Para po sa ating mensahe sa umagang ito, buksan niyo po ang inyong mga Biblia sa Aklat ng mga Awit. Itong mga awit na ito ay naging bahagi ng isang importanteng gawain, tradisyon sa mga Hudyo na sa kanilang pagbalik sa Jerusalem para sa kanilang pagsamba na gawin ang mga pista na itinakda ng Diyos para sa kanila ay ito ang mga awit na kanilang binabalikan.
Kaya ang mga awit na ito ay naglalaman ng mga pagtuturo tungkol sa mga pagpapala ng Diyos at sa Kanyang mga katangian na tumutulong sa mga Hudyo upang ang kanilang puso ay maiangat muli at sila’y maihanda sa kanilang gagawing pagsamba.
Sa bawat awit na nakita natin, may iba’t ibang mga pagpapala, iba’t ibang mga katangian ang binibigyan-diin. At dito sa Psalm 130, ito ang nag-iisang awit na naging mahalaga pati sa tradisyon ng mga Kristiyano. Hanggang sa mga nauna, sa early church, ay nagkaroon ng tradisyon na ang awit na ito ay maging bahagi ng kanilang pagsamba. Ito ang kanilang madalas na basahin.
Nagkaroon din ng proklamasyon ang isang papa noong 11th century na maging bahagi ito ng kanilang paggawa ng penitensiya.
Ang awit na ito din ay, sa isang mali namang tradisyon, ginagamit na pagpangaral para sa mga patay, dahil daw may sinasabing “Out of the depths I cry to You,” at ito ay ginagamit, yung mga salitang ito, na para bang binibigyan ng pagpapala ang mga yumao na sila’y maaari pang makatawag sa Panginoon.
Makikita natin na ang awit na ito ay naging mahalaga nga, at maging sa Repormasyon ito ay isang mahalagang kabanata.
Tinawag ito ni Martin Luther na The Master and Doctor of Scriptures.
At ang ibig niyang sabihin dito, merong kasing kasabihan si Martin Luther na ang kailangan para ikaw ay maituring na master and doctor of Scripture ay na meron kang pag-unawa ng pagkakaiba ng Law and Gospel; meron kang matalas na pag-unawa ng distinction between the Law and the Gospel. At kung meron ka nun, sinabi siya dapat ang kinukuhang mangangaral ay him call “Doctor”. At ngayon na tinawag niya ang Psalm 130 na The Master and Doctor of Scriptures, ay dito na para kay Martin Luther ay naglalaman ito ng tamang pagpapakita ng pag-iba tungkol sa Batas at sa Ebanghelyo. Marami din sa mga Puritans ang nagsulat tungkol dito. Halos paulit-ulit ang kanilang mga binabanggit.
At itong awit na ito ang masasabi nating pinaka-relatable doon sa mga awit na naging bahagi ng tradisyon ng mga Hudyo, dahil karamihan sa kanilang mga ipinagpupuri at ipinagdiriwang ay mga particular sa kanilang bayan: yung pagliligtas ng kanilang bayan mula sa mga kaaway, yung mga pagpapala sa kanila bilang Israel na bansa ng Diyos. Ito ay mga particular sa kanilang kalagayan na, baka para sa atin na mga Hentil na malayo na sa panahon na yun, ay hindi masyadong makarelate.
Pero itong Psalm 130 ay patungkol lamang sa pagpapala ng kaligtasan, na ang lahat ng mga mananampalataya ay nagkakaroon ng direktang relasyon, meron silang pag-unawa nito at karanasan nito. Kaya’t ang awit na ito ay madali para sa atin na mas maunawaan, at ito ang awit na maaari natin ding pagkuhanan para sa atin din na pagpapalakas ng ating puso upang tayo ay maihanda sa pagsamba na ginagawa natin lingguhan, at maging sa ating pagninilay-nilay, ito ay makakatulong upang magdagdag sa ating pasasalamat sa kaligtasan na ating natanggap.
Ito ngayon ang pag-aaralan natin sa Psalm 130.
[Scripture Reading and Opening Prayer]
Kung ating titignan ang awit na ito at ating uunawain na para bang ito lang ay isang awit na kinakausap tayo, makukuha natin na ang awit na ito ay nananawagan sa atin na umasa sa Panginoon. Yun ang sinasabi niya sa talatang pito: “O Israel, hope in the Lord.” Kung titignan natin ito bilang isang mensahe ng manunulat sa atin, ay makikita natin na tinatawagan niya tayo: umasa ka sa Panginoon.
At ito ay isang totoong mensahe, at ito ay isang mahalaga na maunawaan natin, na ang pag-asa nga natin ay sa Panginoon lamang, at tama na makuha natin na ito ang nais mangyari ng manunulat—na matagpuan natin ang ating pag-asa sa Panginoon lamang.
Pero dapat natin maunawaan, sa pag-aaral ng mga Awit, na kulang ang ganitong pag-unawa sa mga tula. Dahil itong mga awit na ito ay ibinibigay sa atin, hindi lamang upang maghatid ng kanyang mensahe para sa atin, na magturo ng katotohanan mula sa kanyang sarili papunta sa atin, kundi ang nais niya ay ipakita kung ano ang puso na nagpupuri sa Diyos, at tinuturo niya sa atin ang awit na ito upang tayo rin ay magkaroon ng ganong awit.
So hindi ito isa lamang panawagan sa atin na tayo ay umasa sa Panginoon; hindi niya tayo kinakausap lang at sinasabi sa atin, “Hope in the Lord.” Ang kanyang nais gawin ay tayo ay magkaroon ng puso na katulad niya, na sa pag-umapaw ng kanyang kaligayahan ay siya’y nananawagan sa buong bayan: umasa kayo sa Panginoon.
At kung tayo din ay magkakaroon ng ganitong klaseng pagkamangha sa kaligtasan ng Diyos—kung katulad niya ang ating puso, katulad ng kanyang pagkamangha sa kaligtasan ng Diyos—ang maramdaman din natin sa ating sarili, tayo din ay tatawag sa lahat at ipagsisigawan: umasa kayo sa Panginoon. Dahil nakita natin na ito nga ang tanging dapat na paglagyan ng pag-asa.
Kaya sa ganito, ay hindi natin babasahin lamang ang awit na ito na para bang siya ay nagkukuwento sa atin simula sa talatang una—na kinukuwento niya na natagpuan niya ang kanyang sarili sa kailaliman, at siya’y tumawag sa Panginoon, natagpuan niya ang kapatawaran ng Panginoon, nagkaroon siya ng pag-asa.
Kaya’t sinasabi niya sa talatang lima at anim, nakatayo siya ngayon sa isang… napunta siya sa katayuan na ang kanyang pananampalataya, ang kanyang kaligayahan sa Diyos, ay meron siyang matinding pananabik, mas higit pa kaysa doon sa mga bantay, sa mga watchmen.
So hindi ito kanyang pagkukuwento lamang ng kanyang karanasan; tayo ay tinuturuan na magkaroon din ng ganitong pag-unawa at tayo rin ay makilala na galing din tayo sa kailaliman.
Tayo rin ay tumawag sa Panginoon, natagpuan natin Siya, at tayo ngayon ay may matinding kagalakan. At kung atin ding maunawaan kung gaano kadakila itong kaligtasan na ipinagkaloob sa atin, tayo rin ay magkakaroon ng ganitong pagbulalas ng pagpupuri sa Diyos at sasabihin natin na tayo rin ay, “We wait for the Lord more than watchmen for the morning.”
At tayo rin ay magkakaroon ng pagsigaw ng ating puso dahil nakita natin na ang Panginoon nga lamang ang karapat-dapat na ating asahan. Tayo rin ay sisigaw at tatawag sa lahat: umasa kayo sa Panginoon, dahil nakita ko nga na isang napakayamang pagpapala ang makukuha ninyo sa Kanya. Nakita ko yun, naranasan ko yun, at nais kong ibahagi sa inyong lahat na kayo nga ay umasa rin.
So ganito ang tinuturo sa atin ng awit na ito—na tayo ay ginagabayan na magkaroon ng ganitong puso na namamangha sa kaligtasan ng Diyos.
Paano ba siya nagkaroon ng ganitong nag-uumapaw na kagalakan sa Kanyang kaligtasan?
Makikita natin sa talatang pito na meron siyang binanggit kung paano, ano ang dahilan, bakit siya nananawagan sa Israel.
At yun ay sabi niya: “Sapagkat…” At nais kong kunin yung pangalawa sa Kanyang sinabi dahil yun ang ibig sabihin, yung climax ng Kanyang argumento: “And with Him is plentiful redemption.”
Yun ang pinakadahilan at pinag-uugatan ng Kanyang kaligayahan sa kaligtasan na meron siya, dahil ang pagtingin niya doon sa kaligtasan na meron siya ay isang plentiful redemption—isang saganang pagtubos.
At dahil ito’y napakasagana, at naunawaan niya na ito’y isang saganang pagtubos, kaya siya nagkaroon ng ganitong klaseng pasasalamat, ng ganitong klaseng pagsigaw sa lahat: hanapin ninyo ang inyong pag-asa sa Panginoon dahil sa Kanya ay may saganang katubusan. Plentiful redemption.
Kung ating makikita na ang ating kaligtasan na natanggap mula sa Diyos ay isang saganang katubusan, tayo rin, tulad niya, ay magkakaroon ng nag-uumapaw na kagalakan.
Tayo naman ay mga mananampalataya, at kaya nga tayo sumasamba, kaya tayo naglilingkod sa Diyos, at ang sinasabi natin sa ating buhay, ito—ang lahat ng ating ginagawa na pagsunod sa Kanyang kautusan—ay ating pasasalamat sa kaligtasan na ating natanggap.
Meron naman tayong pasasalamat at pag-unawa na ang ating kaligtasan ay mula sa biyaya Niya lamang at ito ay tinanggap lamang natin sa pananampalataya, hindi dahil sa ating sariling paggawa. At kaya ang ating tugon sa Kanya, ang lahat ng ating pagsunod, ang ating pagsamba, ay ginagawa natin nang may pasasalamat.
Ngunit aaminin natin na ang ating pasasalamat ay minsan ay hindi ganoon kainit, hindi ganoon karapat-dapat kung isusukat natin sa kadakilaan ng kaligtasan na ating natanggap.
At tayo rin ay nagnanais na ang ating pasasalamat, ang ating pagsamba, ay mas lalo pang maitaas, mas lalo pang mapalakas. Kaya nais nating maunawaan ang kaluwalhatian ng Diyos, ang Kanyang… ang yaman ng biyaya na ipinagkaloob Niya sa atin.
At maaari na ang ginagawa natin para tayo ay mapataas at madagdagan ng ating pasasalamat ay nagbibilang tayo ng lahat pa ng ibang mga pagpapala ng Diyos sa atin.
Titingin tayo sa ating nakaraang linggo: yung pag-iingat Niya sa atin, yung binibigay Niya sa atin na hininga, yung ating pagkain, lahat ng ating pangangailangan, at minsan mga pagpapala pa na higit sa lahat ng ating mga pangangailangan. At lahat ng mga pagkakataon na tayo ay napunta sa panganib at tayo ay iniligtas ng Diyos—sa lahat ng ganitong probidensya ng Diyos ay tinitingnan natin, at ito ang idinadagdag natin sa ating pasasalamat.
Ngunit itong awit na ito ay nagtuturo sa atin na bagamat hindi mali na bilangin natin ang lahat ng pagpapala ng Diyos, meron isang kaban ng pagpapala na maaari nating tingnan—babalikan lang natin yung pinakapunong pagpapala na natanggap natin: yung ating kaligtasan.
At kung atin lang mas lalo pang unawain yung parehong kaligtasan na meron na tayong pasasalamat, ay madami pang aspeto noon na hindi natin nauunawaan. Mas mapapalalim pa ang ating pag-unawa noon, at doon ay madadagdagan nga ang ating pasasalamat sa Kanya; mas lalong mag-iinit ang ating pag-ibig para sa Kanya.
Kaya itong awit na ito ay isang paggabay sa atin na ating balikan itong napakasimpleng katotohanan na atin nang niyakap sa una pa lang ng ating pananampalataya: na tayo ay niligtas ng Diyos sa Kanyang mayamang biyaya bagamat tayo ay makasalanan.
At yun ay nag-udyok sa atin na mamuhay sa ating buong buhay ng pasasalamat sa Kanya.
At tinuturo sa atin ng awit na ito na mainam na balik-balikan ang nag-iisang pagpapalang iyon—ang pagpapala ng kaligtasan sa biyaya—at usisain ang lahat ng anggulo, ang lahat pa ng ibang lalim na hindi pa natin naghuhukay, upang mapaigting lang ang ating pasasalamat sa pagpapalang iyon.
Kaya dito, gusto kong tingnan natin ang dalawang aspeto ng ating kaligtasan na binibigyang-diin ng awit na ito.
Ang kakaiba nga sa awit na ito, hindi tulad ng karaniwan nating mababasa sa ibang awit, ay hindi ito nagbabanggit ng kahit anong mga karaniwang pagpapala na makikita natin sa ibang awit—yung pagliligtas sa mga kaaway ng bayan, yung pagbibigay ng maraming anak, yung pagtataguyod ng kanilang pamilya.
Walang ibang binabanggit na mga pagpapala.
Ang tinuturo lang sa atin sa Psalm 130 na balikan ay yung ating kaligtasan mula sa ating kasalanan.
At ito lang ang tinuturo niya na sa awit na ito, ating hukayin muli, at sa mas malalim na pag-unawa nitong pagpapala na natanggap na natin, na pinasalamatan na natin, ay dadagdagan natin ang ating pasasalamat at pagsamba sa Kanya.
Yung ating kaligtasan na binibigyang-diin ng manunulat na ito ang nagturo sa kanya na magkaroon ng mas malalim na pasasalamat sa kanyang kaligtasan.
At una, ito ay ang kapatawaran—ang forgiveness.
Ito’y binabanggit niya sa verse 4: “With You there is forgiveness.”
Ito ay isang salita na noong una pa lang ako sa aking pananampalataya, siguro matagal bago ko na-appreciate ang lalim na hinahatid sa akin ng salitang ito tungkol sa pagliligtas sa akin.
Noong una akong naligtas at nagkaroon ng pananampalataya, siguro ang mas lalabas sa aking bibig ay ang “paghuhugas ng kasalanan.” Dahil yun ang pagtuturo sa akin, ito’y kinakabit sa baptismo, at yung bata ako na yun ang aking larawan at pag-unawa ng kaligtasan: ako ay marumi, at ako ay hinugasan.
So ito ang pag-unawa ko sa aking kaligtasan, at ito’y isang mayamang katotohanan na aking pinapasalamatan—na sa karumihan ko, ako ay hinugasan ng Diyos.
Kinalaunan ako’y natuto ng teolohiya at natutunan ko ang mga salitang justification at sanctification, at naging ito ang mas bukambibig ko tungkol sa aking kaligtasan: that I am justified, that He sanctified me, and also that He adopted me.
Ako ay Kanyang kinupkop upang maging Kanyang anak. At natutunan ko rin ang iba pang mas mayamang katotohanan ng Reformed theology, ng doctrines of grace—na natutunan ko na mayroon pala Siyang isang pagkilos na miraculous na baguhin Niya ang aking puso.
So ito ang mga aspeto ng aking kaligtasan na mas aking nauunawaan.
Pero yung salitang kapatawaran ay hindi ko dati ikinakabit sa aking kaligtasan.
Iisip ko lang na ang salitang patawad ay siguro nung bata ako ay kinakabit ko lang sa pangangaroling, kaya pag sasabihin mong patawad, papalampasin mo yung isang unang pangangaroling.
So hindi ko siya nakikitang isang malalim na pag-ibig.
Hindi ko siya nakikitang isang parabang ang matinding biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa akin.
At siguro kapag humihingi ako ng tawad, natutunan ko naman na ako ay makasalanan pa rin at kailangan kong humingi ng tawad palagi. Ang naiisip ko lang ay yung aking mga maliliit na kasalanan na ginagawa—yung mga pagkakamali, minsang maliliit na pagsisinungaling. Yun yung mga naiisip ko kapag naririnig ko ang salitang pinatawad ako ng Diyos.
So ito ang kapatawaran at ganun lamang ang pag-appreciate ko sa kapatawaran.
Pero nung matutunan ko ang Biblia at napansin ko din sa Reformed Confessions na ang pagpapatawad ay sentro para sa kanilang pag-unawa ng kaligtasan.
Sinasabi nga mismo sa Belgian Confession, Article 23: We believe that our blessedness consists in this, that we are forgiven for our sins through Jesus Christ.
Nung nabasa ko yun at nagkaroon talaga ako ng pagtataka, na sa pagkakasabi din niya, our blessedness consists in this—ito ang ating kagalakan na tayo ay pinatawad.
At dito nagsimulang mabuksan sa akin: meron palang mas mayaman na nangyayari sa kapatawaran.
At nakita ko na hindi lamang ito na ang Diyos ay pasensyoso sa akin sa aking mga pagkakadapa, kundi yung kapatawaran ang tanging paraan para ako ay maging katanggap-tanggap sa harapan Niya.
Sa totoo lang, ang kapatawaran ay dapat nga nating makitang malaking bahagi noong natutunan ko ang salita before, justification.
Yun ang ginagawa sa ating justification: na yung ating pagsuway sa batas ay kinakancel ng Diyos. O yung malaking utang, yun ay Kanyang kinakancel. Yun ang nangyayari sa justification.
At dapat nating maunawaan na yun ang tinutukoy na mayamang pag-ibig na iginawad ng Diyos sa atin; tayo na mga makasalanan ay Kanyang pinatawad.
At pag ganoon, matututunan natin kung bakit simula pa lang sa Apostles’ Creed ay meron ng special highlight on the forgiveness of sins. Kasama yun sa nililist ang Kanyang pinaniwalaan: I believe in the Holy Catholic Church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and life everlasting.
Doon pa lamang meron siyang pagkilala sa centrality na ang ating kaligtasan ay pagpapatawad ng ating kasalanan.
At kaya nga, pagdating sa Belgic Confession, meron silang ganoong pahayag: we believe our blessedness consists in this, that we are forgiven our sins because of Jesus Christ.
Ito ang mayamang nilalaman ng pagpapatawad na baka hindi nabibigyan din sa atin.
Ituturo sa atin ng awit na ito na ang pagpapatawad ay may ganoon ng lalim; dapat na makita natin na ito ang naging tanging paraan para tayo ay makahanap sa Kanya.
Ito ang Kanyang tinuturo sa talatang tatlo. Ito ang tinuturo niyang maging awit ng mga banal: If you, O Lord, should mark iniquities, O Lord, who could stand?
Tinuruan Niya muna tayo na kilalanin na sa harap ng batas ng Diyos, kung Siya ay magtatala ng kasamaan, kung ililista Niya at imamarkahan Niya sa atin lahat ng ating pagkakamali, ay sabi, who could stand? Sino ang makatatagal?
Dito pinararating sa atin kung ano ang kabanalan ng batas ng Diyos. Dito magmumula ang ating mas malalim na pag-unawa ng kapatawaran, kung bakit ito ay isang napakatinding biyaya sa atin: una, sa harap ng batas ng Diyos, ang batas ng Diyos na banal, kung tayo ay tatayo sa harap ng Diyos at tayo ay mamamarkahan Niya, itatala Niya ang ating mga kasamaan—hindi tayo makatatagal.
At ang pagkakasabi pa ng awit ay, who could stand? Parang tinuturo sa atin na mag-isip ka man ng sino pa na mas mabuti sa’yo, siguro ang pinakamabait na taong nakilala mo, na pinaka-gentle, parang walang kasalanan, at siya ang pinaka-banal, pinaka-loving na nakilala mong tao, siya rin ay hindi makatatayo sa harapan ng pagtatala ng Diyos ng kanyang kasalanan dahil siya rin ay nagkukulang pa rin sa kabanalan ng Diyos.
Kung tayo ay magsimula sa pag-unawa na ang batas ng Diyos ay ganoon kataas, ganoon kalayo sa atin, at ito ay isang banal na batas, tayo nga ay magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa na ang pagpapatawad ng Diyos sa atin ay pagpapatawad against this holy law. Tayo ay mga nagkasala against His holy Law—the Law which is the reflection of His nature, His very holiness. Ito ay Kanyang ipinapahayag sa batas. Bali, tayo sa ating mga kasalanan ay kumukontra’t sumasalungat sa Kanyang kabanalan; tayo ay nagrebelde sa Kanyang otoridad; at tayo ay sumasalungat, lumalaban sa tinuturing Niyang kabutihan, tayo ay naghahanap ng ating sariling kaligayahan, tayo ay naghahanap ng ating sariling satisfaction.
At ang ginawaan ng Diyos—yung matinding ginawaan natin na pagsuway laban sa Kanyang kabanalan—ay Kanyang pinatawad. Ito ang lalim ng ginawaan ng Diyos sa pagpapatawad.
Sabi Niya, If you, O Lord, should mark iniquities, O Lord, who could stand? Siyempre, ito ay isang rhetorical question, at ang taong nagtatanong nito ay alam Niya ang sagot.
Sabi nga sa 143, walang makatatayo sa harap ng Diyos.
Pero nakita Niya sa verse 4, But with You there is forgiveness that You may be feared.
Ito ay nagbubukas at nagtuturo sa mga anak ng Diyos na alalahanin muna na tama sana, marapat lang na sila ay parusahan ng Diyos ayon sa batas, pero dahil sa pagpapatawad ng Diyos mula sa Kanyang biyaya, kahit ayon sa batas, dapat tayong makatanggap ng Kanyang poot.
Dahil sa Kanyang biyaya, tayo ay pinatawad, at ngayon tayo ay maaaring makapaglingkod sa Kanya. Now He may be feared.
Ito ang nagbigay daan para tayo ay mamuhay in such relation to God that we can worship Him in reverence and awe: With Him there is forgiveness that He may be feared.
Dito ay pinapakita sa atin na ang tanging paraan na tayo ay naligtas, at kung maunawaan natin yung taas ng batas at yung lalim ng ating kasalanan, ito ang magbibigay sa atin ng mas matinding pasasalamat sa biyaya na natanggap natin na tayo ay Kanyang pinatawad.
Ayan nga, sa simula ng kanyang awit, nagsisimula Siyang tumatawag sa Panginoon. Kaya sabi Niya, out of the depths—galing sa kailaliman.
Ang tinutukoy Niya dito ay hindi yung maling pag-unawa na ginawa ng mga Katoliko na mula sa purgatorio o mula sa libingan. Ang tinutukoy ng out of the depths ay sa kailaliman at pagkakabaon sa guilt of your sin na ikaw na ngayon ay under condemnation, which everyone is when they are outside of Christ.
Kung tayo ay wala kay Kristo, you are in the depths—sa kailaliman at ikaw ay baon na baon sa iyong kasalanan at sa poot ng Diyos.
Mula doon maaari kang tumawag sa Kanya at makatagpo ka ng kapatawaran.
At kung pagsamahin natin yun at lalo nating patindihin ang ating pag-unawa na galing tayo sa kailaliman at tayo ay nakatagpo ng kapatawaran sa ating mga kasalanan laban sa Kanyang kabanalan, ito ay isang napakatinding kaligtasan na dapat nga nating mas lalong ipasalamat.
Kaya’t kung tayo lamang ay magkaroon nitong pag-unawa nito sa kapatawaran ng Diyos, maaaring madalanga tayo tulad nitong salmista na matawag ang kaligtasan natin na isang plentiful redemption, isang saganang pagtutubos.
At kung makita natin ang kasaganahan ng pagtutubos ng Diyos, doon magmumula na ang ating puso ay laging nagpapasalamat sa Kanya, hindi lamang sa ating salita na pagpupuri itong linggo, kundi nais natin na gumawa ng mabuti para sa ating kapwa, nag-uumapaw sa atin ang biyaya ng Diyos, at tayo rin ay nagiging mapagpatawad sa ating mga kapwa, mapagmahal sa ating mga kapwa, dahil ito ang natanggap natin mula sa ating Panginoon.
Doon sa Luke chapter 7 ay merong kilalang kwento na may nagbasag ng perfume para ilagay sa paanan ni Hesus.
At ang nangyari doon ay yung mga nakakita ay nagbulungan, at sa kanilang pagbubulungan, sabi nila: kung tunay na propeta Yan ay dapat alam Niya ang taong Yan na lumalapit sa paanan Niya ay isang makasalanan at hindi Niya tatanggapin.
At doon ang naging tugon ni Kristo sa nakita Niya sa ganitong mga mapagmataas na tao ay sinabi Niya, nagkwento Siya tungkol sa isang nagpa-utang na pinatawad ng iba-ibang mga amount, ang iba't ibang mga nagpa-utang sa Kanya.
At ang Kanyang simpleng tanong ay: sino sa tingin mo ang mas may pasalamat? At naiintindihan naman nilang lahat, siyempre yung pinatawad ng pinakamalaking utang.
At doon sinabi ni Hesus at pinaliwanag sa kanya: huwag niyong maliitin ang taong ito, siya ay pinatawad ng malaki, kaya mas matindi ang kanyang pasasalamat.
At ito ang nakikita natin sa pagtuturo ni Hesus: doon nagmumula, naguugat ang isang kamangha-manghang uri ng pananampalataya at pagsamba.
Ito’y nagmumula sa pag-unawa na isang napakatinding biyaya ang natanggap niya sa pagpapatawad ng kanyang kasalanan.
At kung meron kang pag-unawa ng kapatawaran ng Diyos sa iyong kasalanan, ikaw ay magkakaroon ng mas matinding pasasalamat.
At tayo nga ay ganito ang tinuturo sa atin, na makita natin ito bilang kasaganahan ng pagtutubos ng Diyos sa atin. Mas maunawaan natin na ang pagpapatawad ay hindi lamang patungkol sa ating mga maliliit na kasalanang ginagawa.
Ito ang pinakaugat ng ating kaligtasan: na tayong mga makasalanan ay hindi makaharap sa Diyos kung hindi tayo pinatawad.
At mula sa Kanyang pagpapatawad sa atin, nakakabit doon na tayong dating Kanyang mga kaaway ay Kanyang in-adopt, na Kanyang maging mga anak.
So ganoon ang tindi ng Kanyang pagpapatawad sa atin: hindi lamang na tayong mga kriminal na Kanyang pinalaya, kundi iyong kriminal na nakita Niya at alam Niya ang lalim ng kanilang krimen ay Kanyang kinukup, at aalagaan Kita sa iyong buong buhay.
Ganoon ang biyaya ng Diyos ng Kanyang pagpapatawad sa atin: hindi lamang pagpapalaya ng isang kriminal kundi pagkupkop sa atin bilang isang ama.
Ito ang isang unang aspeto na binibigyan ng pagpapatawad.
Isa pang binibigyan ng awit na ito, na magandang ating maunawaan dahil ito ang isa sa mga malaking tema sa Lumang Tipan, ay ang tinatawag na steadfast love.
Sa verse 7: Israel, hope in the Lord, for with the Lord there is steadfast love.
Ito ang pangalawang nakita Niya: with the Lord—yung una ay with You there is forgiveness, ito ang sinabi Niya ang pangalawa: with the Lord there is steadfast love.
At itong steadfast love ay isang mahalagang salita sa Old Testament. At kung subukan nyo lang mag-search sa inyong Bible app, sa Psalms pa lang ay binanggit ito 123 times.
So sa itong salitang steadfast love ay isang katangian ng Diyos, pagpapala, biyaya ng Diyos na madalas ipagpasalamat ng mga banal sa Lumang Tipan.
Itong salitang ito ay siguro hindi rin sa akin din, sa aking sariling pananampalataya, hindi ito ang madalas na aking binibigyang diin. Hindi ito nagiging bukang bibig ko: thank God for steadfast love. Kinalaunan, sa aking acquaintance with the Psalms, ay natutunan ko ang kahalagahan ng katangian na ito.
Pero karaniwan sa mga mananampalataya, tulad nga din ng naging karanasan ko sa generic evangelical language, ang mga usual na binibigyan ay the grace of God, the salvation of God by grace sa ating mga kasalanan.
And usually, when we look for something to hold on to, to increase our gratitude and love for God, isa sa mga tinuturo—at this is correct also—ay nabalikan lamang ang nakaraang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo.
Yung Kanyang kamatayan sa krus, yun ang ating babalikan, at ito'y sinasabi ko rin naman na ito ang ating dapat kapitan.
Pero ang iba dito sa steadfast love, at sa pag-reflect ng saints throughout biblical history, kapag binabanggit nila ang steadfast love, ito'y nakikita nila bilang isang present ongoing na pagpapala ng Diyos sa kanila.
Hindi sila tumitingin lamang sa isang nakaraan na ginawa ng Diyos, na sa nakaraan meron Siyang lakilang pagpapala sa akin at kahit na hindi Niya nadagdagan, ay meron akong pasasalamat.
Sa pananalangin na makikita natin na nakakalat sa Banal na Kasulatan, kapag tinitingnan nila ang steadfast love, nakikita nila na ang Diyos ay patuloy na umiibig sa kanila.
Kaya nga ito'y tinatawag steadfast. Sa Tagalog, ito ay tapat na pag-ibig, tapat na pagmamahal.
At tinutukoy nito kung paano ang pagmamahal ng Diyos ay hindi minsanan lamang na tayo ay iibigin isang beses, at kung tayo ngayon ay hindi na kalugud-lugud sa Kanya, ay titigil na Siya sa pagturing sa atin.
Dahil ang Diyos ay may tapat na pagmamahal sa ating paulit-ulit na pagsuway sa Kanya, Siya ay tapat sa atin. Kaya Siya ay may steadfast love.
At ito ang dahilan kaya, kung mapapansin natin, simula verse 1 to verse 6, Siya ay nagsasalita in the first person. Tuturing Niya ang Kanyang sarili, at kausap Niya ang Panginoon.
At pagdating dito sa verse 7, nagsasalita Siya mainly in the third person at nagsasalita about the Lord. At tinatawagan Niya ang lahat na sila ay magkaroon ng pag-asa sa Diyos.
Sa una ay Kanya lamang inaalala kung ano ang Kanyang sariling karanasan, at Siya ay inaalala: ako ngayon ay may ganitong pagpapala, ay ganitong pag-asa at paghihintay sa Diyos. Yun ang Kanyang binabanggit sa verse 5 to 6.
Pero pagdating sa verse 7, sa pag-umapaw ng Kanyang kagalakan, Siya ay nananawagan sa lahat na sila rin ay umasa sa Panginoon.
At ito ay nagmula sa Kanyang pag-unawa na with the Lord there is steadfast love, merong tapat na pagmamahal sa Panginoon.
At itong steadfast love, kung paano ito nagiging ugat ng kanilang pasasalamat, ito ang dahilan kaya marami sa mga awit makikita natin ay nagsasalaysay ng mahabang kasaysayan ng Israel.
Nagsisimula sila madalas doon sa pagtawag kay Abraham o doon sa pagliligtas sa Israel mula sa Egypto. Maraming ganitong awit na inaalala yung nangyari sa kasaysayan at kung paanong sa henerasyon na mga nagdaan, ang Diyos ay patuloy na nagmamahal sa Israel.
At dahil nakita nila sa kasaysayan na ang Diyos, through hundreds of years, ay hindi tumitigil sa pag-iingat at pag-ibig sa kanila, dito nila naikita at kaya madalas nilang banggitin, in God there is steadfast love, na Siya ay tapat sa Kanyang pagmamahal na dati pa man, at tinawag Niya noong nahulog si Adan ay nangako Siyang magliligtas. Simula pa doon sa pangako na yun na meron Siyang biyaya, ay hindi tumigil ang Diyos sa Kanyang plano na iligtas ang Kanyang mga hinirang.
Kaya doon makikita na kung doon pa lamang, simula pa lang sa pagkakahulog ni Adan, ay nakikitaan na ang Diyos na Siya ay may awa sa Kanyang mga hinirang at patuloy na umiibig. Sa pagtawag Niya kay Abraham at sa pagkakabuo ng Bayan ng Israel, kahit na sila ay paulit-ulit sa kanilang pagsuway at napunta sa mga pinakamatinding kasalanan, ang Diyos pa rin ay tapat sa kanila.
At sa pagtingin sa kasaysayan na ito, hindi lamang sa isang pangyayari sa kasaysayan kundi sa span ng since creation, ang Diyos ay tapat sa Kanyang pagmamahal.
Nagkakaroon sila ng kumpyansa, at nagkakaroon din tayo ng kumpyansa na makasabing meron pang patuloy na pagmamahal para sa akin.
Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang Diyos sa Kanyang pag-iingat sa akin at hindi lamang sa kasaysayan, sa ating pagbabaliktanaw sa pag-iingat ng Diyos sa Kanyang bayan, kundi maging sa ating personal experience: kung titignan natin simula sa ating pagkakaligtas, na tayo ay dinala sa pananampalataya, ay iningatan tayo ng Diyos sa lahat ng ating mga ginagawa.
Napunta tayo siguro sa mga hindi kaayayang mga sitwasyon, pero ang Diyos ay hindi nagtigil sa Kanyang pagmamahal sa atin.
At sa ating lalong pag-aaral ng Biblia, mauunawaan natin na ang Kanyang pag-aalaga sa atin ay hindi nagsimula lamang sa ating pagkakaroon ng pananampalataya, kundi kumikilos na Siya na tayo ay dalhin sa pananampalataya bago pa man natin Siya makilala, bago pa man tayo magsimula na maglingkod sa Kanya.
Kaya kung ito'y maunawaan natin, ito ay yaman ng katapatan ng Diyos sa Kanyang pagmamahal.
At ito ang mas mabibigyang-diin natin sa ating mga pagdinilay-nilay: ang Diyos ay tapat sa Kanyang pagmamahal. Makikita natin na palagi tayong may dahilan para magpasalamat sa Diyos.
At hindi lamang tayo ay niligtas sa pananampalataya at simula noon ay binuhusan tayo ng iba't ibang pagpapala, maunawaan natin na simula nung pinatawad tayo sa ating mga kasalanan, tayo ay inaring ganap, at mula noon tayo'y patuloy pa rin nagkasala at tayo'y patuloy na pinatawad.
Maaari tayong bumalik doon sa yaman ng biyaya ng Diyos sa pagpapatawad, dahil maliban doon sa unang pagpapatawad na ating natanggap, Siya ay patuloy na nagpapatawad sa atin sa ating paulit-ulit na kasalanan.
Ito minsan ay nawawala sa evangelical teaching: pagkatapos ng salvation by grace, sila ngayon ay mga saints, at dahil sila ay saints, ang biyaya ng Diyos na kanilang natatanggap ay biyaya na nagbibigay lakas sa kanila para lumago sa kabanalan. Sila'y maging mas mabuti kaysa kahapon.
Pero nawawala yung aspeto na meron ding mas malaki sa biyaya ng Diyos sa atin: sa ating patuloy na pamumuhay bilang mga mananampalataya, ay ang patuloy Niyang pagpapatawad ng ating mga kasalanan.
Maging yung mga mabubuting gawa na ipinagkaloob Niya sa atin sa Kanyang biyaya, ay may bahid pa rin ng kasalanan.
At ang biyaya ng Diyos doon ay hindi lamang yung pagbibigay Niya sa atin ng kakayahan na gumawa ng mabuti, kundi na patawarin ang kasalanan na ibinahid natin doon sa ating mga mabubuting gawa.
At ito ang pagpapala ng Diyos. Kaya masasabi natin kasama ng Reformed Churches doon sa Belgic Confession, nandoon ang blessedness natin sa pagpapatawad.
At ito naman ay hindi pa uso ng Reformed Churches. Ito ay tinuro sa Psalm 32: Blessed is the man whose transgression is forgiven.
Ito ay tinuturo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ating makilala na ito nga ang tunay na pagiging mapalad: na ang ating mga kasalanan ay pinatawad.
At hindi lamang yung mga kasalanan natin bago tayo sumampalataya, kundi lahat ng mga kasalanan na patuloy pa natin magagawa ay kasama sa Kanyang biyayang pagpapatawad sa atin.
Ito nga yung pagpapaliwanag Niya doon sa plentiful redemption.
Sinabi sa verse 7: With Him is plentiful redemption.
At pagdating sa verse 8: And He will redeem Israel from all His iniquities.
Bakit meron Siyang pagkamangha na yung katubusan na Kanyang natanggap ay isang saganang katubusan? Dahil nakita Niya na yung pagpapatawad ng Diyos ay hindi lamang doon sa unang pagpapatawad ng ating mga kasalanan, kundi sa lahat ng ating mga kasamaan sa ating buong buhay.
Itong salita sa talatang 8 ay isang prophetic word na makikita natin gagamitin ng anghel para itukoy kay Hesukristo. Sa Matthew 1.21 ay sinabi na tatawagin Siyang Hesus: for He will save His people from their sins.
At ito ang makikita natin na pinakakatuparan ng pagliligtas na ito: sa pagdating nga ni Hesukristo ay doon makikita yung kaligtasan natin mula sa ating mga kasalanan.
At kaya hindi actually magkatunggali yung idea na yung krus ni Kristo ay nagtuturo sa atin ng present love.
Sabi sa Romans 5: this is how we know yung pag-ibig ng Diyos, na Siya ay namatay para sa atin.
Alam natin ngayon, presently, that He loves us dahil while we were still sinners, Christ died for us.
Yung ating present knowledge of God's present love ay maaari nating hukayin mula sa Kanyang past act of love, particularly in Christ.
At yung nga steadfast love of God ay makikita natin ang katuparan nandoon kay Hesukristo, sapagkat simula nung Siya'y nangako kay Adan na Siya'y magliligtas, na maliligtas ang tao sa Kanyang katapatan, sa Kanyang pangako, dinala Niya ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesukristo.
Ang pagsasagawa nito ay muli nakatali kay Hesukristo: paano Niya ililigtas ang Kanyang bayan mula sa kanilang kasalanan.
Ito ay nakatali sa Kanyang pagpapatawad.
Sabi sa Colossians 2:13: And you who were dead in your trespasses, and the uncircumcision of your flesh, God made alive together with Him, having forgiven us all our trespasses, by cancelling the record of debt that stood against us with its legal demands.
This He set aside, nailing it to the cross.
He disarmed the rulers and authorities, and put them to open shame, by triumphing over them in Him.
Kaya't itong kamatayan ni Kristo, ang maaari nating balikan at hukayin pa, maunawaan natin kung anong tindi ng biyaya ang natanggap natin sa pagpapatawad ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo, at tayo ay magkakaroon ng mas matinding pasasalamat.
Nito nga ng October 31 ay pinagdiriwang yung anniversary, hindi ng Halloween, kundi ng Reformation.
Ito ang mas mahalaga sa atin.
Si Martin Luther ay nagpako ng kanyang 95 Theses doon sa pinto ng kanyang church.
At sinasabi nga ngayon na yung act na yun, na pagpapako ng 95 Theses, parang pagpopost sa Facebook.
Kung baga ngayon, kung nagsimula siya, nagpost siya sa Facebook ng 95 Theses, at ito ay nagkaroon ng ganong effect, nagkaroon ng Reformation.
Noong panahon ni Martin Luther, Siya ay nagpako ng 95 Theses, at doon nagsimula ang Reformation na ating kinikilala ngayon, historically though, sinasummarize in five solas.
Sabi: Sola Scriptura, Sola Christus, Sola Fide, Sola Gratia, and Soli Deo Gloria.
Itong five solas ay ituturing na sa Diyos lamang ang ating kaligtasan, sa biyaya lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, kay Hesukristo lamang.
Ang lingwahe ng solas, na nagsasabing alone, ay minsan sa one sense ay isang napakahalagang matutunan natin: wala nga talaga tayong ibang pag-asa ng kaligtasan kundi ang biyaya ng Diyos lamang, kay Hesukristo lamang, at sa pananampalataya lamang.
Ito ay mahalagang katotohanan.
Pero itong lingwahe ng mga alone, ang dating ay minsan minamaliit: sinasabi sa kanila na kayo ay nalalagay sa isang matinding kapahamakan at ito lang ang tanging inyong pag-asa.
Wala kayong choice kaya tanggapin nyo na, ito ang inyong kaligtasan.
Minsan nagiging ganun ang dating siguro ng Ebanghelyo sa mga tao, parang sinasabi sa kanila: wala kayong ibang pag-asa, wala kayong ibang daan para maligtas, kundi sumampalataya dito.
Parang kayo inakulong ng walang ibang choice kaya mapipilitan na lang kayong sumampalataya.
Pero atin sanang maunawaan na itong kaligtasan na ating matatanggap sa Diyos lamang, sa pamamagitan ni Hesukristo lamang, sa biyaya Niya lamang at sa pananampalataya lamang, ay isang saganang katubusan.
Hindi ito isang natitirang choice para sa atin na tayo ay inapipilitan lang na tanggapin dahil ito lamang ang ating pag-asa.
Makita natin na ito ay isang napakasaganang katubusan na magdadala sa atin ng matinding yaman, hindi sa lupang ito, kundi sa ating buhay na walang hanggan, na makapiling si Hesukristo, at ibubuhos Niya sa atin sa ating buong buhay ang Kanyang pag-ibig.
At ito ay isang napakayamang pagpapala, saganang katubusan, na matatanggap natin kung tayo ay tatanggapin lamang ang Kanyang biyaya.
At kung mauunawaan natin ito, sana mag-umapaw din sa atin ang ganitong klaseng kaligayahan na tayo rin ay aawit tulad ng salmista na ito at kikilnatin natin: with Him is plentiful redemption.
Tayo po ay manalangin.
Aman naming Diyos, kami nagpapasalamat sa Inyong salita na muli naghahayag sa amin ng kaluwalhatian ng Inyong biyayang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming tinanggap sa pananampalataya lamang.
[Closing Prayer]
This transcript was created using AI tools. Please report issues or corrections to webadmin@rgbc1689.org.