[Scripture Reading & Opening Prayer]
Ang awit na ito, tulad ng maraming beses na nating nabanggit, ay patuloy na kasama sa lupon ng mga awit na tinatawag namin. Ito ay mga awit na tinatawag na Songs of Ascents.
At ang mga awit na ito ay paghahanda ng mga Israelita sa kanilang pista, na kapag sila ay aakyat sa Jerusalem upang idiwang ang kanilang mga pistang itinaguyod sa kanila ng Panginoon. Ito ay mga awit na nagsisilbing paghahanda sa kanilang mga puso para sa kanilang pagsamba.
At bilang paghahanda sa pagsamba, siguro ang mga inaasahan natin sa mga tema ng mga kanta ay tungkol sa kabutihan ng Diyos, sa Kanyang pag-iingat, at sa Kanyang pagmamahal sa atin.
Ito ang mga tema na ating kakapitan kung tayo mismo ay naghahanap ng inspirasyon upang tayo ay magkaroon ng mas mainit na pagsamba sa Diyos.
Pero ang awit na ito, kung ating titignan, ay may kakaibang tema, hindi isang tema na inaasahan natin na paghugutan ng bayan ng Israel ng kanilang inspirasyon sa pagsamba. At ito ay ang katuwiran ng Diyos.
Tingnan natin ang pinaka-thesis statement na masasabi natin sa buong awit na ito: ang talatang apat, verse 4, The Lord is righteous.
Ito ang nag-iisang pinakasimpling declarative sentence na matatagpuan ninyo sa buong awit na ito, at kinikilala na ang Panginoon si Yahweh ay matuwid.
Yung mga naunang talata, talatang 1 hanggang 3, siya ay nagninilay-nilay sa mga nakaraan nilang pinagdaanan. At yung talatang 5 hanggang 8, siya naman ay tumitingin sa hinaharap mula doon sa kanyang napagtanto sa verse 4 na ang Diyos ay matuwid.
Ito ay nagtulak sa kanya na magkaroon ng pag-asa at dumalangin na sa katuwiran ng Diyos siya ay parusahan at pigilan ang lahat ng may galit sa Zion.
So ito ay isang awit na ang tinuturo sa bayan ng Israel ay na maunawaan na ang katuwiran ng Diyos, the righteousness of God, is a joy for believers. Ito ay pagmumulan ng kanilang kagalakan. Pag-iisipan nila, tinuturo sa kanila na ipagdiwang na ang Diyos ay matuwid.
The Lord is righteous. at sa kanilang pagninilay-nilay sa katotohanan, ito ay, sa pag-iisip ng manunulat sa gabay ng karunungan ng Banal na Espiritu sa kanyang inspired knowledge, magdudulot na ang kanilang pagsamba at kanilang kagalakan ay mapapataas. Kung kanilang maunawaan ang katuwiran ng Diyos, ito ay magpapalalim ng kanilang kagalakan.
At ito nga ang aking mensahe na nais ihatid sa umagang ito, na ating maunawaan na ang katuwiran ng Diyos ay ating kagalakan na maaari nating awitin, na dapat nating awitin ng may kagalakan.
Kung titignan natin ang mga inaawit natin na mga himno sa ating pagsamba, ang mga makikita nating kadalasang tema, siguro ang pinakamadalas na tema ng ating mga awit, ay ang Kanyang biyaya, na sa biyaya ng Diyos, tayong mga makasalanan ay nakatagpo ng kaligtasan.
At siguro kung merong ibang tema na magiging laman ng ating awit, lalo na sa mga reform, ay ang Kanyang pagiging makapangyarihan at pagiging soberano.
At meron ding mga awit tungkol sa Kanyang kabanalan.
Ito naman ay hindi nalalayo doon sa tema ng Kanyang katuwiran, pero mahirap makaahanap ng isang kanta sa ating mga inaawit na patungkol sa Kanyang katuwiran.
Ito siguro ay hindi pamilyar sa atin.
At hindi ganito ang takbo ng ating pag-iisip na ang katuwiran ng Diyos, ito man ay hindi naman natin itinatanggi, sumasang-ayon tayo sa katotohanan na ang Diyos ay makatarungan, Siya ay makatuwiran.
Ito ay ating niyayakap na katotohanan, pero hindi natin, tulad ng awit na ito, nakikita na isang maaaring pagkunan natin ng kagalakan.
Kung titignan natin, pagdating sa Revelation, chapter 15, ang kanilang inaawit ay tungkol sa katuwiran ng Diyos.
Ang kanilang ipinagdiriwang sa Revelation 15, 16, at 19, sa nakita ni Juan na mga niluwalhating kaluluwa ng mga mana ng pananampalataya, sila na mga walang kasalanan, ito ang kanilang ikinagagalak sa harap ng Panginoon; ito ang kanilang ipinupuri sa harap ng Panginoon.
Na nakita nila ang katuwiran ng Panginoon, kaya ito ang nagpapagalak sa kanila.
Hindi natin sinasabi na masama na tayo ay nakatuon sa biyaya ng Diyos.
Isang napakagandang bagay na ating nauunawaan na napakahalaga sa atin ang biyaya ng Diyos.
Katotohanan, kung wala sa konteksto ng biyaya ng Diyos, ang lahat ng ibang katangian ng Diyos ay hindi magiging mabuting balita para sa atin.
Kung ating titignan ang kabanalan ng Diyos, liban sa Kanyang biyaya, ay tayo manliliit at mawawalan tayo ng pag-asa.
Kaya sa harap ng kabanalan ng Diyos, tayo ay mga makasalanan at ang mauunawaan natin ay tayo ay karapat-dapat na maparusahan.
Kung ating titignan ang Kanyang pagiging makapangyarihan at soberano, ay lalo lang tayong madidiin sa ating kasalanan at ating maiisip na kung ang Diyos ay soberano, edi wala akong magagawa sa harap Niya na siyang pinakamakapangyarihan, at ako ay makasalanan na ayon sa batas ay dapat makatanggap ng kaparusahan.
So ang ibang katangian ng Diyos ay hindi magiging kalugud-lugud sa atin, liban sa biyaya ng Diyos.
So tama naman na tayo ay may pagbibigay-diin sa biyaya ng Diyos.
Pero dapat din nating mauunawaan na ang tinuturo lang sa atin ng awit na ito ay na itong aspeto, itong katangian ng Diyos, ay pagmumulan din ng karagdagang kaligayahan, nagpapalalim pa ng ating pagsamba sa Diyos.
Kaya upang sa ating pagnanasa na ang ating pagsamba ay mapalalim at madagdagan ang ating pag-ibig sa Diyos, isama natin ito sa ating mga pagninilay-nilay, at sa katotohanan, makikita natin, ang temang ito ay mas madaming beses nating mababasa sa Biblia kaysa sa biyaya.
In terms ng quantity, ay ito ang madalas na inaawit sa mga awit, at maging sa ibang awit na recorded in Biblical history, makikita natin ito ang kanilang pinagdiriwang.
Kaya't mainam na tayo ay mas mahuhubog ang ating kaisipan at puso ayon sa salita ng Diyos, matutunan natin na ikagalak ang katotohanan na ang Diyos ay matuwid.
Sa umagang ito, para tayo ay magkaroon ng katulad na puso ng manunulat na ito at matupad ang kanyang layunin na tayo ay magalak doon sa katotohanan na ang Diyos ay matuwid, ang nais ko lamang gawin ay sumagot ng dalawang tanong.
Una, ano ang ibig sabihin kapag sinasabi sa Biblia na ang Diyos ay matuwid? Ang tatanong lang natin: ano ang ibig sabihin ng pagiging matuwid ng Diyos?
At pangalawa ay ang pangalawang simpleng tanong: paano at bakit ito naging kagalakan? Paano ito magiging kagalakan ng mananampalataya na ang Diyos ay matuwid?
So una, sagutin natin itong tanong: ano ang kahulugan kapag sinasabi at nababasa natin sa Biblia na ang Diyos ay matuwid?
Yung salitang matuwid sa ating lengguwahe ay naguugat sa salitang tuwid, ibig sabihin deretso, at ito'y kabaliktaran ng salitang baluktot. At sa usapang moralidad, ang tinutukoy nito ay ang pagiging mabuti. So kapag sinasabi na ang isang tao ay matuwid, sinasabi natin na hindi siya nadadala ng kabaluktutan sa kanyang kapaligiran.
At minsan makikita natin na ginagamit din ang ganitong ibig sabihin ng pagiging matuwid kapag Diyos ang tinutukoy. Halimbawa, sa Awit 145, meron doong talata na ikinakabit ang pagiging matuwid sa Kanyang pagiging mabait. Yun ang ginamit na salita sa Tagalog.
Sa verse 17, Awit 145:17, "The Lord is righteous in all His ways, and kind in all His works."
Sa Hebrew poetry, ang pag-uulit o pag-restate ng isang linya ay basically nag-a-affirm ng parehong katotohanan. So sa pag-iisip dito ng manunulat, yung pagtawag sa Kanya na righteous ay kamukha o kapareho ng tatawagin Siyang mabait o kind. Ito ay isa sa mga kahulugan kapag tinatawag ang Diyos na matuwid.
Ngunit sa madalas na paggamit ng salitang matuwid pagpatungkol sa Diyos, hindi ito ang kahulugan na matatagpuan natin. Ang kahulugan na makikita natin ay mas malapit sa Kanyang pagiging hukom, na Siya ay isang matuwid na hukom. Yun ang mismong sinasabi sa Awit, Psalm 7:11, "God is a righteous judge."
So kung tatanong, in a sense, or in what sense, can we say that God is righteous? He is a righteous judge. Siya ay matuwid bilang isang hukom. At bilang isang matuwid na hukom, ibig sabihin ang Kanyang mga hatol, ang Kanyang mga desisyon, ay matuwid.
Kaya minsan, hindi man ang Diyos mismo ang binibigyan ng kapurehan o tinatawag na matuwid, ang tinatawag ay ang Kanyang mga hatol, ang Kanyang mga desisyon, at lahat ng Kanyang mga ginagawa ay tinatawag na matuwid. Ito ang makikita natin sa Psalm 9:7–8. "The Lord sits enthroned forever; He has established His throne for justice, and He judges the world with righteousness; He judges the peoples with uprightness."
So dito, ang tinawag na righteous ay ang Kanyang paghahatol, kung paano Siya maghatol sa Kanyang paghukom, at yun ang tinatawag na righteous.
At siyempre, ito ay pareho lang ng ibig sabihin na sa pagtawag sa Diyos at sa Kanyang mga hatol na matuwid, Siya ay isang Diyos na sa Kanyang mga ginagawa ito ay naaayon sa batas, naaayon sa kabutihan, at hindi nahahaluan ng kahit anong kabaluktutan. Yun ang mas madalas na ibig sabihin ng righteous.
At kung Siya ay isang matuwid na hukom na may matuwid na mga hatol, ang ibig sabihin nito, at makikita natin minsan, sa ating sariling isipan sa common sense, ay kapag mabuti, ay Kanyang gagantimpalaan; kapag masama, Kanyang paparusahan. Ito ay ginagamit sa Romans 13. Ito ang trabaho ng isang namumuno: dapat niyang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masasama. At ito ay sinasabi rin tungkol sa Diyos, at sa mga awit, may papuri sa Diyos na ganito ang Kanyang ginagawa.
Sa Psalm 11:7 ay sinasabi: "The Lord is righteous; He loves righteous deeds, and the upright shall behold His face."
Ito rin ang ibig sabihin ng pagiging matuwid ng Diyos: tinawag Siyang matuwid, at ang pagpapaliwanag ng mga sumunod na linya ay na may kinalulugdan Siya sa mabuting gawa, at ito ay Kanyang pagpapalain.
Yan ang ibig sabihin ng "They shall behold His face."
Madalas makita natin sa awit ang lengguwahe na "Do not hide Your face from me."
At ito ay ibig sabihin: hindi Siya, parang walang pakialam sa iyo ang Diyos, kasi Kanya kang tinitingnan.
Kaya yung sinabi dito na yung mga matuwid, "The upright shall behold His face", sila naman ay pinagpapala.
Ito nga ang lengguwahe ng pagpapala doon sa ironic blessing na sinasabing: "The Lord make His face to shine upon you." Ito ay isang mayamang pagpapala, at ito ang ibig sabihin na ang Diyos ay matuwid. Siya ay magbibigay ng pagpapala sa mga matutuwid. At ito ay isang katotohanan na siguro ikagagalak natin: ang Diyos ay nagbibigay ng pagpapala sa mga matutuwid.
Pero ang isang kabaligtaran, o kabilang bahagi nito, ng Kanyang pagiging matuwid na hukom, ay Siya ay magbibigay ng parusa sa mga masasama. At ito rin ay isang katotohanan na ikinagagalak at inaawit ng may kagalakan sa Banal na Kasulatan.
Dito sa mismong awit na ating pinag-aaralan, Psalm 129, ito ang nakikita natin, at ito ang tinuturo sa bayan ng Israel: kanilang kilalanin, hindi lamang sang-ayunan kundi kanilang ikagalak.
Ikagalak nila na ang Diyos ay matuwid, at ang pinakatinutukoy nila dito ay na Siya ay nagbibigay ng hatol, ng karampatang hatol sa mga masasama.
Ito rin sa verse 4: "The Lord is righteous; He has cut the cords of the wicked."
At ito ay tinuturo sa bayan ng Israel at maging sa atin na maging awit natin ng may kagalakan, ng may pagkamangha sa Kanyang hustisya, may pagpupuri sa Kanyang kabanalan, na Siya ay matuwid at Kanyang pinutol ang tali ng mga masasama.
So ito ang madalas nating makikita, hindi lamang dito: kung kayo ay may habit ng pagbabasa ng awit, ito ang madalas ninyong makikita sa papuri ng awit at Kanyang dalangin.
Dinadalangin ni David at ng ibang mga nagsulat ng mga awit na ito na parusahan ang mga masasama.
At minsan kapag ito'y ginawa na ng Diyos na pinuksa ang kanilang mga kaaway, ito ay kanilang ipinagdiriwang, ito ay kanilang ikinagagalak.
So ito ay isang katotohanan na madalas nating makita sa Biblia, at dito nga sa awit ngayon na ating pinag-aaralan, tinuturo sa atin na magkaroon ng kagalakan maging sa katotohanan na ang Diyos ay nagbibigay ng tamang parusa; hindi Niya pinalalampas ang kasamaan.
"The Lord is righteous; He has cut the cords of the wicked."
Siguro ang katotohanan nga ito ay atin nga sinasang-ayunan: hindi naman natin tinatanggihan, at ito ay kasama sa ating mga doktrina na kilala natin na ang Diyos ay matuwid.
At alam natin, at binibigyan din sa ating pagtuturo, ang katotohanan na ang Diyos ay paparusahan ang lahat ng kasamaan.
Pero ang hamon sa atin ng awit na ito ay ito ay maging hindi lamang katotohanan na ating sang-ayunan, kundi isang katotohanan na ating ipagdiriwang.
Kung makikita natin sa Banal na Kasulatan, ang katotohanang ito ay may pagbibigay, binibigyan din, paulit-ulit na binabanggit, at ito ay paulit-ulit na pinapupurihan ng may kagalakan.
Ang Diyos mismo ay nagpakilala kay Moises sa Exodus 34, at ito ay kasama sa katangian na Kanyang ibinibigay tungkol sa Kanya mismo. Sa pagpapakilala ng Diyos kay Moises, sinabi Niya na: He will by no means clear the guilty.
Kasama sa ibinibigay ng Diyos mismo tungkol sa Kanya ay na sa anumang paraan ay hindi Niya ipapawalang-sala ang may sala; itong Kanyang pagiging matuwid, pagiging just, ay kasama sa ibinibigay Niya tungkol sa Kanya mismo.
At hindi natin makikita, siguro i-expect natin na sang-ayunan man ito ni Moises at ipalaganap niya ang katuturan na ito, siguro isipin natin at nakita natin kay Moises: siya naman nga ay nanliliit sa harap ng Diyos.
Siya ay nahihiya at nakikilala niya na siya ay kailangang yumuko sa harap ng kabanalan ng Diyos.
Pero ang makikita natin, isang kagulat-gulat na awit niya, na kilalang The Song of Moses sa Deuteronomy 32, ay isang buong tema nito ay ang katuwiran ng Diyos — ang Kanyang pagpapalusa sa masama — at na ito ay diretsong sinasabi niyang dapat ikagalak.
Sa simula ng awit na iyon sa Deuteronomy 32, sineset niya na yung tema na ito ang pundasyon ng trono ng Diyos, at pagdating sa kahulihan ng awit na iyon, sa kanyang direksyon sinabi: “Rejoice with him; He avenges the blood and He exacts vengeance on His adversaries.”
So ito ang tinuturo mismo ni Moises sa pag-unawa niya. Siya na nakaharap ang Diyos, nakita ang Diyos sa Kanyang kabanalan ng malapitan at siguro mayroon siyang special insight into what a terrifying presence it is na makita ang Diyos. Pero nakikita niya din na itong pagpapalusa ng Diyos, ang Kanyang katuwiran, ang Kanyang paghahatol, ay dapat na ikagalak.
Ang tinatawagan pa niya na magbigay ng papuri at kagalakan ay ang lahat ng mga anghel, ang mga diyos-dyosan — sinasabi niya, lahat kayo magalak kasama Niya dahil ang Diyos ay kumukuha ng paghihiganti sa Kanyang mga kaaway.
Sa Psalm 7 makikita rin natin mayroon ding ganitong tema. Ang huli ng awit na iyon ay sinasabi mismo na siya ay nagpapasalamat para sa katuwiran ng Diyos: "I will give to the Lord the thanks due to His righteousness, and I will sing praise to the name of the Lord the Most High."
Pero kung titignan ninyo dito kung ano ang tinutukoy niyang righteousness, ito ay kung paanong, in a vivid and very violent way, ay mamamatay ang mga masasama. Magsisimula doon sa chapter 7 verse 11: "God is a righteous judge and a God who feels indignation every day." At simula verses 12–15 ay sinasabi niya na mayroon Siyang creatively described na masamang tao na sa kanyang sariling patibong ay mahuhulog at mababasag ang kanyang bungo.
Ganun pa niyang inilarawan: "If a man does not repent, God will whet His sword; He has bent and readied His bow; He has prepared for him His deadly weapons, making His arrows fiery shafts. Behold, the wicked man conceives evil and is pregnant with mischief and gives birth to lies. He makes a pit, digging it out, and falls into the hole that he has made. His mischief returns upon his own head and on his own skull. His violence descends."
At ito ang kanyang pinag-iisipan kaya siya biglang pupunta sa kanyang pasasalamat sa katuwiran ng Diyos: "I will give thanks to the Lord, that thanks due to His righteousness; I will sing praise to the name of the Lord the Most High," dahil Kanyang pupuksain, even to a violent death, ang mga masasama.
Ito ay tinuturo sa atin; makikita natin maraming beses na tinuturo sa atin na ito'y paghuhugutan ng hindi lamang pagkamangha o pagkatakot sa Diyos, kundi pagkakaroon ng kagalakan at pasasalamat sa ginagawa ng Diyos.
Sinabi ni C. S. Lewis, na very open about the questions na pinagdadaanan ng mga mananampalataya, na isa sa magiging katitisuran ng mga awit ay na ituro ng Diyos sa Kanyang mga anak na magkaroon ng galit — to the point of violence — sa mga masasama. At isa sa kanyang insight dito ay siguro kung tayo ay nakakaramdam ng discomfort sa pagbabasa ng mga ganito, ang problema ay hindi na sila ay nagkukulang sa kabanalan, kundi na tayo ay nagkukulang in the horror that we see of sin. Kaya't sila ay umaawit with joy, with indignation against sin, dahil para sa kanila ay mas naunawaan nila na ganoon nga: kasama ang kasalanan na ito ay karapat-dapat na mangyari.
Ito nga ang makikita natin sa pagdating sa Revelation sa kanilang mga awit, na sinasabi na pinainom ninyo sila ng dugo — pinainom nila ng dugo ang kanilang mga kaaway — at ito ang nararapat sa kanila dahil sila, sa kanilang pag-api sa mga mananampalataya, ay pinadanak nila ang dugo ng mga propeta. Ang ganitong awit ay magmumula maging sa mga niluwalhating kaluluwa ng mga anak ng Diyos; sa harapan ng Diyos sa kalangitan, sila'y umaawit tungkol sa pagdanak ng dugo ng mga masasama.
At ilang beses man natin ito ay siguro ma-analyze intellectually at nakakaramdam pa rin tayo ng discomfort sa ating puso. Habang nandito tayo, siguro hindi mawawala sa atin na merong some discomfort in the idea of having violent thoughts and violent rage against sin.
Pero ituloy natin at sagutin ang ikalawang tanong: paano nga ito isang kagalakan? Paano nangyari na ito ay isang tema inulit-ulit sa Salita ng Diyos na kanilang ikinagagalak?
Kung titingnan natin sa maraming beses na ito ay naging tema ng kanilang mga awit, ang konteksto ng kanilang pag-celebrate of God's violent destruction of their enemies ay dahil nga yung ginagawa ng Diyos na matuwid na paghahatol sa kanilang mga kaaway ay ito mismo ang kaligtasan na kanilang nararamdaman.
So ito ang kanilang experience of salvation: ang pagliligtas ng Diyos at pagpapakita ng Kanyang pag-ibig at pagtangi sa bayan ng Israel kapag ang Diyos ay kumilos upang puksain ang kanilang mga kaaway. Lalo na kung sila ay, sa kanilang kasaysayan, ay naalipin ng matagal sa Egipto; noong ginawa ng Diyos na kumilos Siya miraculously at powerfully para sila ay iligtas mula sa kanilang pagkaalipin at pinuksa ang Kanyang mga kaaway, ang pagliligtas na ginawa ng Diyos with that violence is something na kanilang ipinagdiriwang dahil dito nila naramdaman na sila ay itinangi at iniibig ng Diyos.
Kaya itong mismong pagpatay ng Diyos sa kanilang kaaway ay nakakabit sa kanilang experience of God's love for them. Ito ang makikita natin maging dito sa awit na ating pinag-aaralan. Kaya tinuturuan silang sabihing mula verse 1, Greatly have they afflicted me from my youth, let Israel now say, — ito ay pinapaalala sa kanila, pinapabalikan sa kanila ang kanilang kasaysayan na noon pa man sila ay nakaranas ng mga pag-aapi na ganito ang kanilang mga kaaway. Greatly have they afflicted me from my youth, yet they have not prevailed against me. Hindi sila nagtagumpay.
"The plowers plowed upon my back; they made long their furrows."
So ito ay gumawa daw ng maraming guhit at marahil ng sugat sa kanilang likod — siguro ito ay isang poetic description of yung mga sugat ng paglalatigo sa kanilang likod kapag sila ay mga alipin o inaapi, at magkakaroon ng maraming linya sa kanilang likod ng mga peklat. Kaya ito ay ginamit niyang yung plowers plowing. Nagkaroon ng maraming long furrows on their back.
At ito ang tinutukoy niya: "The Lord is righteous; He has cut the cords of the wicked." At dito nagmumula ang kanilang kagalakan sa katotohanan na The Lord is righteous. Ito ang ginawang pagliligtas ng Diyos sa kanilang paghihirap: "The Lord is righteous; He has cut the cords of the wicked."
Ang Diyos ay kumilos upang maalis sila doon sa paghihirap na iyon. Kaya't yung violence that God exerted is an expression of His love. Dito makikita natin na may ganitong aspeto na dapat nating makita sa pag-ibig ng Diyos — kasama ito sa pagtingin natin sa pag-ibig ng Diyos sa atin kung paanong Siya ay may ganitong passion against anything that hurts us.
Kung makikita natin sa Exodus, noong ang Diyos ay nagbibigay ng babala kay Pharaoh na, “Let My people go,” Kanya sinabi: “Israel is My firstborn son. If you will not let My people go, I will kill your firstborn son.” Ganito ang galit ng Diyos.
Ganito ang pag-ibig ng Diyos.
Ito ay may aspeto din ng galit sa lahat ng mga makakapanakit sa atin.
At ito’y makikita natin maging kay Hesus mismo.
Si Hesus sa Matthew chapter 18, sinasabi Niya, whoever causes any of these little ones to stumble, it is better for him na magtali ng bato sa kanyang leeg at itapon ito sa ilog. Siya ay mamatay nang dahan-dahan at malunod at mawalan ng hininga. Ganoon ang Kanyang pagkamuhi sa kahit sinong makapananakit sa Kanyang mga iniibig.
Nakikita natin na ito ay bahagi din ng pag-ibig ng Diyos kaya’t ito ay nakikitaan natin ng kagalakan, na pag-uhugutan natin ng kagalakan na matuwid ang Diyos sa Kanyang katuwiran. Itong mga gumagawa sa atin ng kasamaan ay Kanyang parurusahan. Dito tinuturuan ang bayan ng Israel na alalahanin; sinasabi pa sa kanila, let Israel now say, greatly have they afflicted me from my youth.
Siguro marami sa kasaysayan ng bayan ng Israel ay meron ngang maaalala, mababalikan sa kanilang sariling experience na affliction na kanilang naramdaman mula sa mga kaaway. Pero sa atin ngayon, siguro mahirap makaisip kung anong mga affliction ang dinadanas natin. Mayroon ba tayong mga matitinding kaaway? Hindi tayo nakaranas ng pagiging alipin at pagkakaroon ng ganitong mga experience na the plowers plowed upon our backs, nagbibigay ng matinding violent oppression. Hindi ito part of our experience na ating mababalikan at sa ating masasabi, ito ay totoo din sa atin; ikagagalak ko ang pagliligtas ng Diyos.
Pero mayroon pa rin, maging sa ating panahon, ng tunay na nakakaranas ng ganitong mga karanasan, mga mananampalataya sa ibang bansa na sila ay nakaranas ng matinding oppression from their government. Maraming mga balita lately na maraming libo-libo ang pinapatay sa ibang bansa dahil lamang sa kanilang pananampalataya, at sila ay maaaring makatingin doon sa katotohanan na mayroong violent oppression silang na-experience, and it would be a great joy to them kung ang Diyos ay kikilos. Pero baka hindi nila masabi, at maaaring hindi nga nila maangkin, yung tinuturong sabihin dito na yet they have not prevailed against me.
Ito ay maaaring maging experience ng isang mananampalataya, at naging experience nga siguro ng mga nababalitaan natin na sila nga ay libo-libo nang napapatay; ay parang hindi nila masabing the enemies have not prevailed. Eh sila nga ay nagtagumpay at sila ay namatay. At kaya itong awit na ito kung ating titingnan ay parang hindi natutupad.
Kung tutuusin, ang Israel mismo, sila man ay nakaranas sa kanilang kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos mula sa kanilang mga kaaway, ay kinalaunan ang Diyos mismo ay hinayaan silang sakupin ng kanilang mga kaaway bilang kaparusahan sa kanilang pagsuway sa mga kautusan ng Diyos.
Hindi masabi doon sa karanasan sa lupa ng Israel, at maging ng mga mananampalataya, ang katotohanan na ang Diyos ay pinarusahan ang mga masasama, at nagmumukha pa nga na hinayaan Niyang magwagi itong mga kaaway.
Kaya’t upang makita natin na ang salita ng Diyos ay nakatindig pa rin at ito’y hindi nabali, ito’y tingnan natin na ito’y may spiritual na kahulugan.
Ang sinasabi dito na the Lord is righteous, He has cut the cords of the wicked, makikita natin na ito’y may spiritual na katuparan maging sa mga mananampalataya na napatay ng kanilang mga kaaway, napatay even violently by enemies, maging mga martyrs. Sila nga yung mga martyrs ang nakita ni Juan na umaawit sa Revelation; sila ang mga martyrs who were violently killed, and even ang pagkakasabi, the beheaded souls ang nakita ni Juan. Sila ang umaawit tungkol sa katuwiran ng Diyos na ito’y kanilang hinihingi na tapusin para talagang tuluyan nang puksain lahat ng kaaway, at ito din ang kanilang ipinagpupuri na nakakita na nga sila ng katuwiran ng Diyos na pinarusahan ang mga masasama sa kanilang paligid. So ito’y makikita natin kahit sa mga taong namatay na matindi; ito ang kagalakan na meron ang mananampalataya na hindi maaalis. Tulad nga doon sa kanta ni Martin Luther, the body they may kill; maaari nila tayong mapatay pero sila pa rin ay hindi magwawagi, at masasabi pa rin natin sa kalangitan itong awit na ito, they have not prevailed against me. Wala silang magagawa sa atin. Kung tayo man ay kanilang patayin ay parang dineliver lang tayo sa langit, at ito ay ating kagalakan.
Sabi nga ni Kevin DeYoung, kaya daw si Esther ay may tapang na sabihin, "If I perish, I perish", ay dahil ito ang kasiyahan ng isang mananampalataya: the worst thing that could happen to you is the best thing that could happen to you.
Kaya ito ay makikita natin ng katuparan lalo na pagdating sa ating walang hanggang buhay sa kalangitan kasama ang Diyos, na tatayo tayo nang banal, nang maluwalhati, at masasabi nga natin they did not prevail against us. Doong mga maikling kahirapan na ating pinagdaanan sa lupa ay matatabunan ng libu-libong taon or an eternity of bliss in front of our God. So ito ay nakakakita ng spiritual na katuparan na ito man ay mangyari sa ating buhay, na iyong ating mga kaaway ay hindi Niya pinuksa, hindi pinigilan, tayo ay namatay—ito ay totoo pa rin. At nagpapakita ito na ito ay isang spirit-inspired heavenly song ng mga awit natin: they have not prevailed against us.
Ngunit merong isa pang, at siguro ito ang mas matinding kagalakan, dahil ito ay isa pang spiritual na katuparan ng katotohanang ito, na makukuha natin ngayon din at hindi na hihintayin pa natin sa langit. At mangyari man na tayo ay patayin, nakuha na natin ang kagalakan na ito. At ito siyempre ay walang iba kundi ang kamatayan ni Hesukristo.
Isa sa problema kaya talaga namang mahirap maunawaan kung paanong ang awit na ito at ang katuwiran ng Diyos ay isang pagmumulan ng ating kagalakan ay kung pupunta tayo sa susunod na awit, Psalm 130, ay merong isang problema ang makasalanan sa harap ng katuwiran ng Diyos. Sabi sa 130 verse 3, "If You, O Lord, should mark iniquities, who could stand?"
Kung ang Diyos ay mamarkahan Niya ang ating kasamaan, sino pa ang makatatayo?
Ito ay may bibigyan ng kasagutan, dahil patanong itong sinabi sa Psalm 130. Sa Psalm 143, ito ay may sagot kung sino ang makakatayo, at sinasabing wala. Sa 143 verse 2, "Enter not into judgment with Your servant, for no one living is righteous before You."
Walang makatatayo nang matuwid sa harap ng Diyos kaya’t ang dalangin natin ay enter not into judgment. Itong dalawang talatang ito, 130 verse 3 at 143 verse 2, ay madalas na masitas sa mga Reformed Confessions. Sa Belgic Confession, it is quoted in line kasama sa kanilang confession mismo na binabanggit, We must always pray with David, enter not into judgment. At itong 130 verse 3 ay kasama sa mga main scripture reference tungkol sa justification by faith. At ito ay nagbibigay at nagtuturo sa atin ng problema kung bakit mahirap para sa atin, na mga makasalanan, na magkaroon ng purong kagalakan tungkol sa katuwiran ng Diyos. Sa harap ng katuwiran ng Diyos, ang ating mararanasan ay takot sa Kanyang parusa dahil if He should mark iniquities, no one could stand.
Ito nga ay binibigyan din ni Pablo ng pahayag. Romans chapter 3 verses 22b to 23, alam natin ito. Sabi, "There is no distinction for all have sinned and fall short of the glory of God." Ito ay isa sa mga sikat na memory verse from childhood. At ito ay nagpapatuloy tungkol doon sa beloved doctrine of justification by grace through faith. Sabi sa verse 24, "All have sinned and fall short of the glory of God and are justified by His grace as a gift through the redemption that is in Christ Jesus, whom God put forward as a propitiation by His blood to be received by faith."
Ngayon, ito ang gusto kong ating pansinin at maunawaan. Sinabi ni Pablo, ito daw, ebanghelyo na ito—na tayong lahat na mga nahulog sa kasalanan, lahat na hindi umabot sa kalwalhatian ng Diyos, ay iniligtas sa pamamagitan ng justification by grace through faith in the blood of Christ—ito daw, sabi niya sa verse 25, "This was to show God’s righteousness." Ito ay para ipakita sa atin ang katuwiran ng Diyos.
Dito natin makikita sa kamatayan ni Kristo sa cross ang Kanyang katuwiran. Mayroong matapang na sinasabi si Charles Spurgeon na, "I think even in hell you will not see a full picture of the righteousness of God." At ang ibig niya sabihin dito ay, dahil kailangan para makita mo yung buong picture of the righteousness of God, pagmasdan mo ang impyerno ng buong walang hanggan; for a whole eternity, doon mo pa makikita ang buong picture of the righteousness of God. Pero sa cross, sa kamatayan ni Kristo, nakikita mo doon na ipinapakita ang katuwiran ng Diyos. This is to show the righteousness of God.
At dito ang ibig sabihin ay na para bang ang Diyos, bago namatay si Kristo, ay nagmumukhang hindi matuwid. Mukha Siyang hindi matuwid na hukom bago namatay si Kristo. At para bang habang hindi pa namamatay si Kristo noong panahon ng lumang tipan, kapag kanilang inaawit itong The Lord is righteous, ay parang hindi pa nila nakikita ang tunay na katuparan na ang Diyos nga ay matuwid, dahil nga ang Diyos ay nagmumukhang hindi matuwid. Ito ay dahil daw, sabi, because in His divine forbearance He had passed over former sins. Dahil pinalampas Niya yung mga kasalanan, kaya’t nagmumukhang ang Diyos ay hindi matuwid.
Sa aking isipan, sa aking sariling pagsukat, siguro ang pinakamasahol na krimen ay rape, at tatabi ko doon ang murder. At sa ganitong klase ng krimen, doon lang natin makikita at mahuhukay na sa puso natin ay meron tayong pagkilala na nakakagalak ang hustisya ng Diyos. Kung isipin natin na meron—ito ay katahang-isip ko lang, wala akong balitang nauhukay na ganito—kung merong isang serial rapist and murderer ng mga menor de edad, mabalitaan natin na may ganoon at hindi siya nahuhuli, at sunod-sunod sa ating paligid ito ang nangyayari; ito ay katahang-isip ko lang. Hindi ba sa ganoong sitwasyon, kung ito’y mangyayari nga, ay nakakakulo ng dugo? At habang hindi nahuhuli yung kriminal, ay para bang ating sasabihin, at ito nga ay nagiging katitisuran sa marami, nagiging sanhi ng kawalan ng pananampalataya sa Diyos, ang kanilang sasabihin, asa ang Diyos?
Asan ang Diyos at bakit hindi Niya pinipigilan na itong krimen na ito?
Siguro kailangan makita natin na sa harap ng kabanalan ng Diyos, ganoon karumaldumal ang krimen, ganoon karumaldumal ang mga kasalanan. Dahil Siya ay banal, ang lahat ng kasalanan ay may ganitong kamuhian sa Kanyang pagtingin. At kaya, ang pagkakasabi nga sa Psalm 7:11 ay that He is a righteous judge; He experiences indignation every day. Ito ay Kanyang ginagawa sa buong panahon; sa harap ng lahat ng paulit-ulit na pagkakasala ng lahat ng tao, Siya ay namumuhi.
At ito ang tinutukoy ngayon pagdating sa Romans 3, sinasabi ni Pablo na habang walang pagpaparusa sa mga kasalanan, at pinalampas ng Diyos ang napakaraming kasalanan sa lumang tipan, nagmukha Siyang walang katuwiran. Pero dahil nangyari, pinangyari ng Diyos according to the hand and plan of God na si Kristo ay namatay sa krus— inako ang kasalanan at tayo na mga mananampalataya ay nakakaunawa ng kahulugan nito—na ang ating Panginoon na matuwid ay inako ang kasalanan nating lahat na mga sumasampalataya sa Kanya. At sa Kanyang pag-ako ng kasalanan, at sa Kanyang kamatayan, ay kinuha Niya ang parusa na para dapat sa atin.
At dito nakatagpo ng satisfaction ang poot ng Diyos, ang hustisya ng Diyos. Dito natin nakita ang katuparan na ang Diyos nga ay matuwid, at ito ay nagpapakita ng Kanyang kaligtasan, at ito ang nagsimula ng tunay na pagpuksa ng ating mga kaaway. Sa kamatayan ni Kristo ay nawalan ng bisa ang kasalanan, ang ating pinakakaaway, na masasabi natin, it has afflicted us from our youth. Ang lahat ng ating mga kasalanan ay talagang gumuguhit sa ating likod at talagang inaapi tayo at dinadala tayo sa pagkaalipin na tayo ay dalhin sa kapahamakan. Ngunit sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo at pagkakaroon ng pananampalataya sa Kanyang pag-ibig, tayo ay nailigtas mula sa pagkakaaliping ito, at ating mas tunay na masasabi itong sinasabi sa Psalm 129: They have not prevailed against us. The Lord has cut off the cords of the wicked.
Kung tayo ay nahihirapan na maunawaan ano ang merong kagalakan para sa atin sa katuwiran ng Diyos, ibaling natin ang ating tingin doon sa krus, sa kamatayan ni Kristo. At doon nga natin makikita, sabi ni Pablo, This is where God shows His righteousness. Kung ito ay may halong mensahe sa atin na hindi entirely joyful, or at least not pleasant, dahil ito ay isang paalala sa buong mundo na ang Diyos nga ay makatuwiran, na hindi palalampasin ang kasalanan. Kaya’t maging ang Kanyang bugtong na Anak ay kailangang mamatay dahil hindi Niya palalampasin ang kasalanan.
So ito ang magiging mensahe nito sa tao: na kailangan niyang magsisi. Kailangang harapin ang kanyang kasalanan. At kung siya ay haharap sa Diyos dala ang kanyang kasalanan, ay hindi nga siya makatatayo. Kaya’t merong mensahe ang katuwiran ng Diyos na hindi nakalulugod sa ating puso bilang mga makasalanan. Ngunit kung tayo ay mabigyan ng pananampalataya at pag-unawa na sa katuwiran ng Diyos na pinarusahan si Kristo, dito tayo makakatagpo ng kaligtasan. Ito nga ay ating magiging kagalakan.
Kaya nga doon sa pagtuturo na aking sinummarize ay nilinaw ko: ang katuwiran ng Diyos na kagalakan ng mananampalataya ay hindi ito magiging kagalakan ng mga hindi mananampalataya. Ang katuwiran ng Diyos ay bad news para sa mga hindi mananampalataya. Pero sa atin ngayon na sumampalataya kay Kristo, at nakita dito ang katuwiran ng Diyos, nakita dito ang pagpaparusa sa kasalanan, ito’y nagbibigay sa atin ng kagalakan. At tayo’y makakaawit at makakapuri sa Diyos, The Lord is righteous. He has indeed cut the cords of the wicked through the death of our Lord Jesus Christ.
[Closing Prayer]
This transcript was created using AI tools. Please report issues or corrections to webadmin@rgbc1689.org.