Tayo po ay patuloy sa ating pag-aaral ng Aklat ng mga Awit.
Natapos na natin na mapag-aralan ang lupon ng mga awit na tinatawag na Songs of Ascents o Awit ng Pag-akyat, at iyon yung mga awit mula Kabanatang 120 hanggang Psalm 134. At ngayon nga ay dadako na tayo sa Psalm 135. At ang awit na ito ay may kahabaan kaya’t sa umagang ito ang akin lamang iko-cover ay hanggang Verse 4.
[Scripture Reading & Opening Prayer]
Ang awit na ito, Psalm 135, ay pinapamagatan sa maraming manuscripts na luma, maging sa mga lumang salin, na “Hallelujah.” At iyon yung unang verse dito, “Praise the Lord.” Yung mga salin doon minsan ay “Hallelujah.” Kaya itong awit na ito ay tinatawag na “Hallelujah.” Dahil nga ang awit na ito, maliban sa iyon yung unang salita, ay makikitaan natin na meron siyang paulit-ulit na pagtawag sa pagsamba.
Sa unang tatlong talata ay may tatlong beses siyang tumawag: “Praise the Lord,” “Praise the name of the Lord,” “Give praise, O servants of the Lord.” At muli meron siyang panawagan sa Talatang 3, “Praise the Lord, for the Lord is good.” At kung pupunta kayo sa hulihan ay meron uling tatlong beses na pagtawag sa pagsamba: “O house of Israel, bless the Lord. O house of Aaron, bless the Lord. O house of Levi, bless the Lord. You who fear the Lord, bless the Lord. Blessed be the Lord from Zion, He who dwells in Jerusalem. Praise the Lord.”
Kaya nga itong awit na ito ay isang malaking panawagan na ang lahat ng tao ay sumamba sa Kanya. Mayroong pagkakamukha yung kanyang panawagan na “Praise the Lord, O servants of the Lord.” Baka maalala natin, iyon yung lengguwahe din na ginamit sa Psalm 134. At sinabi natin na sa Psalm 134 ito ay patungkol doon sa mga pari. Pero nakikita natin na mas malawak ang tinatawag sa awit na ito; tinawag ang lahat ng bayang Israel na sumamba sa Kanya. So ito ay hindi patungkol lamang sa mga pari at hindi pareho ang nais na iparating sa awit na ito. Ito ay isang panawagan sa lahat sa atin na ang mga mananampalataya, ang mga anak ng Diyos, ay magpuri sa Kanya.
At napapagitna doon sa pagtawag sa pagsamba sa una at sa huli, ang mga pinagitna dito ay mga malalalim na kataga na nagbibigay-pundasyon sa kanilang pagpupuri. Maraming ibibigay na dahilan, at makikita natin merong mga salitang “sapagkat” o “for” sa Ingles na siyang nagbibigay ng dahilan kung bakit tayo ay magpupuri. At ito ang nilalaman sa pagitan ng dalawang panawagan sa pagsamba sa simula at sa huli. Kaya dito sa buong awit na ito ang ating matututunan ay ang maraming dahilan na meron tayo upang tayo ay magbigay ng dakilang papuri sa Panginoon.
Sa umagang ito, ang aking titingnan ay itong unang binigay na dahilan para tayo ay sumamba sa Talatang 4: “For the Lord has chosen Jacob for Himself, Israel as His own possession.” So ito’y tumutukoy na ang Israel ay tinuturuan na purihin ang Diyos kapag kanilang inaalala na sila ay pinili ng Diyos mula sa pagkakapili doon sa kanilang ninunong si Jacob. Sila ngayon ay nakakatamasa ng pagpapala dahil sa pagpili ng Diyos kay Jacob.
Ito ba ay isang katotohanan na napagninilay-nilayan natin? Isang katotohanan na nag-uudyok sa atin na magpuri sa Panginoon? Kapag tayo ay magpupuri sa Kanya, kasama ba ito sa ating mga naiisip na magningas sa ating pagpupuri sa Kanya? Sa pagbibigay sa atin ng awit na ito ng Banal na Espiritu ay sinasabi sa atin ng Banal na Espiritu mismo na ito ngang pagpili ng Diyos kay Jacob ay maging dahilan ng lahat ng mananampalataya na magpuri sa Kanya.
Kaya ito nga sa umagang ito ang ating pagninilay-nilayan: bakit dahilan ng pagpupuri ng mananampalataya ang pagpili ng Diyos kay Jacob? Ano ang meron doon sa katotohanan na iyon, na ang Diyos, ang Panginoon, ay pinili si Jacob? Kaya tayo ngayon ay magbibigay ng papuri sa Kanya.
Una, tingnan natin bakit ba ito naging dahilan ng pagpupuri para sa mga Hudyo. Ang mga Hudyo ang unang umawit ng awit na ito at sila, sa konteksto nila, ito kinatha. Kaya kung ating uunawain nang tama ang mga salitang ito ay dapat nating tingnan sa orihinal na konteksto: bakit ang mga Hudyo ay tinuturuan na magpuri sa Panginoon sa pag-alala na sila ay pinagpapala mula sa pagpili kay Jacob?
Una nga ay dahil para sa mga Hudyo, ito ang pinakasanhi ng kanilang pagpapala. Lahat ng kanilang tinatamasa bilang bayan ng Israel—ang kanilang espesyal na natatanggap mula sa Panginoon na sila ay sinasamahan at iniingatan mula sa kanilang mga kalaban o mga ibang bayan na nais sumakop sa kanila o magdala ng maling turo at pagsamba sa diyus-diyosan—yung pinagmulan ng lahat ng mabuting tinatanggap nila mula sa Panginoon ay dahil pinili ng Diyos si Jacob.
Kung titignan natin ang salaysay mula sa Genesis na ating binabasa sa Scripture Reading tuwing umaga, mapapansin natin na sa simula ay merong masasabi nating mga “main character”—mga pangunahing tauhan na isahan—na nakikilala: sina Noah, Abraham, Isaac, at Jacob. At kinikilala ang bawat isang tao. Pero pagdating pagkatapos ng buhay ni Jacob at dadating tayo sa Exodus, ang main character doon ay si Moises. Pero yung bayan ng Israel ay napakarami na nila at hindi natin alam ang pangalan ng marami sa kanila. Meron tayong makikitang mga tala pero hindi nagbibigay ng detalye sa kanilang mga buhay.
Pero alam natin na yung buong bayan ng Israel ay nakakatamasa ng pagpapala, mayamang pag-ibig mula sa Diyos, at sila ay espesyal para sa Diyos. Itong buong bayan ng Israel ay merong tinatanggap na espesyal na pag-iingat mula kay Yahweh. At ang lahat ng ito ay makikita nating nakaugat dahil sila ay naaambunan o nabubuhusan ng pagpapala na nagsimula pa kay Jacob.
Maging kapag binasa natin sa Exodus ay magbabalik ang Diyos sa kanila habang sila ay inalipin ng Ehipto at ang sasabihin ay, “I remember My covenant with your fathers.” So ang pagdating sa kanila at ang pag-aalaga sa kanila ng Diyos ay nakatali doon sa tipan ng Diyos sa kanilang ama.
So kaya itong mga bayan ng Israel ngayon ay meron nga pa sa salamat at kinikilala nila itong aming ngayong tinatamasang kasaganahan ay nagmumula lamang sa pagpili ng Diyos sa aming ninuno.
So kaya ang unang dahilan ng kanilang pasasalamat, bakit kapuri-puri sa kanila ang Panginoon na pinili ng Diyos si Jacob, ay dahil nga sila bilang bayan ay nakatamasa ng espesyal na pabor mula sa Panginoon dahil pinili ng Diyos si Jacob.
Kaya nga ito ay nakatali, ganun nilang kinokonekta: “For the Lord has chosen Jacob for Himself, Israel as His own possession.”
Ito namang pangalang Jacob ay mas madalas na tinutukoy yung tao na si Jacob mismo, pero minsan din ang bayan ng Israel ay tinatawag na Jacob. At mas madalas, pag sila ay tinutukoy bilang isang bayan, tinatawag silang Israel, yung naging pangalan din ni Jacob. Pero minsan sila ay tinatawag din sa pangalang Jacob dahil nga si Jacob ang kanilang ninuno.
In any case, sa kanila ang ibig sabihin nito at kaya nila ay kinagagalak na pinili ng Panginoon si Jacob ay dahil nga si Jacob ay kanilang ninuno, at dahil sa pagkakapili ng kanilang ninuno sila ay pinagpala. Isang napakasimpleng dahilan at madaling maunawaan: kaya kami ngayon masaya, kaya kami ngayon masagana, ay dahil pinili ng Diyos na pagpalain ang aming ninuno.
Pero ang isang hinahighlight sa kanilang pagpuri sa Panginoon na sila ay pinagpala ng Diyos sa pamamagitan ng pagpili kay Jacob ay ang biyaya na kanilang tinatamasa ay mula lamang sa awa ng Diyos, sa Kanyang biyaya, at hindi sa kahit anong kanilang kabutihan. At yun yung nahihighlight doon sa kanilang pagkilala na kami ngayon na espesyal na bayan ng Diyos sa buong mundo, kami ngayon ay espesyal hindi dahil sa kahit ano sa amin kundi dahil lamang pinili ng Diyos ang aming ninuno na si Jacob. Yun yung nalalaman sa kanilang pagpupuri na, “Praise the Lord, for the Lord has chosen Jacob for Himself.”
Si Jacob, sa ating pagbabasa sa Scripture reading, mapapansin natin ang kanyang buhay ay almost never an exemplary story. At actually, mako-contrast natin siya sa lahat nga ng ibang mga karakter na nababasa natin sa Biblia. Yung iba ay marami ding mga kamalian sa kanilang buhay. At ito nga ay paalala sa atin na yung mga nababasa nating Bible characters ay never meant to be yung gold standard na yun yung ating susundin o yun yung ating mga gagawin, dahil talagang nililinaw sa atin na sila’y mga makasalanan at ang pinakadapat nating ginagaya sa kanila ay ang kanilang pagkapit sa awa ng Panginoon na Siya ay sundin.
So, ito ay sa pangkalahatan sa mga karakter sa Biblia: hindi sila talaga binibigay sa atin necessarily as perfect examples. Meron lang iisang ganun at yun ay walang iba kundi si Hesukristo. Pero sa Lumang Tipan at sa maraming mga karakter na ating nakikita, yung marami sa kanila ay meron din mga good qualities at minsan tinuturo talaga sa atin ito na dapat nating gayahin.
Tulad ng ama ni Jacob, lolo niya, si Abraham. Si Abraham ay alam natin na meron din siyang mga questionable na ginawa sa kanyang buhay pero merong mga kino-comment sa kanya tulad ng kanyang pananampalataya. Si Joseph, ang anak ni Jacob, ay binibigay din sa atin na isang example of integrity. So, makikita natin na sa iba, marami sa mga karakter sa Old Testament ay tinuturo sila bilang mga examples na dapat sundin.
Pero kung mapapansin natin si Jacob, ang highlight ng lahat ng buhay niya, ang karamihan doon o halos lahat nga talaga ay ang kanyang kapalpakan. At ang pinaka binibigyan-diin sa kanyang buhay ay yung mga maling ginawa niya, at maging yung mga highlight na nagpakita ang Diyos sa kanya ay dumating ang mga iyon na pinagpala siya ng Diyos. Hindi na nakita natin si Jacob na nagkaroon siya ng desperate moment at tumawag siya sa Panginoon at kaya dahil sa kanyang pananalangin ay nagpakita ang Diyos sa kanya. Walang ganun.
Ang makikita natin: kaya nagpakita ang Diyos sa kanya, siya ay natatakot dahil siya ay nagkasala, kaya siya ay tumakbo. At hindi at all na siya ay naghahanap sa Panginoon; siya ay nilapitan ng Diyos ng kusa. At hanggang sa maraming beses na babanggitin siya sa pagtuturo ay laging ito ang tinuturo: na ang pagpili kay Jacob ay hindi sa kahit anong kabutihan tungkol sa kanya, kundi na pinili lamang siya sa mayamang biyaya ng Diyos.
Kaya sa kanila na inaalala na si Jacob ang kanilang ninuno at na iyon ang dahilan ng lahat ng kanilang pagpapala, itong mga Hudyo ay inaalala: itong lahat ng aming pabor na natatanggap mula sa Panginoon ay hindi mula sa kahit anong kabutihan na meron kami. Iyon nga ay nakilala nilang hindi dahil sa kanila mismo na sila ay pinagpapala.
Sa Deuteronomy 9:6–7, ito’y diretso’ng sinasabi sa kanila ng Panginoon na kailanman huwag nilang isipin na sila ang dahilan na sila ay pinili. Ngayon, pagdating n’yo dyan sa Promised Land at magkakaroon kayo ng kasaganahan, huwag n’yong iisipin na iyan ay dahil sa inyong sariling kabutihan. “Know, therefore, it is not of your righteousness that I chose you, for you are a stubborn people.” So, ito’y dinidiin talaga sa kanila na iyong pagpili sa kanila ay hindi dahil sa kanila mismo.
So, maging dito sa Psalm 135:4, sa kanilang pagpupuri sa Panginoon, ay hindi nila ibabanggitin na kaya sila pinagpapala ay dahil kami ay tapat sa pagsamba sa Panginoon, kundi, “He chose Jacob for Himself.” So una, tine-trace nila ito kay Jacob, hindi sa kanila, kundi doon sa kanilang ninuno na mapalad lamang sila na iyong ninuno nila ay napili at ngayon sila ay nabubuhusan ng pagpapala kahit sila ngayon ay “a stubborn people who have provoked the Lord their God in the wilderness.” So, ito ay sa kanila pagkilala na ang lahat ng kanilang biyaya ay mula lamang sa biyaya ng Diyos.
Pero maliban nga doon, hindi naman na kikilalanin nila ngayon at ang kanilang pasasalamat ay nasa kanilang ninuno, dahil nga tinuturo din sa kanila at yun ang naipapaalala tungkol sa karakter ni Jacob, na si Jacob mismo ay pinili, hindi dahil sa kanyang kabutihan din. Wala sa kahit ano na meron si Jacob ang dahilan kaya’t siya ay pinili.
Ito nga ang mismong tinuturo sa Romans 9, ito ay tinuro ni Pablo. Siya mismo ay isang Hudyo, siya ay nasa linya ni Benjamin, nasa linya siya ni Jacob. Ninuno niya si Jacob at siya ay kaisa ng mga Hudyo. Pero nakikita niya na etong si Jacob ay hindi nga isang exemplary person, hindi isang ninuno na kanyang ipagmamalaki sa kanyang kabutihan. Kaya sa Romans 9, tinuturo niya at nauunawaan niya na ito ang katuruan tungkol sa kanyang ninuno.
Sa Romans 9:12, ay nililinaw doon na noon pa lamang, nung isisilang pa lamang si Jacob, yun na ang revelation tungkol sa kanya, na pinili si Jacob na walang kinalaman tungkol sa kanyang kabutihan. Sinitas doon ni Pablo sa Genesis 25 na kinausap ng Diyos yung ina ni Jacob: “There are two children in your womb, merong two nations now in your womb. One will be stronger than the other, the older shall serve the younger.” So bago pa sila ipanganak ay meron nang pagpili ang Panginoon kung sino ang Kanyang papaboran.
At kaya doon, sabi ni Pablo sa kanyang paliwanag sa Romans 9, doon sa pagpili ng Diyos kay Jacob ay malinaw na ito’y hindi dahil sa kanilang kabutihan dahil hindi pa sila sinisilang, wala pa silang ginagawa, wala pa silang pamumuhay na para bang ito’y gantimpala kaya siya pinili ng Diyos. Kundi bago sila isilang, ito’y tinakda na ng Panginoon: “The older shall serve the younger.” Yung mas bata, si Jacob, siya ang magiging blessed seed.
Pero kung iisipin din natin, at siguro merong magdadahilan, eh ang Diyos nakita na Niya ang buhay. Nakita Niya na yung buhay ng tao bago pa siya ipanganak. So kung nag-decide Siya bago siya ipanganak, hindi naman ito masasabi na walang dahilan o walang pagtingin sa kanyang hinaharap. Eh ang nakita nga natin, ang nakita ng Diyos na hinaharap na buhay ni Jacob ay isang masamang buhay. Simula pa lang sa kanyang pagkasilang, ayun nga, ay pinangalanan nga siyang “the one who breaches.”
Kasi nga doon pa lang, bilang sanggol ay lumabas na yung kanyang total depravity. Gusto niya siyang nauuna palagi bilang isang sanggol.
So ito ay isang si Jacob sa kanyang buong buhay mula sa kanyang sinapupunan. Sa lahat ng makikita natin ay hindi siya makikita ng kabutihan na magiging dahilan ng pagpili ng Diyos sa kanya.
Kaya nga sa kanilang pag-alala na ang lahat ngayon ng kanilang pagpapalang tinatamasa ay dahil lamang pinili ng Panginoon ang kanilang ninunong si Jacob, ay ngayon ay binibigay nila ang lahat ng kapurihan sa Panginoon lamang dahil hindi sa kanila bilang bayan o sa kanilang kabutihan sa pagsamba sa Panginoon. Kaya sila ngayon ay nakakatamasa ng pagpapala dahil hindi naman nga sila naging masunurin.
Maging ang kanilang ninuno na masasabi nila yun talaga ang pinakadahilan kaya sila ngayon ay pinapaboran ng Diyos dahil pinili ang kanilang ninuno. Pero kapag titignan nila ang buhay ng kanilang ninuno, hindi rin siya makitaan ng dahilan bakit siya pinili.
Kaya itong salita sa verse 4 kung bakit sila nagpupuri sa Panginoon ay binibigay nila ang kaluwalhatian lahat sa Panginoon lamang. Kaya, “Praise the Lord, for the Lord has chosen Jacob.” Siya ang dahilan kaya Siya ay dapat purihin. Walang kahit ano sa amin, walang kahit anong bahagi ng kaluwalhatian na mapupunta sa amin. Kaya Siya pupurihin ay dahil sa Kanyang ginawa na pinili Niya si Jacob at ngayon kami ay pinagpapala sa kabila ng aming kasalanan, sa kabila ng kasalanan din ng aming ninuno.
Si Jacob, kami ngayon ay Kanyang possession, a treasure to Him. Kami ay Kanyang iniibig at meron kaming mga dakilang pagpapala.
At hindi lamang kapag ito’y naunawaan nila at nabuksan na sa kanila yung yaman ng biyaya na pinagmula ng kanilang pagpapala ay siguro malilihis din ang kanilang pagtingin. Hindi lamang dun sa yaman na kanilang tinamasa na ngayon sila ay isang kaharian na siguro merong some measure of peace na ine-enjoy, merong measure of wealth at sila ay marami-rami na. Hindi lamang ganoon ang kanilang mga pagpupuri kundi na sila ay napapaalalahanan na ang mismong pagpapala ng Diyos sa kanila is Himself. “The Lord chose Jacob for Himself, and now Israel is His own possession.”
Kaya’t ang pagpapala, ang pinaka-puno ng pagpapala ng Diyos sa kanila ay ang Diyos mismo na nangako Siya, “I will be your God and you will be My people.” Kaya’t ang napakayamang pagpapala na meron sa kanila, maging ang pagpapala na ang Diyos mismo ay sasama sa kanila ay mula lamang sa biyaya ng Panginoon.
At ito ay kaya nga dahilan para sa mga Hudyo na kilalanin, “Hallelujah! Praise the Lord! For the Lord has chosen Jacob for Himself, Israel as His own possession.”
So dito nakikita natin kung anong dahilan na iyong pagpili ng Panginoon kay Jacob ay dahilan ng pagpupuri para sa mga Hudyo. Pero paano ito sa mga Kristiyano? Mag-a-apply pa rin ba ito sa mga mananampalataya, sa atin, ng mga hintil na hindi naman natin ninuno si Jacob? At tayo ba ay makaangkin din ng pagpapala na tayo ay nadaluyan din ng pagpapala dahil sa pagpili ng Panginoon kay Jacob? Anong kinalaman natin doon?
Well, kung ating nga uunawain ang pagtuturo ng Biblia sa pag-unlad ng kasaysayan at pag-unlad ng pagpapahayag ng Diyos sa Kanyang kalooban, ang pagpili ng Panginoon kay Jacob ay nagbibigay ng mas dakila pang pagpapala sa atin, ng mga mananampalatayang mga Hentil, kaysa dito sa mga pagpapala na tinatamasa ng Hudyo noong panahon ng Lumang Tipan.
Mas dakila pa ang pagpapala na meron tayong mga mananampalataya kaysa sa mga Hudyo noong panahon ng Lumang Tipan. Kaya itong pagpili ng Panginoon kay Jacob ay dahilan din ng pagpupuri para sa atin.
Paano ito naging pagpupuri at paano tayo nagkaroon ng bahagi sa pagpapala ng Diyos kay Jacob? Well, una, tulad nga din na iyong pagkataon ni Jacob, yung kanyang karakter ay isang paalala na napakayaman ng biyaya ng Diyos dahil ang pinili Niya ay si Jacob sa kabila ng kanyang kasalanan at walang kahit anong kabutihan na meron kay Jacob na naging sanhi ng pagpili ng Panginoon sa kanya. Nakikita natin na ganoon nga kayaman ang biyaya ng Diyos.
Well, totoo pa rin yun hanggang ngayon, at kung makita natin yun na kung si Jacob na hindi naman exemplary person ay nabibigyan ng biyaya ng Diyos, makikita natin na mayaman ang biyaya sa kanya, and that is an encouragement to us na magtiwala na ganoon nga kayaman ang biyaya ng Panginoon na maging ang mandaraya, maging ang taong hindi naman Siya hinahanap, ay ang Diyos mismo ang lalapit sa kanya para sa Kanyang sariling layunin.
Siguro parang hindi yung idea na encouraging sa atin yung kapalpakan ng isang tao. Ay parang hindi nice thought na tayo ay nag-iisip na si Jacob ay isang masamang tao pero pinili siya. Kaya tayo ngayon ay makakatiwala na mayroong mayamang pagpapala sa kanya, na “pagpalain kung si Jacob nga ay pinagpala, e paano pa tayo?” Parang ang sama at mayabang yung ganoong klaseng pag-iisip.
Pero actually, yung ganitong katuruan ay hindi tinatago ng Biblia, at maging si Pablo mismo ay ganitong magturo. Na una, ginamit nga niya mismo si Jacob bilang pagpapatunay na mayroong mayamang biyaya sa Panginoon na piliin si Jacob. At minsan sa I Timothy 1, ginamit ni Pablo ang kanyang sarili bilang isang example na kung ako ay niligtas ng Panginoon, ako na “the chief of sinners,” ito ay pagpapakita bilang example of the patience of God na kaya Niyang magpatawad even of someone like me.
So itong pagpili ng Panginoon kay Jacob ay maaaring maging encouragement sa atin. Hindi man natin ninuno si Jacob by generation, ay maaari pa rin natin makita yung naipakitang biyaya kay Jacob ay isang biyayang mayaman maging para sa atin, ay encouraging.
Pero maliban doon, ay hindi lamang na theologically nakita natin yung grace na ipinakita kay Jacob at ito ay encouraging to us, kundi kung ating uunawain yung pagpapala na pinili si Jacob, at yung lahat ng ginawa ng Diyos para sa Bayang Israel, ang lahat ng ito ay pinangyari ng Diyos para sa pagligtas maging ng mga hintil. Kaya’t nga ang lahat ng ito ay dapat natin makita, maging yung pagpapala na tinamasa ng Bayang Israel, lahat ng ‘yan ay nauuwi sa pagliligtas sa atin.
Kaya tayo ay merong dahilan na purihin ang Panginoon na pinili ng Diyos si Jacob. Ito ang mismong tinuturo doon sa isang favorite verse ng marami, Romans 8:28: “All things work together for good for those who love God, for those who are called according to His purpose.”
So, ang titignan natin ay maging itong mga pangyayaring ito, maging yung pagpili ng Panginoon kay Jacob, kasama ‘yan sa mga pinangyari ng Panginoon para tayo—tayo na malalayong, hindi pa sinisilang, at mga hindi kasama sa lahi ni Jacob, mga hintil na hanggang just 300 years ago ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kung ano-ano: sa bato, sa ilog, sa hipopotamus. Ito ang mga sinasamba ng ating mga ninuno.
Until just yung bago tayo dalhan ng Roman Catholicism, ng pagkakakilala sa salita ng Diyos. Nandito sa ating bayan ay sumasamba sa puno, sa araw, at sa kung ano-ano pa, maging sa mga tao. So ito ang meron tayo.
Pero ang pagpili ng Panginoon kay Jacob, mula pa noon, at actually malalaman natin na even before the foundations of the world ay meron nang layunin ang Panginoon na itong mga mananampalataya ngayon na nandito sa RGBC ay nakita na ng Panginoon at Kanyang pinlano na iligtas mula pa noon.
Kaya tayo ay may dahilan na maging balikan yung pagpili ng Panginoon kay Jacob, dahil alam natin na ito’y pinangyari Niya, yung lahat ng nangyari, para sa atin.
At actually, hindi ito isa lamang na parang malawak na theological speculation, dahil sinabi sa Romans 8:28, lahat pinangyari Niya para sa atin. Ay kaya natin talagang ma-trace kung paanong ang ginawa ng Diyos kay Jacob ay pagpapala sa atin.
At ito’y walang iba kundi sa pamamagitan ni Hesukristo. Dahil ang pagpili ng Panginoon kay Jacob, ang pinakalayunin nito, ay ang pag-iingat sa Bayang Israel upang sa lahi nila ay isisilang ang ating Panginoong JesuKristo.
At sabi nga sa Galatians 3:16, pinapaliwanag ni Pablo na yung katuparan ng pagpili kay Abraham at yung pagpapala sa kanyang lahi, ang pinakaibig sabihin na tinutukoy nito ay nadadahin sa kanila ang iisang lahi, ang isang offspring particularly, at iyon ay si Jesus Kristo.
At kung sa pamamagitan ng pagpili kay Abraham, kay Jacob, at yung pag-iingat sa Bayang Israel, ang lahat ng ito ay nagdulot at nagdala sa ating Panginoong Hesukristo. At sa pamamagitan ngayon ni Hesukristo, ito’y nagdala ng pagpapala sa atin.
Kaya meron tayong pasasalamat at inaalala natin yun na pinili ng Panginoon si Jacob, at ito sa ating mga hintil sa Bagong Tipan sa Pilipinas ay kaya nating papurihan ang Panginoon para sa pagpili ng Panginoon kay Jacob dahil ito ang nagdala ng pagpapala sa atin.
Kung iisipin nga natin, kung yung bayan ng Israel ay kaya sila ng panahon ng Lumang Tipan sa kanilang pagpupuri sa ganitong salita, Psalm 135:4, habang pupurihin nila ang Panginoon at kanilang ibabalik ang kaluwalhatian sa Diyos sa pagpili ng Diyos sa kanilang ninuno, ang kanilang tinitingnan ay may maganda silang naunawaan na hindi sila ang dahilan ng pagpili ng Diyos kundi ang biyaya ng Diyos lamang.
Ngunit ang kanilang tinitingnan ay na kaya sila pinagpala ngayon ay dahil ang Diyos ay pinaburan yung aming ninuno na si Jacob.
Pero ngayon sa ating panahon sa pag-unlad ng kasaysayan at ng pagpapahayag ng Panginoon, tayo ngayon ay hindi lamang kay Jacob nakatingin kundi sa Panginoong Hesukristo.
Kaya sa atin ngayon na titingin sa pagpapala ng Diyos kay Jacob, sa pagpili Niya kay Jacob, meron tayong mas siguradong dahilan na tayo ay magalak sa mga pagpapala na meron tayo dahil hindi lamang na naaambunan tayo ng pagpapala dahil yung ninuno natin ay kinalugdan ng Diyos kundi tayo ay binubuhusan ng lahat ng pag-ibig dahil tayo ay nakay Hesukristo na tunay at siguradong iniibig ng Panginoon.
Ito nga ang lingwahe na ginamit ni Pablo sa Ephesians 1 na tayo ay kinikilala Niyang pinagkalooban ng lahat ng mga espiritual na pagpapala “in whom He has blessed us” or “with which He has blessed us in the Beloved.”
Isang magandang pagkakasabi, pagkakatawag sa Panginoong Hesukristo na Siya yung iniibig ng Panginoon. Siya yung iniibig ng Diyos, si Hesukristo.
At kung tayo ngayon sa pananampalataya ay naging mga tunay na “the seed of Abraham,” paliwanag ni Pablo sa Galatians na “it is those of faith who are the seed of Abraham,” at tayo ngayon ay nakay Hesukristo kaya ang ating kinakapitan, kaya tayo ay sigurado sa pagpapala at pag-ulan ng biyaya sa atin ay dahil iniibig ang ating Panginoon.
Ang Panginoong Hesukristo ang namamagitan para sa atin at tayo na mga nasa Kanya ay talagang nauulanan ng lahat ng espiritual na pagpapala.
Hindi lamang yung pagpapala kay Jacob na yun ang kanilang nae-enjoy bilang isang nation, ay yung espesyal na pag-iba kay Jacob bilang isang tao at yung lahi nila ay pinagpala, yung kanilang bayan. Hindi lamang ganun kundi na sumampalataya tayo kay Kristo. We are now in Christ at in Christ we have all the spiritual blessings.
Kaya nga itong katotohanan na “the Lord has chosen Jacob for Himself, Israel as His own possession.” Actually, hindi ito para lamang sa bayan ng Israel kundi para sa atin na the true children of Abraham. At tayo ay aawit ng mga salitang ito nang mas may kaluwalhatian, mas dakila ang ating pagpapalang natanggap mula sa Kanya at mas nauunawaan natin ang kaluwalhatian ng biyaya na natanggap natin sa pamamagitan ni Hesukristo.
Tayo nga bilang isang Reformed Church, or Baptists, or Calvinists ay nagtuturo noong mga doctrines of predestination. Ituturo natin yung doctrine of unconditional election.
At itong mga doktrinang ito ay madalas, ito minsan ang entry of many into the Reformed faith. Yung mga doctrines of predestination maaunawaan nila. At madalas, itong mga katuruan na ito ay sa pananaw ng iba ay para lang mga “speculation” o mga katuruan na kinatutuwaan lang natin at gusto lamang natin na ipamukha sa kanila na madami tayong nauunawaan, at tingin nila ito ay isang katuruan na wala namang kabuluhan, na hindi ka naman sure kung sino ang napili. Tapos sa huli ay ang mahalaga pa rin ay yung buhay, etc.
So, iniisip ng marami itong katuruan na ito, itong doktrina na ito ay hindi mahalaga. Ito’y pinag-aaralan lamang para magpakita ng iyong kagalingan o ng lalim sa kaalaman pero para bang wala itong patutunguhan.
Pero nakikita nga natin at dapat nating maunawaan ang tinuturo sa atin ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng awit na ito: ang katotohanan ng pagpili ng Diyos kay Jacob, ang katotohanan ng pagpili ng Diyos mula sa Kanyang biyaya ay hindi lamang isang katotohanan na kinatutuwaan nating pag-usapan kundi isang katotohanan na nag-uudyok sa atin na magpuri, magbigay ng dakilang papuri sa ating Panginoon, na ibigay sa Kanya ang lahat ng kaluwalhatian dahil nakikita natin na ang lahat ng pagpapala na meron tayong natatanggap ay hindi nagmula sa kahit anong kabutihan na meron tayo kundi dahil lamang sa soberano at mabiyayang pagpili ng Diyos sa atin.
Kaya nawa nga ito ay matutunan natin at mas lalo pa tayong mapalalim sa pag-aaral ng katotohanan ng pagpili ng Diyos dahil ito ay isang bukal ng pagpupuri upang tayo ay matuto na makita ang napakalalim na maluwalhating pag-ibig sa atin ng ating Panginoon.
Tinuturo sa atin dito na kilalanin at ibigay sa Panginoon ang lahat ng papuri. At tinuro sa kanila ang sabihin, “For the Lord has chosen Jacob for Himself, Israel as His own possession.”
Pagdating natin sa Ephesians 1 ay ganoon pa rin ang pagtuturo sa eleksyon, ay hindi nakahiwalay sa pagpupuri. Kaya nga dito sa Ephesians 1:3 ay ang pagbanggit sa eleksyon ay also in the context of praising God:
Sabi sa Ephesians 1:3, “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places, even as He chose us in Him before the foundation of the world, that we should be holy and blameless before Him. In love He predestined us for adoption to Himself as sons through Jesus Christ, according to the purpose of His will.”
Nakita natin hindi siya kailanman na ilalayo sa pagpupuri. Ang katotohanan na ito ay dapat magbigay sa atin ng pusong nagpupuri sa Kanya. Tulad ng mga Hudyo, ang katotohanan na ito ay dapat magpababa sa atin, makita natin na hindi sa atin nakasalalay ang ating kaligtasan o ang pagpili sa atin kundi dahil lamang sa pagpili ng Diyos.
And also, ito ay nawa mag-encourage sa atin. Mag-encourage sa atin na makitang ganun kayaman ang biyaya sa Panginoon na maging sa mga taong walang dahilan para sila piliin, may biyaya ang Diyos na sila ay piliin. Kaya tayo nawa ay ma-encourage at mas lalong mapagtibay ang ating pananampalataya sa Diyos natin na may biyaya maging sa atin na mga makasalanan.
[Closing Prayer]
This transcript was created using AI tools. Please report issues or corrections to webadmin@rgbc1689.org.