doon sa Psalm 130:7, O Israel, hope in the Lord.
At ito ay patungkol sa kung paano nagsimula sa Psalm 130:3, "If the Lord should mark iniquities, who could stand? But with you there is forgiveness, that you may be feared".
Ito ang tanging paraan para sila ay makatayo sa harapan ng Diyos kung sila'y umasa sa Panginoon lamang. Kaya't ito nga ang panawagan sa lahat ng hindi pa sumasampalataya kay Hesukristo para sa kaligtasan.
Kung ikaw ay tatayo sa iyong sarili at ikaw ay magmamayabang sa iyong puso na kaya mong iligtas ang iyong sarili, that is something too great and too marvelous for you. Dapat mong kilalanin na hindi mo yan kaya at mabuting to calm and quiet your soul at kumapit lamang sa katwiran ni Hesukristo.
Ito ay isang mahalaga rin na paalala sa atin ng mga mananampalataya na nakatanggap ng kaligtasan. May malaki pa rin tukso sa ating puso na lumayo sa pananampalatayang ito na ating kinapitan.
Dahil tayo ay likas na mayayabang sa ating pagkapit kay Hesukristo para sa kaligtasan, ay meron tayong pagkiling na ating muling kapitan o bumalik tayo sa ating sariling kakayanan para ating tapusin ang ating kaligtasan.
Pinag-aralan natin dati ang sulat ni Pablo sa mga taga-Galatia. Sabi niya sa mga taga-Galatia sa Galatia 1:6, "I am astonished that you are so quickly deserting him who called you in the grace of Christ and are turning to a different gospel".
Itong sinabi, naging problema ni Pablo sa mga taga-Galatia. Ito daw mga taga-Galatia ay natawag na ng Panginoon to the grace of Christ at sila ay niyakap ang ebanghelyo na ito. Pero ang nangyari ay they are deserting him. Sila ay tumatalikod sa Panginoon.
At kung sa atin minsan kapag pinag-uusapan na merong tumalikod sa kanyang pananampalataya, ang sigurong naiisip natin kung bakit siya tumalikod sa pananampalataya ay ayaw na niya sa mga batas. At ang nangyari ay ayaw na niya sa mga kautusan.
Gusto ko na lang na magkasala. Gusto ko na mamuhay sa tingin kong kamunduhan na mas nakakapagbigay ng kaligayahan sa akin. Iyon ang ini-expect natin na itsura ng pagtalikod sa ebanghelyo at sa Diyos ng biyaya.
Pero itong sulat sa mga taga-Galatia, ang pagtalikod na nangyari sa kanila ay gusto nilang gumawa. Gusto nilang gumawa ng maraming kabutihan. Hindi sila na gusto ko na lang tumalikod sa iglesia at di na lang ako a-attend kasi nakakapagod yung mga Sunday. Tapos buong araw kami nandun nakaupo lang at nakikinig.
Hindi ganoon ang nangyari sa mga taga-Galatia. Ang nangyari sa kanila, gusto ko pang dagdagan. Gusto ko pang mag-stay buong araw. Dagdagan natin ng mga panalangin. Gusto ko magkaroon ng gampanan lahat ng iniutos sa Lumang Tipan at talagang maging very exemplary ayon sa batas ng Diyos.
So ang gusto nila actually ay dagdagan. Pero ito ay nakita ni Pablo na pagtalikod. Isang pagtalikod sa biyaya ng Diyos na sila ay tinawag sa biyaya ng Diyos pero sila ngayon ay deserting Him.
Ang paliwanag ni Pablo dito o kanyang description sa kanilang ginagawa, sabi niya sa Galatia 3:3, Are you so foolish, having begun by the Spirit, are you now being perfected by the flesh?
Ito ang nakita ni Pablo na kahungkagan nitong kanilang ginagawa, kahangalan na sila ay nagsimula sa Espiritu at tinanggap nila sa pananampalataya ang katwiran, ang perfectong katwiran ni Hesukristo para sa kanilang kaligtasan. Pero ngayon iniisip nila, kailangan kong dagdagan ng sarili kong gawa. Kailangan kong i-perfect ito. At ito ay kinagalit ni Pablo at siya sabi niya ito ay pagtalikod doon sa biyaya.
Isa pang salitang ginamit Niya ay sa chapter 2, verse 21. They nullify the grace of God sa kanilang ginagawa. Para bang pinabaliwala nila ang biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa kanila, ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesukristo, pero sinasabi nila ngayon na kulang pa iyon. Kulang pa ang kaligtasang tinanggap namin. Kailangan ko itong dagdagan ng aking sariling gawa.
So ito ay para bang mga mananampalataya na supposedly natutunan na nila na the law is too great and too marvelous for them at dapat nila itong ipaubaya sa Panginoon. Pero ang nangyari, sila ay nawalan muli ng calm and quiet soul at nag-alala na naman na kulang pa ang kanilang kaligtasan. Tinatangka nilang lutasin ito sa kanilang sarili. Nawala sila sa kanilang pagkapit sa Panginoon. Tinalikuran nila ang kasapatan ng katwiran ng Panginoon at gusto nila itong dagdagan ng sarili nilang kabutihan.
Ito nga ang itinuturo sa atin sa Belgic Confession Article 23 tungkol sa justification. Ito ang pahayag ng Reformed Churches. Sinasabi, therefore we cling to this foundation. Hindi kami aalis sa pundasyon. Itong kaligtasan na sa pananampalataya lamang, we cling to this foundation. Hindi namin ito iiwan, which is firm forever, giving all glory to God, humbling ourselves and recognizing ourselves as we are, not claiming a thing for ourselves or our merits, and leaning and resting only on the obedience of Christ crucified, which is ours when we believe in Him.
So tayo ngang mga mananampalataya ay sinasabi at pinapaalalahanan ng awit na ito na ilagak ang ating pag-asa at pananampalataya sa Panginoon lamang at huwag tayong bumalik sa pagtitiwala sa ating sariling kabutihan. Hope in the Lord from this time forth and forevermore. Sa ating buong buhay, we cling only to Christ crucified para tumayo sa harap ng Diyos.
At ito ang tamang paraan para ang ating buhay ay magbunga sa mabuting gawa. Kung ang mangyayari ay sasampalataya tayo muna pero iiwan natin iyon, tatalikuran natin, tapos gagawa tayo ng mabuting gawa, ang mga gawa na iyon ay hindi mula sa pag-ibig at hindi mula sa pasasalamat para sa Kanyang biyaya. Ito ay pagsisikap na tapalan ang katwiran ni Hesukristo at hindi ito kailanman magiging kalugud-lugod sa Kanya.
Kaya nga ang lengguwahe sa Jude, sa ating paglagô sa pananampalataya, we build ourselves up on the faith. Hindi tayo aalis sa pundasyon ng pananampalataya. Doon tayo lalagô. At lahat ng ating idadagdag na mabuting gawa at lahat ng ating pagkilos ay dapat magmula sa ugat ng pananampalataya, hindi mula sa takot na hindi tayo ligtas.
Ito ang mas nakalulugod sa Panginoon, dahil maging sa ating paglago sa kabanalan ay nakikita natin na ang lahat ng ito ay hindi dumadagdag sa ating kaligtasan. Habang tayo ay lumalagô sa kabanalan, lalo nating nakikita na the law, the demands of the law, and the holiness of God are too great and too marvelous for me. Hindi ito maaabot ng aking kakayahan, kaya sa aking buong buhay ay I hope only in the Lord from this time forth and forevermore.
Ang lengguwahe sa Belgic Confession ay "leaning and resting only in the obedience of Christ". So ito ang kamukha ng itinuturo na sa pagpapaubaya natin sa Diyos na pasanin ang hindi natin kaya, at sa usapin ng kaligtasan ang hindi natin kayang iligtas ang ating sarili o gampanan ang batas, we have a calm and quiet soul, leaning and resting only in Christ.
Sa ganitong paraan tayo makapagbibigay ng luwalhati sa Diyos sa ating buong buhay. Kaya ang panawagan sa atin sa iba’t ibang larangan ng ating buhay—sa ating earthly vocation, sa ating pagninilay ng divine revelation, at lalo na sa ating kaligtasan—ay hope in the Lord from this time forth and forevermore.
[Closing Prayer]
This transcript was created using AI tools. Please report issues or corrections to webadmin@rgbc1689.org.