Sa Aklat ng mga Awit, ang aking mensahe sa umagang ito ay pagpapatuloy ng ating pag-aaral ng aklat na ito.
Sa umagang ito tayo ay nasa Kabanatang isang daan tatlumpu’t tatlo, Chapter One Hundred Thirty-Three. Kapag tayo ay sasamba, inaalala natin ang ating mga pagpapalang tinanggap. Higit na sa lahat ay ’yung pagpapalang ng kaligtasan. At maaaring alalahanin din natin ’yung mga iba pa nating pagpapalang tinanggap mula sa Diyos sa Kanyang pag-iingat ng ating buong buhay. At sa pag-aalaala ng mga pagpapalang ito ay nagkakaroon tayo ng panibagong pasasalamat sa Diyos kaya sa ating pagharap sa Kanya sa ating pagtitipon ay merong kagalakan sa ating puso at ang ating pagpupuri ay nagmumula sa puso ng nagpapasalamat sa Kanyang mga pagpapala.
Marami nga tayong maaaring alalahaning mga pagpapala, at sa awit na ito na isa sa mga awit ng pag-akyat ay nagtuturo si David ng isang pagpapala na maaaring hindi natin pinapansin o hindi natin nakikilala na isang dakilang pagpapala na maaari ding magtaas sa ating mga puso na tayo ay magpasalamat at magpuri sa Kanya. Ito ay ang pagpapala ng pagkakaisa ng mga magkakapatid. Ito nga ang ating tunghayan sa kabanatang ito.
[Scripture Reading & Opening Prayer]
Ang awit nga na ito ay isa doon sa mga awit ng pag-akyat. Isa na ito sa mga… ito na ’yung second to the last. Ang huling awit ay 134; ’yun ang huling itinuturing na Song of Ascents. Nagsimula ito sa Psalm 120 at ang lupon ng mga awit na ito ay mga awit na pinagsama-sama para sa okasyon ng pag-akyat ng mga Hudyo para sa pista na ginagawa ng ilang beses sa isang taon. At ’yung mga Hudyo ay umaakyat sa Jerusalem para doon ay ganapin ’yung mga pista na itinakda ng Diyos na kanilang sundin.
At ang mga awit na ito ay nakadisenyo at ang tema ng mga ito ay nagtutuon sa kanilang mga puso na maihanda sila doon sa pagsambang kanilang gagawin. Kaya’t ang mga awit na ito ay nagtuturo sa kanila ng iba’t ibang mga aspeto ng pagsamba sa Diyos at iba’t ibang mga pagpapala ng Diyos para sila ay magkaroon ng pasasalamat sa Diyos sa kanilang pagharap sa Kanya. At dito nga sa awit na ito, ang itinuturong pagpapala at iminungkahing pagpapala ni David na pagnilay-nilayan ng Bayan ng Israel sa kanilang pagsamba ay ang pagpapala ng pagkakaisa.
Naituturing ba natin ang pagkakaisa na isang pagpapala? Siguro naman kapag nakakita tayo ng isang bagong convert o naging kaisa natin ang isang dating makasalanan at siya’y nagkaroon ng pananampalataya ay nakikita natin ’yon, isa nga itong pagkilos ng Diyos. Kung makita natin ang mga magkakapatid sa pananampalataya ay merong pag-iibigan sa isa’t isa, kaya natin ngang kilalanin ito na ito’y pagpapala ng Diyos. Pero marahil nga ay hindi natin ito nakikita na isang pagpapala na magtataas sa ating puso sa pagsamba.
Kapag tayo ay sasamba sa Diyos kung araw ng Linggo at gusto natin na meron tayong sigla sa ating pagsamba ay siguro gawain na nga natin na alalahanin ang kabutihan ng Diyos sa atin. At alalahanin natin ’yung pagliligtas sa atin, ’yung pag-iingat sa atin noong nakaraang linggo. Pero malamang sa marami sa atin ay hindi sasagi sa ating isip na isama na sa mga pagpapalang ipagpapasalamat natin ay itong pagkakaisa ng mga kapatiran. Hindi sasagi sa ating isip na itong pagpapala na tayo ay nagkakaisa ay isang sadyang napakadakilang pagpapala na tayo ay maitataas sa pagsamba.
Minsan, ang isang mananampalataya ay natatagpuan ang kanyang sarili na ang kanyang puso ay walang gana na dumalo sa pagsamba. O siguro nanghihina ang kanyang pananampalataya, mayroon siyang pinagdadaanan. O minsan lang talaga, kahit na wala naman siyang pinagdadaanan, ganito lang talaga tayo; ang ating puso, minsan, ay kailangan mong kaladkarin para sa pagsamba. Pero ang kinakalabasan kapag ganoon ay madalas ang naiisip na gawin ay, “Hindi na lang kaya muna ako pupunta doon sa iglesia? Baka mas magandang magkulong muna ako, alalahanin ko muna ang kabutihan ng Diyos sa akin, nang sarili ko. Baka magandang mag-retreat muna ako mag-isa para mabuhayan naman ang aking puso, at ’yung aking pagpunta sa iglesia ay mas maging bukal sa aking damdamin.”
Pero para bang ang sinasabi ngayon dito ng awit ni David ay mas maganda kung kaladkarin mo na nga lang ang iyong sarili na pumunta ka doon sa pagtitipon, at kapag nakita mo ’yung pagkakaisa ng mga kapatid, ng mga mananampalataya na sumasamba sa Diyos, baka ’yon pa ang gumising sa iyong puso na: “Oo nga, ang Diyos ay karapat-dapat naming sambahin dahil isang napakadakilang pagkilos ang ginawa Niya para itong mga taong ito ay magkaisa.”
At kaya, mainam na para sa atin, maunawaan nga kung paano ang pagkakaisa ay isang napakadakilang pagpapala. Ito ang naunawaan ni David, kaya nga sinasabi niya, “Behold, tignan ninyo itong pagkakaisa ng mga magkakapatid.” Kapag iyong naunawaan ang kahulugan nito, anong dakilang pagpapala ito, maidadala ka sa dakilang pagpupuri at pagsamba sa iyong Panginoon. Kaya ito ang tignan mo at unawain: “How good and pleasant it is when brothers dwell in unity.”
Ito nga, unity ay isang pagpapala na nakapagpapaalab ng ating pagsamba sa Panginoon. At kailangan lamang na, tulad ni David, magkaroon tayo ng pag-unawa: gaano nga ba kadakila? Why is this a good and pleasant thing? Bakit ito kamangha-mangha at paano tayo magkakaroon ng ganitong pag-unawa tulad ni David?
Dito sa awit, para maihatid sa bayan ng Israel at maging sa atin na mga mananampalataya sa Bagong Tipan kung ano ang kadakilaan ng pagkakaisa, ay gagamit si David ng dalawang paghahambing. Hinambing niya ang pagkakaisa sa “precious oil on the head,” isang mahalagang langis; at ’yung pangalawa ay sa “the dew of Hermon,” sa hamog. Mapapansin natin, pareho silang liquid, at ’yung imaheng ginamit ay siguro pareho sa ating hindi pamilyar. Sa panahon ng mga Hudyo, ito ay isang familiar image sa kanila kaya’t ito’y mauunawaan nila kung ano ang tinutukoy ni David.
Kaya atin ngayong tingnan: ano ba ang ibig sabihin nitong kanyang paghahambing?
Sa paghahambing na ito mauunawaan natin ano ang kadakilaan ng pagpapala ng pagkakaisa, ano ang kamangha-mangha na nagkakaisa ang mga magkakapatid. Paano ito naging good and pleasant? Unahin natin ’yung kanyang unang paghahambing na ginawa. Ito ay hinambing niya sa precious oil. At sabi niya sa verse 2, ’yung pagiging good and pleasant of the brothers dwelling in unity ay katulad nitong mahalagang langis: “It is like the precious oil on the head, running down on the beard, on the beard of Aaron, running down on the collar of his robes.”
Sa panahon ng kanilang kultura, ’yung pagbubuhos ng langis sa tao ay ginagawa minsan pati sa bisita, bilang kaaliwan sa mga bumiyahin ng malayo. Bilang kaaliwan sa kanila ay bibigyan sila ng langis upang i-refresh sila. At maliban doon, ang pagbuhos ng langis, siyempre, ang kahulugan nito na makikita natin sa Biblia ay ang anointing—na doon sa hari, ’yung hari ay binubuhusan ng langis para kilalanin na ito ’yung pinili ng Diyos para maging hari sa inyo. ’Yun ’yung kanilang ritual na ginagawa.
Pero ang particular na tinutukoy ni David para sa kanyang paghahambing ay ’yung langis na ibinuhos kay Aaron. Sinasabi niya na ’yung pagkakaisa ng mga magkakapatid, kung bakit niya ito nakitang good and pleasant, ay dahil may nakita siyang pagkakapareho nito doon sa langis na ibinuhos sa ulo ni Aaron. At sa Leviticus 8 makikita natin na doon ginawa ’yung pag-anoint kay Aaron bilang pari ng Israel. At ’yung ritual na ginawa ay nasa Exodus 29 kung saan may ibinigay na formula ng special na oil na kailangan nilang gawin. ’Yung oil na iyon ay mostly olive oil tapos lalagyan ng iba’t ibang spices—may cinnamon na marami, at iba-iba pa. Kaya ito ay nagiging isang mabangong oil. So it is precious oil.
At sa maraming mga ritual na makikita natin when it comes to something na may liquid—halimbawa ’yung dugo, alam natin na maraming ritual sa Lumang Tipan na gumagamit ng dugo o ng tubig—minsan ang gagawin lamang ay iwiwisik. Pero ’yung ginawa kay Aaron ay ibinuhos sa kanyang ulo. ’Yung eksena na iyon ang inaalala ni David. At itong eksena na ito, hindi naman nasaksihan ito ni David at ng iba pang mga Hudyo; maraming henerasyon ang nagdaan bago naging kagawian ng mga Hudyo na umakyat sa Jerusalem para umawit at awitin ang awit na ito. At ang tradisyon na naging gawain nila na ganito magtalaga ng pari sa lahat ng mga sumunod kay Aaron—ganito din ang gagawin.
Sa kanilang pag-unawa, ’yung pagbubuhos ng langis doon sa magiging pari sa kanila ay ginagamit ito ni David na kanyang comparison kung bakit good and pleasant ’yung unity. At particular na tinutukoy niya ’yung makita ’yung mukha noong napiling pari na may tumutulong langis sa kanyang ulo.
Siguro sa atin, dahil hindi tayo pamilyar doon sa ritual na ’yon, ay hindi natin maisip paano ito naisip ni David bilang isang example ng something good and pleasant. Bakit ito ang kinumpara niya na maganda? Kung makakita ka ng isang nasa harapan na pari, parang awkward na binuhusan siya ng langis, tapos tumutulo ’yung langis sa kanyang damit. Parang hindi ka naman ginaganahan na makakita ng taong gano’n, ay gaganahan ka biglang sumamba. It’s not a worshipful thing.
Pero ito nga ay hindi ’yung sensation na makakita ka ng isang taong tumutulo ’yung langis sa kanyang ulo; hindi ’yon ang kanyang tinuturing na pleasant. Ang good and pleasant dito ay ’yung kahulugan na makakita ng isang taong itinalaga ng Diyos para maging pari. Nagiging good and pleasant sa Bayan ng Israel na merong sa kanilang harapan ay itinalaga ng Diyos na maging pari dahil ang pagtawag sa isang pari ay nagbibigay sa kanila ng pag-asa at kagalakan na silang mga makasalanan ay sinasamahan pa rin ng Diyos.
Ito nga ang kanilang dahil doon sa eksena na makikita natin sa Exodus, noong nagsalita ang Diyos at sila’y natakot doon sa thunder and lightning na nakita nila sa may bundok ay gusto nila na may mamagitan sa Diyos. Ayaw nilang humarap sa Diyos diretsyo dahil nakita nila: kami mga makasalanan, hindi kami maaaring lumapit sa Kanya. So ’yung pagkakaroon ng mamamagitan—at doon ay ang isang propeta. Ang mga namamagitan sa Lumang Tipan ay ’yung propeta, ’yung pari, at ’yung hari. Ito ’yung mga namamagitan sa Diyos at sa tao.
’Yung propeta, ’yung magdadala ng salita ng Diyos sa kanila; imbis na ang Diyos ang mismong kumausap sa kanila dahil sila’y natatakot sa kabanalan ng Diyos, ay gusto nila merong ibang mamagitan. At imbis na sila ang lumapit sa Diyos at sila ’yung maghandog sa Diyos, merong pari na mamamagitan para sa kanila.
Noong nangyari na si Aaron ay binuhusan ng langis, at sa lahat ng mga pagkakataon na merong mga pari na kinilala sa Bayan ng Israel, ay nagkakaroon sila ng assurance mula sa Diyos na: “Sinasamahan pa rin kayo. Meron pa ring tagapamagitan. Meron pa ring daan para kayo ay sumamba sa Akin. Tatanggapin Ko pa rin kayo sa kabila ng inyong paulit-ulit na pagsaway; hindi Ko pa rin kayo iniiwan.”
Kaya itong pagkakaroon noong eksena na makakita ng isang pari na binuhusan ng langis ay isang patotoo sa kanila ng Diyos na Siya ay kapiling pa rin nila; nandun pa rin ang Kanyang presensya; nananatili sa kanilang kalagitnaan at Siya ay magpapala, magbibigay ng paggabay, at pagpapatawad, paglilinis ng kanilang kasalanan.
Siguro alam natin ’yung Aaronic Blessing—“The Lord bless you and keep you, the Lord make His face to shine upon you.” Ito’y mababasa natin sa Numbers 6, at ito’y sinabi ng Diyos kay Moises na ituro kay Aaron. Sinabi ng Diyos kay Moises: sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ganito siya magbibigay ng pagpapala. At ang kanyang itinuro na kailangan daw pag magpapala ay sasabihin, “He make His face shine upon you.” Ibig sabihin, ang Diyos ay nakatingin sa iyo; hindi ka Niya kinalimutan; hindi ka Niya tinalikuran. So, “He make His face shine upon you.”
At maaaring kaya ang anointing of a priest ay bubuhusan siya ng langis sa ulo ay visually makikita mong nagniningning ang kanyang muka. “He make His face to shine upon you.” Maaaring iyon; hindi ito something na explicitly sinabi, pero maaaring nagpapakita ang Diyos ng isang picture ng Kanyang pagpapala sa bayan—na nandun pa rin Siya at nakatingin pa rin at hindi kayo tinatalikuran.
Sa panahon natin ngayon ay hindi na nga tayo… hindi na nagpatuloy itong gawain na kumilala ng pari, at di tayo naniniwala na kailangan pa rin ng pari. Tayo’y naniniwala in the priesthood of all believers. Pero ang katuparan nitong pagkakaroon ng pari ay makikita na natin kay Hesukristo. Kaya kung hindi pa rin natin maunawaan kung anong kagalakan ang meron doon sa ritual na merong taong binuhusan ng langis sa lahi ni Aaron, at siya ngayon ay isang patunay ng Diyos sa presensya—na nananatili ang Kanyang presensya at na Siya’y patuloy na nagpapala sa atin—ay isipin natin na iyong katuparan ng ritual na ito at ’yung katuparan ng opisina ng pari ay nangyari kay Hesukristo.
At maaaring alalahanin natin noong si Cristo ay binautismuhan, noong Siya ay lumapit kay Juan para Siya ay bautismuhan. Una ay dineklara ni Juan—sinabi ito sa aklat ni Juan (hindi si John the Baptist ang Juan na iyon)—na kinilala Siya ni John the Baptist: “Behold, the Lamb of God who takes away the sins of the world.” So ito ang unang pagkilala kay Jesus bilang ’yung Lamb of God na mag-aalis ng kasalanan.
At noong Siya ay binautismuhan, sabi niya, bumukas ang langit, at in the form of a dove the Holy Spirit came to Him. At ito nga ang mismong espirituwal na kahulugan na naisisimbolo doon sa ritual ng anointing: na ang Espiritu ng Diyos ay nasa iyo. Noong nangyari sa bautismo ni Kristo, bumaba ang Espiritu in the form of a dove at dumapo sa Kanya, at lalo na dahil ang Diyos Ama mismo ay nagsalita mula sa langit at dineklara: “This is My Son, with whom I am well pleased.”
Ang deklarasyong ito ay inulit ng Panginoon doon sa Mount of Transfiguration, at Kanya pang dinagdag: “This is My Son, with whom I am well pleased. Listen to Him. Sa Kanya kayo ngayon makikinig.” Sa nangyaring ito ay nagkaroon ng katuparan ’yung ibig sabihin ng linya ng mga pari kay Aaron. At si Jesus, noong Siya ay inilubog sa tubig ng bautismo at bumangon, tulad noong nangyari kay Aaron na may tumutulong liquid mula sa kanyang ulo, eto ngayon si Jesus ay basa. At siguro ay hindi iyon isang good and pleasant sensation na lumubog Siya sa tubig ng Hordan at noong Siya ay bumangon; pero ang ibig sabihin nito na makita Siya na Siya ay binautismuhan at kinilala mula sa langit bilang Tagapagligtas at Anak ng Diyos Ama na magdadala ng kaligtasan sa buong mundo, ay ito ang ikinagagalak ng lahat ng mananampalataya na nakasaksi nito.
Kung ating tingnan ito with our eyes of faith, na makilala natin si Kristo sa Kanyang pagkakatawag at pagkakakilala bilang pari, ito ay isang kagalakan sa atin. So ito na ang nauunawaan natin kung bakit naisip ni David ’yung oil bilang isang good and pleasant thing.
Pero ang isa sigurong mas mahirap unawain ay paano niya nakita at paano niya nakonekta na ’yung pagkakaisa ng magkakapatid ay kahalintulad ng pagkakaroon ng isang pari sa inyong kalagitnaan. Paanong kapareho na kapag nakita mo ang pagkakaisa ng magkakapatid ay iyong kagalakan na maramdaman mo ay kapareho ng pagmasdan mo ’yung tumutulong langis sa ulo ni Aaron? Anong kinalaman noon?
Makikita natin na kung ating maunawaan—kapag nakikita natin ’yung pagpapala—kapareho ang mensaheng naidadala sa atin: na ang Diyos ay kasama natin; ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa ating kalagitnaan; hindi Niya tayo iniwan; at Siya ay nagbibigay pa ng pagpapala sa atin. Sa Kanyang biyaya ay may pagpapatawad Siya sa atin, at Siya ay kumikilos sa atin upang ang mga taong makasalanan ay magpatawaran at magkaisa.
Sa salita ni Pablo kay Tito sa Kabanatang 3, talatang 3, may paglalarawan siya sa mga mananampalataya bago sila ma-convert: na tayo daw lahat, ang ating likas ay na tayo ay “hating one another.” Ito ang ating kalikasan—na sa ating puso, kung tayo ay nasa ating laman at walang biyaya ng Diyos, ang ating ginagawa ay we hate one another.
At dito natin makikita na kung makakita ka ngayon ng mga mananampalataya, ng mga makasalanan na ibinago lamang ng Diyos, at makita mo ng kahit kaunting pagkakaisa—sila’y nagkakaisa sa pagsamba, sila’y nagkakaisa sa kanilang pananampalataya, sila’y nagkakaisa sa kanilang pag-aawitan, sa pananalangin para sa isa’t isa—at makakita ka ng pagpatawaran, ng pag-iibigan sa mga magkakapatid sa iglesia, ay nakita mo na itong mga taong ito ay kinilusan nga ng Diyos.
Kaya’t nandoon ’yung pagkahalintulad: tulad ng kapag nakita mo ang langis na tumutulo mula sa ulo ni Aaron—ito’y patunay na nandiyan ang Diyos sa inyong kalagitnaan, na Siya’y kumikilos at merong biyayang pagpapatawad—ganun din kapag nakita mo ang pagkakaisa ng iglesia, ay isa rin itong patunay sa iyo na may pagpapala ang Diyos.
Ito nga ang sinasabi sa 1 John chapter 4. Sinasabi doon na kapag makita mo ang mga nag-iibigan, makakatiyak ka na ito’y nagmula sa Diyos. Sabi sa 1 John 4:7: “Beloved, let us love one another, for love is from God, and whoever loves has been born of God and knows God. Anyone who does not love does not know God, because God is love.” At sabi niya sa verse 19: “We love because He first loved us.”
So kung makakita ka ng iglesia na ang mga mananampalataya doon ay nagkakaisa, nagtutulungan, nag-iibigan, nagpapatawaran ng kanilang mga kasalanan, ng kanilang mga pagkakaiba sa isa’t isa, at bagamat sila ay maraming pagkakaiba pero sila ay nagsasama-samang sumampalataya sa isang Panginoon at sumamba sa isang Diyos, ito ay isang patunay na nandun nga ang Diyos sa kanilang kalagitnaan. Dahil sila ay may pag-ibig, ikaw ay makakatiyak na ito ay mula sa Diyos, dahil ang pag-ibig ay nagmumula lamang sa Diyos. Kaya tulad ng langis na tumutulo sa ulo ni Aaron, ang pag-ibig ng mga magkakapatid sa isa’t isa ay isa ring patunay na ang Diyos ay nasa kanilang kalagitnaan.
Hindi na lalayo diyan ang kahulugan noong isa pa niyang pagkahalintulad, doon sa “dew of Hermon”—’yung hamog. Sabi niya sa talatang tatlo: “It is like the dew of Hermon which falls on the mountains of Zion.” Ang Hermon ay isa ding bundok na medyo malayo, in the north of Zion. At ito ay kilala sa kanila; alam nilang lahat na ito ay isang lush mountain—ibig sabihin, mas may greenery. Mas tinutubuan ng maraming halaman, lalo na kumpara sa Zion na described as parang isang disyerto, medyo tuyot.
Kaya’t ang Hermon ay isang bundok na nandoon ’yung vegetation. At ang nangyayari ay makikita ito na minsan may snow, o nandoon kung saan nanggagaling ang precipitation at ito ang nagbibigay ng buhay doon sa lugar. At actually, sinasabi na “the dew of Hermon falling on the mountains of Zion”—sabi ng mga scholar—ay hindi talaga nangyayari. Hindi naman nangyayari na ang dew of Hermon ay napupunta doon sa mountains of Zion. Pero ito ay kathang-isip ni David bilang manunulat ng awit na ito, at ini-imagine niya na ’yung precipitation na meron doon sa Hermon ay dumadaloy patungo sa Zion.
At gusto niyang gawing larawan na ’yung nakikita mong mayamang pagpapala doon sa mas mataas na bundok na iyon ay napupunta din doon sa atin. Iyon ’yung nangyayari kapag nakita mo ’yung pagkakaisa ng mga magkakapatid: para bang nagkaroon ng buhay doon sa tuyot na bundok ng Zion kumpara doon sa bundok ng Hermon. So iyon ’yung tinutukoy niya na katulad daw iyon ng dew of Hermon. ’Yung pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga magkakapatid ay parang nabibigyang-buhay ang bundok ng Zion, dahil ’yung dew na nabubuo doon sa Hermon ay nagbibigay ng mayamang vegetation doon. Para bang ang mga taong dumumog doon sa Zion, sila ngayon ’yung nagbigay ng buhay doon sa Zion—sila ang dew na kanyang tinuturing.
At ’yung pag-iibigan nitong mga magkakapatid, kanilang pagkakaisa na sumamba sa Yahweh para sa mga pista na kanilang ginaganap, ay sa pag-iimagine ni David ay isang pagkakaroon ng panibagong buhay doon sa lugar na sa karaniwan ay walang tao at minsan ay tuyot. Kaya itong gustong iparating ay ganoon ang dating sa kanya ng makakita ng nagkakaisang bayan ng Israel—ito ay nagkakaroon ng buhay.
Sa ating karanasan, siguro ay nakasakay na kayo ng jeep. At sa jeep ay maaaring masabi na tayo ay nagkakaisa in one sense—tayo ay nagsasama-sama, mayroon tayong isang direksyong pinatutunguhan. At doon ba sa jeep, ang kultura ng mga Pilipino ay magtulungan sa pagpapasa ng bayad. Maaaring masabi na itong mga taong ito ay nagkakasundo sa kung saan sila pupunta, at maging sa kultura ng pagtutulungan meron silang some kind of unity. Pero besides that, ’yung mga taong nasa jeep ay walang pag-iibigan sa isa’t isa. Hindi sila nagpapansinan; at parang in general, hindi man lang at all nakangiti ang mga tao sa isa’t isa. At kapag merong isang nakangiti sa jeep, baka isipin natin na siya ay isang weirdo. Hindi pleasant na makita ang pagkakaisa ng mga strangers sa jeep.
Pero kapag ang sumakay sa jeep na inarkila ay isang church na mag-a-outing, o mga iba pang merong pag-iibigan at pagkakilala sa isa’t isa, itong biyahe na ito ay nakangiti ang mga tao sa isa’t isa, siguro maingay, may buhay. ’Yung jeep na usually kapag strangers ang magkakasama ay hindi mo makikitaan ng kasiglahan.
Ganito ang gustong ilarawan ni David: na kapag nakakita ka ng nagkakaisang mga magkakapatid, nagkakaroon ng buhay doon sa lugar; nagkakaroon ng sigla. Kaya niya inihalintulad ang pagdumog ng mga tao doon sa bundok ng Zion sa dew of Hermon, dahil ito’y nagbigay ng buhay.
At maaaring maiugnay pa natin ito lalo na sa biblical language na madalas gamitin ang dew o hamog bilang imahe ng pagpapala. Sa Genesis 27, ginamit ito noong pinagpala ni Isaac si Jacob—“May the dew of heaven fall on you.” Iyon ang blessing na ibinigay sa kanya—na mahulog sa kanya ang hamog mula sa langit.
At sinasabi sa Isaiah 26:19, ang dew ay ginagamit bilang larawan ng presensya ng Diyos sa isang tuyot na lupa. Kapag bumaba doon ang dew of God, ito ay nagbibigay ng buhay—maging ang mga patay ay nagkakaroon ng buhay.
At makikita nga natin ang realidad nito sa isang iglesia kung saan ang mga tao ay dating patay sa kanilang kasalanan, ayon sa Ephesians chapter 2, at “hating one another,” ayon sa Titus 3:3. Pero dahil sa pagpapala ng Diyos mula sa langit ay sila ay binuhay mula sa kanilang pagiging patay, ayon sa Ephesians 2:5: “Though you were dead in trespasses and sins, God made you alive; by grace you have been saved.”
At dito sa ating pagiging buhay, na wala na sa atin ’yung likas na we hate one another kundi being united to one another in Christ, meron na nga tayong pag-ibig sa isa’t isa, pagpapatawaran ng ating mga kasalanan, at may tunay na pagmamalasakit bilang magkakapatid. At sabi sa 1 John 3:14: “We know that we have passed from death to life because we love the brothers.” So ito nga din ang dahilan kung bakit nakikita natin kung ano ’yung gustong ipakita ni David sa kanyang paghalintulad ng pagkakaisa ng magkakapatid doon sa hamog na nagbibigay-buhay sa bundok ng Hermon.
Dahil itong masaksihan mo ang pag-iibigan ng mga mananampalataya—na mga dating makasalanan at puro walang pag-ibig sa kahit kanino, pero dahil sa kanilang pananampalataya ay binago ang kanilang puso at nakatanggap sila ng biyaya ng pag-ibig ng Panginoon—meron na sila ngayong naigagawad na pag-ibig sa isa’t isa. “We know that we have passed from death to life because we love the brothers.” Kaya tulad ng makita ang dew on Zion—kapag makita mo ’yung hamog na nandoon sa bundok ng Hermon at iyong i-imagine na ito ay dumadaloy hanggang sa Zion—ito ay nagbibigay sa iyo ng sigla, ng pagkilala na ito ang pagkilos ng Diyos na nagkakaroon ng buhay sa pamamagitan ng hamog.
At ganoon din, kapag makita mo ang brothers dwelling in unity, ay nakita mo na ang Diyos ay kumilos: na itong mga patay at naggagalit sa isa’t isa sa kanilang likas na pagkatao ay binago sa kanilang puso at ngayon ay nag-iibigan. At sila ngayon ay mga tunay na anak ng Diyos na nagmamahalan.
At sabi sa 1 John 1:4, ang sinabi ni John na kanyang layunin kung bakit siya sumulat sa kanila: “We write these things to you so that you too may have fellowship with us, that our joy may be complete.” Ito ang kapuspusan ng kanilang kagalakan: na ang iba ay makasama rin sa kanilang fellowship with one another, at sila ay sama-samang may fellowship with God the Father and His Son, Jesus Christ.
And so, ’yung pagkakaisa ng magkakapatid na pinaka-nakikita natin ngayon sa iglesia, ito ay isang mayamang pagpapala ng Diyos na patunay sa atin na Siya ay kumikilos sa ating kalagitnaan. Kung makakita tayo ng any sign, any symbol of love for one another or unity with one another nitong mga mananampalatayang ito, na huwag maituwid ang ating puso na makilala na ito ay isang pagpapala: nangyari lamang ito sa pamamagitan ng pagkilos ng Diyos sa Kanyang biyaya kay Kristo. Kaya ang mga tao ay nabago sa kanilang likas na kakaaway at galit sa isa’t isa, at ngayon sila ay may pag-ibig sa isa’t isa.
Ito ngang mga awit na ito mula chapter 120 hanggang 134 ay tinawag na mga Awit ng Pag-akyat, dahil sa kanilang kaugalian—tradisyon—sila’y umaakyat doon sa bundok ng Jerusalem. Pero ang kapansin-pansin sa awit na ito, ang kanyang mga imahe ay lahat bumababa. Lahat ay galing sa taas pababa. Ngayon ang sinabi niya ay una, iyon daw unity: kapag nakakita ka ng mga brothers dwelling in unity, ito ay parang ’yung oil on the head flowing down. Ito ay dumadaloy pababa. Ngayon sinabi din niya na ito ay “like the dew of Hermon that falls on the mountains of Zion.” Ito ay nahuhulog.
At kakaiba na ganito ang kanyang naisip dahil sa mangyayaring umaakyat ang mga Hudyo—ang nakikita niya ay mga taong paakyat ng bundok. Pero naisip niya ngayon, in his poetic imagery, ay naihahambing niya ito sa mga dumadaloy pababa. At dahil nakilala niya na itong mga paakyat na Hudyo, na mula sa baba ay umaakyat para sumamba sa Panginoon, ay nakikita niya na pagpapala mula sa itaas—mula sa langit. Tulad nga ng pagkakasabi sa 1 John 4: “Because love is from God.” Ito ay pagpapala mula sa taas. Kahit makakita ka ng nagkakaisa na mga bayan, lahat sila ay umaakyat ng bundok para sumamba sa Panginoon, ito ay nagpapaalala sa iyo na lahat ng ito ay pagkilos ng Diyos mula sa itaas.
At ’yung paglalarawan na ang oil ay umaabot sa laylayan ng kanyang mga damit ay parang nagbibigay ng picture na inaabot ng unity ang lahat ng mga mananampalataya. So hindi lamang doon sa ulo—lalo na kung ituring natin na ang tinutukoy na ulo ay si Kristo—kundi ito ay dumadaloy hanggang sa lahat, hanggang maging doon sa laylayan ng Kanyang damit. Ito ay inaabot even the least of us. Iyon ’yung tinutukoy, or even—as in the words of Paul—the chief of sinners ay maaabot ng Kanyang biyaya.
Kaya’t itong larawan na makakita tayo ng pagkakaisa o ng mga magkakapatid na nagkakaisa ay dapat na nagtuturo sa atin na makita natin itong mga taong nakikita natin, nakakasama natin, hindi man sila in themselves anything amazing o nakakamangha para sa atin. Kundi na makilala natin na sa ilalim nila, sila’y inaakyat ng Diyos—na mula sa kanilang kailaliman, pagkakabaon sa kasalanan, sila’y iniahon ng Diyos mula sa langit. Ito ay isang pagtuturo sa atin kung paanong ang pagkakaisa ay isang mayamang pagpapala na dapat natin kamanghaan at pasalamatan.
Kaya’t sa ating mga mananampalataya ngayon sa Bagong Tipan, bagamat hindi na natin nakikita itong bundok ng Jerusalem, ’yung bundok ng Siyon; hindi na natin isinasagawa itong ritual na may pari na kinikilala sa pamamagitan ng pagbuhos ng langis; at hindi natin nakikita ’yung Mount Hermon—pero dapat meron tayong pagkilala at pag-appreciate sa what a great blessing it is when brothers dwell in unity. It is a good and pleasant sight first of all to God, na makita ang mga brothers dwelling in unity. At sa atin din, kung magkaroon tayo ng pag-unawa na mula sa Espiritu at makita natin kung ano ang kinulugdan ng Diyos sa brothers dwelling in unity, tayo din ay makilala how good and pleasant it is when brothers dwell in unity. Because ito’y patunay sa atin—isang pagpapaalala sa atin—kasama natin ang Diyos; binabago Niya ang puso ng mga tao; at nagdudulot ng pag-iibigan sa isa’t isa. At sa ganitong paraan, mayroon tayong karagdagang pagpapala na maipagpapasalamat at magtuturo sa atin na sambahin ang Diyos.
Kaya nawa ito ay maisama natin sa ating pag-unawa tuwing dumadalo tayo sa iglesia—na mayroon tayong nasasaksihang isang napakadakilang bagay: ang pagkakaisa ng mga makasalanan na kinikilala Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas at ibinabalik ang lahat ng kapurihan at pasasalamat sa Kanya. Isa itong hiwaga, isa itong milagro na ikinilos sa pamamagitan lamang ng Diyos, at ang lahat ng pag-ibig na makita natin ay pag-ibig mula sa langit na dapat natin ipagpasalamat sa Kanya.
[Closing Prayer]
This transcript was created using AI tools. Please report issues or corrections to webadmin@rgbc1689.org.